Malaking halaga ang mawawala kay Ja Morant dahil sa panibagong pagkakasuspinde niya.
Malaking halaga ang mawawala kay Ja Morant dahil sa panibagong pagkakasuspinde niya.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Dwyane Wade patungkol sa pagkukumpara sa katandaan nina LeBron James at Michael Jordan.
Sa palagay nga ni Dwyane Wade na ang pagbalik ni Michael Jordan sa game sa koponan ng Washington Wizards ay hindi maaring ikumpara sa kung ano ang naabot at nagawa ni LeBron James sa Los Angeles Lakers, mga KaTop Sports.
Nang matanong kasi siya kung ang kasalukuyan bang kalagayan ni LeBron ngayon ay nagpapaalaala sa kaniya sa mga panahon ni Jordan sa Wizards, ang sagot niya ay "Hindi".
Para kay Wade, ang consistency daw ni LeBron sa mga nakalipas na taon ay nasa ibang level, si MJ raw ay nag-aaveraged ng 20 points nang siya ay bumalik at magaling pa rin naman daw, pero si LeBron daw ay nanatili sa level na hindi pa natin nakita dati.
Kaya ang pag-uusap daw kung sino ang magaling, pinahirap daw iyon ni LeBron, kapag ang pag-uusap ay patungkol sa matatandang players dahil sa kaniyang consistency, dahil sa kaniyang ika-20th year sa NBA, siya pa rin daw ay nag-aaveraged ng nasa 30 points.
At masaya raw itong si Wade na nagkaroon siya ng pagkakataong maging parte ng kahusayan ni LeBron, at nasasaksihan naman daw natin iyon, kaya tignan na lang daw natin kung saan matatapos itong si LeBron, mga KaTop Sports.
Si Michael Jordan nga ay 38 years old na nang siya ay nanggaling sa tatlong taon pagreretiro at sumapi sa koponan ng Wizards, at doon siya ay nag-averaged ng 22.9 points, 5.7 rebounds at 5.2 assists, na may 41.6 percent shooting sa unang taon niya doon.
At sa pangalawa at huling season niya sa Wizards, siya ay nag-averaged ng 20 points, at may shooting percentage na 44.5 percent, habang si LeBron naman ay nag-averaged ng 28.9 points, 8.3 rebounds at 6.8 assists, sa 54 games niya sa Lakers sa edad na trentay otso nu'ng nakaraang season.
Naging mahalaga rin si LeBron sa Lakers kung bakit sila nakaabot sa Western Conference Finals, kahit na ba sila ay tinalo ng Denver Nuggets, kaya kahit na ba hindi na gaya ng dati itong si LeBron, napanatili pa rin talaga niya ang kaniyang consistency at impact sa game.
At iyon daw ang magsasalita patungkol sa kaniyang longevity at greatness kumpara kay his airness, sang-ayon ba kayo sa sinabi na ito ni Dwyane Wade, mga KaTop Sport?
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa malaking halaga na mawawala kay Morant dahil sa panibagong pagkakasuspunde niya, mga KaTop Sports.
Mawawalan nga itong si Ja Morant ng nasa $7.6 million sa kaniyang sweldo sa darating na 2023-24 season dahil sa 25-game susupension sa kaniya, pero ayon kay Brian Windhorst, mas higit pa raw doon ang mawawala sa kaniya.
Sa latest na appearance ni Windhorst sa ESPN's First Take, ibinahagi niya ang mga naging financial losses ni Morant na bunga ng kaniyanh mga pagkakasuspinde, at ito raw ay halos aabot ng $50 million hanggang $60 million.
Kabilang dito 'yung nawala sa kaniya sa kaniyang eight-game suspension sa kaniyang unang scandal sa baril, maging ang $39 million nang siya ay hindi napasama sa All-NBA Teams sa season ng 2022-23
At dahil nga sa mga gulong kinasangkutan niya, hindi siya ibinoto sa All-NBA teams, kaya nasayang ang mga milyones na bonuses, at nahaharap pa siya ngayon sa potensiyal na pagkawala ng mga sponsorship deals dahil sa mga ginawa niya, mga KaTop Sports.
Kung titiganan daw, iyon na raw ang pinakamalalang penalty sa kasaysayan ng professional sports, at hindi na raw nakakabigla ito dahil sa nagawa nga ni Morant na dalawang IG Live na kinakitaan siya ng baril.
Pinanindigan talaga ng NBA ang parusang ipinataw nila laban kay Morant, kaya naman natural lang para sa ilang mga sponsors ang dumistansiya sa kaniya, at maari pa siyang mawalan pa ng ilang bonuses dahil sa kasalukuyan niyang suspensiyon.
Sana lang noh natuto na si Morant sa mga naging pagkakamali niya, dahil isa pa naman siya sa top superstar sa NBA at siya ay nasa malaking platform, at hindi niya pwedeng gawin na lang kung ano ang maibigan niyang gawin ng walang pag-iingat, dahil inirerepresenta niya ang liga at mga values nito.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment