Malaki raw ang gagampanan ni Jimmy Butler sa pagkumbinse kay Damian Lillard na sa Miami Heat na lang lumipat.



Malaki raw ang gagampanan ni Jimmy Butler sa pagkumbinse kay Damian Lillard na sa Miami Heat na lang lumipat.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Chris Paul patungkol sa pagkakasuspinde ni Ja Morant sa NBA.


Nagpaabot nga ng simpatya itong si Chris Paul kay Ja Morant matapos na suspundehin siya ng NBA dahil sa kaniyang ikalawang IG Live gun scandal, mga KaTop Sports.

Binigyan nga ni Commissioner Adam Silver at ng liga ng 25-game suspension itong si Morant bilang parusa sa kaniyang nagawa.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Morant ay kinakitaan ng isang baril habang naka-Live sa IG na kasama ang kaniyang mga kaibigan nu'ng May, na umani nga ng kristisismo at batikos na galing sa mga fans at mga experts.


Na suspinde na no'n si Morant dahil din sa kaparehong insidente ng kinakitaan din siya ng baril sa isang ninght club, pero hindi pa rin siya nadala.

Pero para kay Chris Paul, mga KaTop Sports, nauunawaan daw niya si Morant, at sinabi na parte raw iyon ng growing pains ni Morant, na sinusubukang paandarin ang pressure ng isang nasa spotlight habang nagma-mature bilang isang person.

Nakakaloka raw iyon, at siya raw ay malaking tagahanga ni Morant, at nagtungo pa nga raw itong si Morant sa kaniyang basketball camp nu'ng siya ay nasa kolehiyo pa lamang.


Nagpunta raw siya doon at walang nakakakilala pa sa kaniya, at pagkatapos ng camp, nakilala na raw siya ng karamihan.

Ilan nga sa mga kritiko ang hindi naging masaya sa pagbibigay lamang ng NBA ng 25-game suspension kay Morant, dahil ang gusto nila ay mas higit pa sana raw doon ang ipinataw sa kaniya.

Pero wala naman na silang magagawa pa doon, mga KaTop Sports, at gaya nga ng sinabi ni Paul, ngayon sana ay nagkaroon na ng mas malinaw na understanding itong si Morant sa kaniyang status at influence sa NBA pagkatapos ng mga kontrobersiyang ito.


Isa kasi siya sa mga mukha na ng liga, at sa kagaya niya na may power na makaimpluwensiya sa mga kabataan, dapat siya ay maging isang mabuting role model nila.

At para naman sa malaking role na gagampanan ni Jimmy Butler para sa pagkumbinse kay Damian Lillard na lumipat na lang sa Miami Heat, mga KaTop Sports.


Matapos nga na mapunta na nitong si Bradley Beal sa Phoenix Suns, ngayon ay nakafocus na ang Miami Heat sa pagkuha nila kay Damian Lillard.

At kung titignan, mukhang may malaking gagampanan itong si Jimmy Butler sa pagkuha nila kay Lillard.

Habang may naging balita nga na gusto sana nilang makuha si Beal, pero ngayon ay ibinunyag na nila na ang mas gusto talaga nilang makuha ay si Lillard kaysa kay Beal.


Lalo na ngayon na sila ay naniniwala na ito na ang offseason na aalis na si Lillard sa Portland Trail Blazers, mga KaTop Sports, dahil sa hindi naman pa raw makakabuo ang Portland ng isang palaban na koponan para sa titulo sa susunod na season.

At ayon nga sa naglalabasang balita, isa raw si Butler sa nagpu-push na makuha nila si Lillard, at siya raw ang nagiging sentro sa pagkumbinse nila kay Lillard na lumipat na sa Miami.

Sa ngayon hindi pa natin alam kung ano ang gagawin ng Blazers kay Lillard dahil hindi pa rin naman sila nagpapakita ng mga indikasyon na aalisin na nila si Lillard sa kanila.


Habang ang Blazers ay naka-focus ngayon sa kanilang pang no.3 pick sa darating na 2023 NBA Draft, titignan pa siguro nila kung magiging isang malaking tulong kay Lillard ang makukuha nila sa draft.

Pero kung magdedesisyon ang Portland na gamitin ang kanilang pick para makapamili ng panibago nilang franchise cornerstone, mga KaTop Sports, mas magiging motivated na siguro si Lillard na humiling na ng pagbabago sa Blazers.

Alam naman na natin kung gaano naging ka-loyal nitong si Lillard sa kanila, pero kung wala pa rin namang pag-asa na makakakuha siya ng kampeonato sa kanilang prankisa, baka nga magdesisyon na siya na lumipat na lang ng ibang koponan.

At kapag iyon na ang mangyayari, asahan daw natin na gagawin lahat ni Jimmy Butler at ng Maimi Heat na makumbinse nila si Lillard na sa kanila na lang pumunta.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.