Los Angeles Lakers tinitignan kung makukuha nila si Brook Lopez sa free agency.
Los Angeles Lakers tinitignan kung makukuha nila si Brook Lopez sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong ginawang desisyon ng Lakers sa kontrata ni Malik Beasley at sa iba pa.
Dinecline na nga ng Lakers ang $16.5 million team option ni Beasley para sa susunod na season bago ang deadline, kaya ngayon siya ay unrestricted free agent na.
Ang desisyon ay ginawa nila matapos na mai-waive naman nila ang $10.3 million non-guaranteed contract ni Mo Bamba para sa susunod na season.
Ang Lakers ngayon ay under na sa $172 million luxury tax threshold, na nagpaging dapat sa kanila na magamit nila ang full non-taxpayer midlevel exception sa free agency, na may estimated price na $12.4 million at ang bi-annual exception na may estimated price na $4.5 million.
Naiulat din na confident itong Lakers na mapapapirma nila si Bruce Brown via non-taxpayer midlevel exception, mga KaDribol.
Gusto rin nilang papirmahin muli sa kanila si Dennis Schroder.
Sina Eric Gordon, Brook Lopez, Cam Reddish at Donte DiVincenzo ay mga option din ng Lakers.
Maari ring magamit ng Lakers ang non-taxpayer midlevel exception o kaya ang bi-annual upang mapabalik lang nila sa kanila itong si Lonnie Walker IV.
At ayon kay Dave McMenamin, mga KaDribol, nakikipag-ugnayan pa rin naman daw ang Lakers sa mga agents nina Beasley at Bamba upang sila ay mapabalik sa panibagong gawang kontrata.
Ang bente kwatro anyos na si Beasley ay nag-averaged ng 11.1 points, sa 26 games, matapos na siya ay makuha sa trade deadline mula sa Utah Jazz, at 14 games doon, siya ay naging starter sa Lakers.
Hindi niya nahanap ang groove niya sa tres, na ito ay bumagsak sa 35.4%, kaya siya ay nawala sa rotation ng Lakers sa playoffs.
At kahit na ba mapabalik pa ng Lakers si Beasley dahil kailangan pa rin naman nila ng shooters, ang halaga niya na $16.5 million ay mataas dahil na rin sa pabago-bago niyang paglalaro.
Sa kaniyang career, mga KaDribol, siya ay nag-averaged lamang ng 10.8 points, na may 37.8% shooting sa tres.
Iwinaive na rin pala ng Lakers si Shaquille Harrison na pumirma sa kanila sa final day ng regular season.
At para naman kay Brook Lopez na tinitignan ng Lakers na makuha nila sa free agency, mga KaDribol.
Idagdag natin ang isang pangalan na minomonitor ng Lakers sa free agency, at ito ay si Brook Lopez.
Siya ang latest intel na galing kay Dave McMenamin, na ayon sa kaniya, ang Lakers daw ay interesado na papirmahin sa non-taxpayer midlevel itong sina Bruce Brown ng Denver Nuggets at si Brook Lopez ng Milwaukee Bucks.
Pwedeng gamitin ng Lakers ang $12.4 million non-taxpayer midlevel exception matapos na sila ay maging under na sa $172 million luxury tax threshold, dahil nga sa naging desisyon nila na idecline na ang $16.5 million team option ni Beasley, mga KaDribol, at winaive naman nila ang non-guaranteed contract ni Bamba para sa susunod na season na nagkakahalaga ng $10.3 million, at winaive rin nila ang $2.4 million ni Harrison.
Confident nga ang Lakers na mapapapirma nila si Bruce Brown gamit ang non-taxpayer midlevel exception, ang kaso nga lang, siya ay makikipagkita sa Dallas Mavericks sa pagsisimula ng free agency at may ilang mga manliligaw na rin siya, kasama na doon ang Denver Nuggets.
Si Lopez naman ay pwedeng magbigay ng discount sa Lakers, pwera na lang kung hahayaan na lang nila na mawala sa kanila si D'Angelo Russell ng walang kapalit.
Ang trentay singko anyos na si Lopez ay galing sa kaniyang magaling na season sa kaniyang career, siya ay nag-averaged ng 15.9 points at 6.7 rebounds, 37.4% shooting sa tres at nakakuha rin siya ng All-Defensive First Team honors.
Siya ay may value na $13.9 million last season, mga KaDribol, at pwedeng tumaas ang value niya ngayon ng hanggang $18-20 million annually sa merkado.
Ang maximum deal na mai-ooffer ng Bucks sa kaniya sa loob ng tatlong taon ay $54 million.
Ang Houston Rockets na may sapat na cap space ang isa sa naiuulat na interesado kay Lopez, pero mas makatotohanan daw ang pananatili ni Lopez sa Bucks, iyan ang paniniwala ni Marc Stein.
Naglaro na nga dati itong si Lopez sa Lakers nu'ng season ng 2017-18.
At kung hindi makukuha ng Lakers sina Brown at Lopez, mga KaDribol, pwede nilang hatiin ang non-taxpayer midlevel exception sa gaya nina Schroder, Gordon, Walker IV, DiVincenzo o Reddish.
Comments
Post a Comment