Los Angeles Lakers nali-link sa isang player ng Portland Trail Blazers.
Los Angeles Lakers nali-link sa isang player ng Portland Trail Blazers.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong sinasabi na ang potensiyal daw na mapuntahan ng isang free agent ng Lakers ay ang San Antonio Spurs.
May magandang future nga ang nasa harapan ngayon ng San Antonio Spurs, hindi lang dahil sa nakuha nila sa draft itong si Victor Wembanyama, kundi mayroon din silang batang grupo na sina Keldon Johnson, Devin Vassell, Jeremy Sochan at Malaki Branham.
Isa pa, marami pa silang cap space na magagamit sa free agency na maaring gumamot sa pagdevelop ng kanilang mga players.
Sa ngayon, wala pang masyadong ingay tayong naririnig patungkol sa mga plano ng Spurs sa free agency.
Gayun pa man, mga KaDribol, dahil na rin sa dami ng kanilang cap space, at dahil sa kailangan din nila ng isang ballhandler na scorer, sila ay nali-link ngayon sa guard ng Lakers na si Austin Reaves.
At dahil sa restrictions ng salary cap ng Lakers, posible nga na pumirma sa ibang koponan itong si Reaves, at baka nga sa Spurs, na may kakayahan na makapagbigay sa kaniya ng malaking pera sa free agency.
Pwedeng maging starting point guard ng Spurs itong si Reaves, kasama sina Victor Wembanyama, Keldon Johnson, Devin Vassell at Jeremy Sochan, bilang kanilang starting five.
Ang potensiyal na pagkadagdag din ni Reaves sa Spurs ay mag-aallow sa Spurs na magamit si Malaki Branham ng dahan-dahan.
Gayun pa man, mga KaDribol, may kakayahan pa rin naman ang Lakers na tapatan ang anomang offer na matatanggap ni Reaves, kaya ang agawin siya sa Lakers ay mukhang imposible na magawa ngayon ng ibang mga koponan, gaya ng Spurs.
Tanging si Vassell lamang ang malapit na pipirma sa Spurs ng isang expensive na long-term contract, kaya hindi naman kailangan ng Spurs na magmadali na kung papaano gagamitin ang kanilang cap space.
At patungkol naman sa player ng Portland Trail Blazers na nali-link ngayon sa Lakers, mga KaDribol.
Ginulat nga ni Damian Lillard ang mundo ng basketball nang sinabi niya sa pagsisimula ng offseason na siya ay lilipat na sa Lakers, pero nagbibiro lang pala siya ng sinabi niya ito.
Hindi rin naman natin masisi ang mga fans ng Lakers na mangarap na makita ang Big 3 ng Lakers na sina Damian Lillard, LeBron James at Anthony Davis, pero ang odds na mapunta si Lillard sa Lakers ay napakaliit.
At ngayon nga ay itinuon na raw ng Lakers ang kanilang atensiyon sa isa sa kakampi ni Lillard sa Blazers na si Cam Reddish, na magiging free agent na nga.
Si Reddish ay dumating sa Portland sa kalagitnaan ng season bilang parte ng isang four-team trade na kinasangkutan ng New York Knicks, Charlotte Hornets, Philadelphia 76ers at Portland Trail Blazers, mga KaDribol.
At ngayon nga ay wala na siyang kontrata, kaya naman nagkakainteres na sa kaniya ang Lakers.
Isa pa sa napaulat na minomonitor ng Lakers ay itong si Yuta Watanabe ng Brooklyn Nets.
Ang 6-foot-9 na small forward na si Watanabe ay pasok na rin sa free agency at siya ay pwedeng maging affordable wing option para sa Lakers.
Marami ngang pangalan ang nali-link ngayon sa Lakers, mga KaDribol, kaya panigurado, magiging busy talaga sila sa mga susunod na mga araw.
Comments
Post a Comment