Los Angeles Lakers nakahandang tapatan ang anomang io-offer kay Austin Reaves.



Los Angeles Lakers nakahandang tapatan ang anomang io-offer kay Austin Reaves.


Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging desisyon ni Rui Hachimura na nagpapakita na seryoso na talaga siya sa kaniyang NBA career.


Isa nga sa malaking pangalan sa free agency ngayon ay itong si Hachimura, mga KaDribol.

At gusto nga ng Lakers na siya ay manatili sa kanila, pero baka maharap sila sa isang competition mula sa mga kalabang koponan na may gusto rin na makuha ang serbisyo ni Hachimura.

At para kay Hachimura, siya raw ay naka-focus ngayon, kung papaano niya mas mai-improve ang kaniyang laro sa pagsapit ng kaniyang ikalimang season sa NBA.


At nagdesisyon na rin daw siya na hindi muna maglalaro sa kaniyang bansa para sa darating na FIBA World Cup tournament na gaganapin dito sa ating bansa, sa Pilipinas.

Isang mahirap na desisyon daw iyon para sa kaniya, mga KaDribol, pero gusto raw niya talagang mag-focus sa paghahanda para sa darating na bagong season at sa kaniyang NBA career.

Malaking kawalan ito para sa national team ng Japan dahil si Hachimura ang isa sa kanilang pinakamagaling na manlalaro ngayon sa kanilang bansa, at saka si Yuta Watanabe.


Malinaw ang mensaheng ipinararating dito ni Hachimura, mas uunahin niya ang kaniyang sarili kaysa sa duty niya sa kanilang national team.

Gusto niyang i-secure ang best deal na posible sa mga darating na araw, at gusto niya na malaman ito ng mga koponan, na siya ay talagang fully committed na sa kaniyang NBA career.

At para naman sa tatapatan daw ng Lakers ang anomang io-offer kay Austin Reaves, mga KaDribol.


Gusto nga ng Lakers na gawin nilang franchise staple itong si Austin Reaves, at nakahanda raw sila na tapatan ang anomang io-offer kay Reaves ng ibang koponan.

Kahit na ito pa raw ay isang maximum allowable offer sheet na nagkakahalaga ng nasa $100 million sa loob ng apat na taon.

At ayon nga rito kay Rob Pelinka, gusto raw nilang panatilihin ang grupo ng kanilang mga batang players, at gagawin daw nila ang lahat upang maging angkop ang lahat, at si Reaves daw ay nagkaroon ng magandang taon sa kanila.


Taglay daw ni Reaves ang puso na maglaro para sa Lakers, mga KaDribol, hindi raw makasarili at inuuna ang team, at palagi raw nasa gym itong si Reaves.

Gusto raw ni Reaves ang big moment, at nakakaya naman daw niya iyon, at siya raw ang klase ng tao na hindi basta-basta na lang magbabago.

At para naman kay Reaves, gusto pa rin daw niya sa Lakers, at tahanan na raw ang turing niya doon, at iba raw iyon kaysa sa talagang bahay niya.


Sinabi na raw niya dati pa na parang nasa kaniyang tahanan siya dito sa Lakers, dahil na rin sa nakikita niyang pagsuporta ng lahat sa kaniya, kaya gusto raw niya talaga sa Los Angeles, pero abangan na lang daw natin kung anong mangyayari.

Si Reaves nga ay nag-emerged bilang ikatlong best player ng Lakers sa second half ng 2022-23 season, mga KaDribol, at ang kaniyang pagiging playmaker ang nagpa-sparked sa kanilang run hanggang Western Conference Finals.

Siya ay nag-averaged ng 16.9 points, 4.4 rebounds at 4.6 assists, na may 44.3% mula sa tres, sa kaniyang debut sa postseason.


Pwedeng alukin ng Lakers itong si Reaves sa halagang $50 million para sa apat na taong kontrata.

Ang ibang koponan naman ay pwedeng mag-offer sa kaniya ng nasa $100 million, at may kakayahan ang Lakers na i-exceed ang kanilang cap upang matapatan lang ang ganoong offer kay Reaves.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.