LeBron James posibleng maglaro sa Atlanta Hawks sa darating na 2024 ayon sa kaniyang bagong Instagram post.
LeBron James posibleng maglaro sa Atlanta Hawks sa darating na 2024 ayon sa kaniyang bagong Instagram post, mga KaDribol.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong potensiyal na pagsapi ni Eric Gordon sa Los Angeles Lakers, ngayon na free agent na siya.
Hindi na nga kinuha pa ng Los Angeles Clippers ang guaranteed income ni Eric Gordon para sa susunod na season na nagkakahalaga ng $20.9 million.
Ibig lang sabihin, ini-waive nila ang trentay kwatro na beteranong si Gordon at ngayon nga ay free agent na siya.
At ngayon nga, mga KaDribol, ang Los Angeles Lakers ay nag-emerge bilang potential landing spot nitong dating Sixth Man of the Year.
Si Gordon nga at si Rob Pelinka ay close sa isa't-isa, katunayan, si Pelinka ay dating agent ni Gordon bago ito magdesisyon na kunin ang role ng pagiging isang high-ranking Lakers executive.
Isang lumang video nga ni Gordon ang kumakalat ngayon sa mundo ng NBA habang pinupuri niya si Pelinka nang ito ay sumapi na sa Lakers.
Walang ibang nasabi itong si Gordon kay Pelinka kundi magagandang bagay lamang sa panahon na iyon, at naniniwala siya na si Pelinka ay magiging isang magaling na GM ng Lakers, at hindi nga siya nagkamali.
Sa free agency, hindi naman siguro mawawalan ng mga manliligaw itong si Gordon, mga KaDribol, dahil hindi naman na siya siguro aabot pa o lalagpas pa sa halaga ng $20 million sa paparating na season.
Kaya't hindi siya mamomroblema na makahanap ng kaniyang bagong koponan, at willing naman siguro siya na tumanggap ng pay cut.
Ang Lakers nga ay wala nang masyadong cap room dahil na rin sa mga nakabinbin nilang mga desisyon sa kanilang mga free agents.
Pero kapag itong si Gordon ay open na kumita ng mas mababa sa dapat niyang asahang kitain sa ibang koponan, may chance nga siguro na mapunta siya sa Lakers.
At para naman sa posibildad na maglaro itong si LeBron sa Hawks sa 2024, mga KaDribol.
Matagal na ngang sinabi ni LeBron ang intensiyon niya na samahan ang kaniyang anak na si Bronny James sa alinmang team na magdraft sa kaniya sa 2024.
Ngayon nga ay may ibinahagi itong si LeBron ng ginawa niyang mock draft na nagsasabi na si Bronny ay mapipili bilang pang No.17 overall pick ng Atlanta Hawks sa 2024 NBA Draft, at ito nga ay lilikha ng bagong sensational storyline patungkol sa paglipat ng James Gang sa Atlanta.
Sa kaniyang IG post, sinabi niya na ang buong pamilya nila ay may intensiyon na lumipat sa Atlanta kapag nagdesisyon ang Hawks na kunin si Bronny sa susunod na taon.
At ito nga ay nakapukaw pansin sa superstar ng Hawks na si Trae Young, mga KaDribol, at siya ay nagbahagi ng kaniyang reaksiyon patungkol dito.
Ang tanging nasabi ni Young ay "Talk soon" o ang ibig sabihin niya siguro dito ay pag-uusapan nila ni LeBron iyon sa darating na panahon, at ang two-word reaction na ito ni Young ay umani na ng libo-libong reaksiyon.
Bagaman wala namang sinabi itong sina LeBron at Young patungkol sa paglipat ni LeBron sa Atlanta, pero hindi napigilan ng mga fans na mangarap na makita ang potensiyal na team-up ng dalawa.
Lalo na at offseason pa naman ngayon, at ang mga ganitong tipo ng narrative ang gustong-gusto ng mga fans na matanggap sa panahon ngayon.
Ano man ang maging kaso dito, mga KaDribol, hindi pa rin matatapos ang mga balita patungkol sa mag-amang James na ito sa susunod na summer.
Gaya ng kung handa na ba itong si LeBron na talikuran ang lahat-lahat sa Lakers, maging ang nabuo na niya sa Los Angeles, sa loob at sa labas ng court, upang makasama lang na maglaro ang kaniyang anak na si Bronny sa iisang koponan.
Comments
Post a Comment