LeBron James posible raw mapunta sa Boston Celtics dahil sa pagkaka-trade kay Kristaps Porzingis.



LeBron James posible raw mapunta sa Boston Celtics  dahil sa pagkaka-trade kay Kristaps Porzingis.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna nating itong ginawa ng Washington Wizards na pag trade ng kanilang pick sa Chicago Bulls sa araw ng NBA Draft.


Nagpatuloy nga na nagtrabaho ang Washington Wizards sa naganap na 2023 NBA Draft, mga KaDribol, nang gumawa sila ng isang trade at kumuha ng isang rookie, pero hindi pa rin iyon naging sapat.

Gumawa pa sila ng isa pang galaw sa second round upang makakuha pa ng maraming assets, at ipinagpalit nila ang kanilang pang-no.35 pick na nakuha nila sa Boston Celtics sa naging deal nila kay Kristaps Porzingis sa Chicago Bulls, kapalit ng dalawang future second-round picks.

Ang Bulls ay wala na ngang naging pick sa draft dahil sa isinagawa nilang trade kay Nikola Vucevic, na ang kanilang pang-no.11 pick ay napunta na sa Orlando Magic.


Na forfiet din ang kanilang second-rounder dahil sa sign-and-trade tampering issue kay Lonzo Ball, at ang kinuha nila sa pick na nakuha nila sa Wizards ay si Julian Phillips ng Tennessee.

At dahil sa nagre-rebuild nga ang Wizards, hindi na nakakagulat pa kung sila ay naging aktibo na makagawa ng mga deals sa araw ng draft, mga KaDribol.

Habang may maraming concerns kung saang dereksiyon ba sila tutungo matapos na hindi man lang sila nakakuha ng first-round pick sa pagkaka-trade kina Bradley Beal at Porzingis.


Ngayon ay nabigyan nila ng kaunting pag-asa ang kanilang mga fans, nang makuha nila si Jordan Poole mula sa Golden State Warriors kapalit ni Chris Paul.


Sinusubukan pa rin nila na makakuha ng maraming assets hangga't kaya nila, at sa lahat ng second-rounders na nakuha na nila sa ngayon, hindi mahirap isipin na magsasagawa pa sila ng maraming deals ngayon at sa free agency.

Upang mapatatag nila ang kanilang pagre-rebuild at mapabilis ang pagbalik nila bilang isang playoff contender kahit papaano.

At para naman sa posibilidad daw na mapunta itong si LeBron James sa Boston Celtics dahil sa pagkaka-trade sa kanila ni Kristaps Porzingis, mga KaDribol.


Hindi maikakaila na ang naramdaman ng mga fans ng Boston Celtics ngayon ay magkahalong tuwa at dismaya.

Ito ay matapos na kunin ng kanilang koponan itong si Porzingis upang palakasin ang kanilang frontcourt sa pamamagitan ng isang blockbuster three-team trade na kinasangkutan ng Washington Wizards at ng Memphis Grizzlies.

Okay naman ang pagkakakuha nila kay Porzingis, pero para sa kanilang mga supporters, nalungkot sila, ngayon na wala na sa kanila si Marcus Smart at siya ay nasa Grizzlies na.


Isa pa sa naging pampalubag-loob para sa mga fans ng Celtics bukod sa nakuha nila si Porzingis, mga KaDribol, ay nakakuha rin sila ng mga first-round picks sa trade deal na iyon.

At sa isang wild na conspiracy theory na ngayon ay umaalingawngaw ay ang posibilidad ng paggamit ng Celtics sa isa sa mga picks na iyon.

At ito ay ang kanilang 2024 first-round pick na posibleng magamit nila upang makuha si Bronny James sa susunod na taon ng NBA Draft.


At kapag nagawa nila iyon, ibig lang sabihin nito, si LeBron James din naman ay mapupunta din sa Celtics upang masamahan ang kaniyang anak na si Bronny.

Nakakalokang isipin ang bagay na ito, mga KaDribol, dahil kapag ito'y magkakaroon nga ng katuparan, napakatinding plano ito na magagawa ng Celtics, pero posible nga kaya ito?

Posible, dahil matagal naman nang sinabi ni LeBron na pupunta siya sa team kung saan mada-draft ang kaniyang anak sa darating na 2024.


At ang kasalukuyang kontrata ni LeBron ay may player option para sa season ng 2024-25, na ibig sabihin lang ay kung pipiliin niya na umalis na sa Lakers sa susunod na summer ay pupwede, at siya ay magiging unrestricted free ageny na.

Alam naman natin na gusto ni LeBron sa Hollywood at kung papaano niya nagugustuhan ang buhay niya sa NBA na siya ay nasa Los Angeles, kaya naman, iiwan kaya talaga niya ang lahat ng ito para lamang makasama ang kaniyang anak sa isang koponan?

At magawa nga kaya ng Boston na magkaroon ito ng katuparan, mga KaDribol.


Iyan ang isa sa aabangan natin sa darating na 2024 NBA Draft.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.