Kyle Kuzma nagdesisyon na sa kaniyang player option, kaya't ang mga fans ng Lakers ay humiling na siya ay magbalik na sa Los Angeles.



Kyle Kuzma nagdesisyon na sa kaniyang player option, kaya't ang mga fans ng Lakers ay humiling na siya ay magbalik na sa Los Angeles.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Victor Wembanyama’ patungkol sa dapat na asahan sa kaniya ng mga fans ng San Antonio Spurs.


Sinabi na nga noon pa ni Victor Wembanyama na hindi niya nararamdaman ang pressure sa pagiging consesus first-overall pick sa darating na NBA Draft, mga KaDribol.

At sinabi rin niya na hindi siya nagugulo kung tawagin man siya na greatest prospect of all time.

Sa mga sinabi na ito ni Wembanyama, maari nating isipin na baka siya ay sumusobra na sa kumpiyansa sa kaniyang sarili, gayong hindi pa nga niya nalalasap kung ano ang meron sa NBA.


Pero sa katotohanan, may method sa likod ng madness na ito, dahil sa naging panayam sa kaniya sa Good Morning America, nagtapat si Wembanyama kung papaano niya kinakaya ang napakalaking expectations na ibinibigay sa kaniya ng karamihan. 

At may dahilan siya kung bakit hindi niya nararamdaman ang bigat ng lahat ng pressure na inilalagay sa kaniya, dahil siya rin daw mismo sa sarili niya ay may mataas siyang expections sa kaniyang sarili, mga KaDribol,

At alam daw niya na ang expectations ng iba sa kaniya ay hindi maikukumpara ng nasa kaniyang sarili.


Meron daw siyang sariling mga goals, wala raw makakagambala sa kaniya pagdating doon at hindi raw mahirap gawin 'yon.

Panigurado ang mga fans ng San Antonio Spurs ay matutuwa sa sa sinabi na ito ni Wembanyama, na malapit na ngang maging kanilang opisyal na future cornerstone superstar.

Nakuha nga ng Spurs ang jackpot ng sila ang manalo sa Draft lottery, mga KaDribol, at sila nga ang makakagamit ng No.1 overall pick.


At marami nga tayong magugustuhan dito kay Victor Wembanyama dahil wala namang kaduda-duda na isa siya sa pinaka-talentadong binata na itatapak ang mga paa sa NBA.

At ang isa pa sa nagpaging elite dito kay Wembanyama ay ang tipo ng kaniyang mahirap na talunin na mindset na inilagay niya sa kaniyang sarili.

At para naman sa paghiling ng mga fans kay Kyle Kuzma na bumalik na siya sa Lakers matapos na magdesisyon na siya sa kaniyang player option, mga KaDribol.


Opisyal na ngang dineclined ni Kyle Kuzma ang kaniya player option sa Washington Wizards at siya ay magiging unrestricted free agent na.

At sa naging desisyon na ito ni Kuzma, marami sa mga fans ng Los Angeles Lakers ang nagsasabi na bumalik na lamang siya sa Lakers.

Tinanggihan nga niya ang kaniyang $13 million player option, kaya naman ngayon, isa na siya sa pag-aagawang player sa free agency.


At para naman sa Lakers, mga KaDribol, ang pagbalik niya doon ay may sense naman talaga, dahil baka mawala pa si Rui Hachimura sa Lakers sa free agency, kaya tamang-tama itong si Kuzma na kapalit niya.

At kung sakaling makuha pa rin ng Lakers si Hachimura, may sense pa rin na kunin nila si Kuzma dahil sa abilidad niya sa pagshoot ng bola.

Dahil ang shooting ang isa sa naging kakulangan ng Lakers nitong katatapos lang na season, at magiging mahalaga para sa Lakers ang scoring ni Kuzma kapag sina LeBron James at Anthony Davis ay nasa sideline o kaya ay off ang mga laro nila.


Siyempre, ang reunion ni Kuzma sa Lakers ay isa sa magandang magawa nila ngayong summer, lalo na kung makakakuha pa sila ng isang premier na point guard na gaya ni Kyrie Irving o kaya ay si Fred VanVleet sa free agency.

Na panigurado ay nasa taas ng kanilang listahan, mga KaDribol, maging ang pagkuha nilang muli kina Hachimura at Austin Reaves.

Maganda nga kung makakabalik si Kuzma sa Lakers, pero baka hindi rin ito magkaroon ng katuparan pa, dahil hindi pa naman nagpapakita ng interes itong si Kuzma na bumalik sa Los Angeles.


At ang pagpirma niya muli sa Wizards ay posible pa rin naman, at marami rin ang magkaka-interes na kumuha sa kaniya sa free agency kung sakali man.

Gayun pa man, mga KaDribol, abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ni Kuzma sa free agency, kung siya ba ay babalik sa Lakers o sa Wizards pa rin siya maglalaro, o baka sa ibang koponan na natin siya makikita sa paparating na season.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.