Kevin Durant binanatan ang narrative ng pagra-rank ng mga players sa NBA.



Kevin Durant binanatan ang narrative ng pagra-rank ng mga players sa NBA.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging dahilan daw kung bakit tinanggihan ng Dallas Mavericks ang trade kay De'Andre Hunter ng Atlanta Hawks.


Nag-explore nga ang Dallas Mavericks ng ilang posibleng senaryo ng trade sa koponan ng Atlanta Hawks, mga KaDribol, kabilang ang potensiyal deal sa bente singko anyos na si De'Andre Hunter.

Habang gusto naman ng Mavs itong si Hunter, pero may isang aspeto na nagpapigil upang siya ay kunin nila, at ito ay ang kaniyang $95 million deal sa Hawks.

Pumirma nga kasi itong si Hunter ng four-year $95 million extension  sa Hawks nu'ng 2022 offseason, at gagana na nga ito sa season ng 2023-24, na siya ay naka-set na kumita ng hindi bababa ng $20 million kada taon mula sa deal na iyon.


Ayon sa latest na update, gusto ng Mavs ang player pero hindi ang may ganoong halaga, at ang top brass ng Hawks ay nagbigay 'di umano ng mandato para sa koponan na umiwas sa luxury tax, at iyon siguro ang dahilan kung bakit iniaalis na nila ang kontrata ni Hunter sa kanila.

Hindi pa nga alam kung ano ang gusto ng Hawks sa trade kay Hunter, mga KaDribol, pero ang Mavs ay mukhang nakagawa ng tamang desisyon na iwasan na lamang ang deal na iyon.

Lalo na at nagawa nila sa draft na ibasura na lang ang kontrata ni Davis Bertans at nakahanap pa sila ng ibang paraan upang mai-improve ang kanilang roster.


Bukod sa pagkakakuha ng Mavs sa sentro na si Richaun Holmes sa isang trade, kumuha rin sila ng mga defensive-minded players sa NBA Draft na sina Dereck Liveley II at Olivier-Maxence Prosper.

At inaasahan nila na ang kanilang mga rookies ay makakatulong upang ma-improve ang kanilang depensa, lalo na at nag-struggle sila doon last season nu'ng makuha nila si Kyrie Irving.

At para naman sa pagbanat ni Kevin Durant sa narrative ng pagra-rank ng mga players ng NBA, mga KaDribol.


Hindi na nga nakapagpigil pa itong si Durant na banatan ang mga fans ng NBA at ang mga media patungkol sa pagra-rank ng mga players.

Tinalakay nga ni Durant ang patungkol sa isang post sa Twitter na nagsasabi na siya raw ay hindi kabilang sa top 5 players ng NBA ngayon.

Tinanong niya kung bakit ang mga fans at mga media ay palaging inire-relate ang kagalingan ng isang player sa nagiging tagumpay ng kaniyang koponan, na hindi raw dapat ganoon.


Alam naman natin na marami sa mga players ay hindi nagta-thrive kapag sila ay nailalagay sa pangit na sitwasyon, mga KaDribol, at dahil do'n, ipinunto ni Durant na ang pag-assess daw dapat sa mga players ay hindi ginagawang komplikado na gaya no'n.

Dapat daw ay simple lang ang pag-alam kung ang player ba ay magaling o hindi, ganoon daw dapat iyon.

Sa kabilang banda, may punto naman dito si Durant, dahil marami ngang mga players sa NBA na hindi nila nakukuha ang pagkilala na deserve nila, at ito ay hindi dahil sa hindi sila magagaling na mga players, kundi dahil sa iba't-ibang mga factors, gaya ng kawalang o kakulangan ng titulo, pangit na record ng mga panalo o kaya ay kakulangan ng accolades.


Pero dapat din siguro makita ni Durant ang mga nasabing mga bagay na iyon, dahil ang mga fans at mga eksperto ay nagra-rank ng mga players dahil sila ay naglalaro sa isang competitive na sport na walang pakialam sa partisipasyon ng mga tropeo.

Malaking bagay para sa kanila ang panalo, mga KaDribol, at mahirap na natin iiwas iyon sa kanila upang iyon ay pagdebatehan pa, at sa ganoon nagta-thrive ang liga at kaya nga marami ang nagkakainteres dito.

Kilala nga itong si Durant na laging nag-e-engage sa kaniyang mga fans, maging sa kaniyang mga haters na rin, at mukhang hindi naman siya titigil sa paggawa nito, at ang kagandahan lang dito ay, nakakaaliw na makita ang kaniyang respond at kung papaano siya nakikipagtalo sa mga trolls.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.