Kendrick Perkins sinabi na mapupunta daw si James Harden sa Lakers at magiging kakampi ni LeBron James.
Kendrick Perkins sinabi na mapupunta daw si James Harden sa Lakers at magiging kakampi ni LeBron James.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong napapabalita na gusto raw makuha ng Boston Celtics ang isang big man ng Detroit Pistons.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nga makapaniwala ang Boston Celtics sa pagkatalo nila sa Eastern Conference Finals laban sa Miami Heat, katunayan, si Grant Williams ay hindi pa rin daw makapaniwala na natalo sila doon, mga KaDribol.
Mayroon man ang Celtics na firepower upang manalo sa East sa susunod na season, aktibo pa rin sila sa paghahanap ng makakatulong sa kanilang mga stars na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown.
At isa nga sa tinitignan nila ay itong kontrobersiyal na big man ng Detroit Pistons na si Isaiah Stewart, na napapabalita na nag-inquired na raw ang Celtics sa availability niya para sa isang potensiyal na trade.
Mas nakilala nga itong si Stewart dahil sa nangyari sa kanila ni LeBron James taong 2021, at kung gusto niyong mabalikan, may video akong ginawa patungkol doon, para sa hindi pa nakakapanood.
Si Stewart ay nag-averaged nu'ng nakaraang season ng 11.3 points, 8.1 rebounds at 1.4 assists, na may 73.8% shooting sa free throw line sa loob ng 50 games, mga KaDribol.
Siya ay may taas na 6 foot 8, na may bigat na 250 pounds, at may 32.7% shooting mula sa tres last season, former first round pick na may abilidad at lakas na maglaro sa ilang posisyon sa frontcourt, kaya't malaking dagdag siya kina Al Horford at Robert Williams.
Pero baka panatilihin pa rin ng Pistons sa kanila itong si Stewart, dahil bagaman na ang pag-emerge ng kanilang mga big men na sina Jalen Duren at James Wiseman ay nakakapag-encourage sa kanila, malaki din naman ang naibibigay ni Stewart para sa paghatak ng kanilang dimensiyon.
Nu'ng nakaraan season, si Horford ay nagkaroon ng 44.6% shooting sa tres, at ang magdagdag ng isa pang shooter na kayang rumibound at makapagbibigay ng espasyo sa sahig ay isa sa kailangan talaga ng Celtics upang makatulong sa kanila na maabot na ang kanilang minimithing kampeonato, mga KaDribol.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa sinabi ni Perkins na mapupunta si Harden sa Lakers at magiging kakampi ni LeBron, mga KaDribol.
Kilalang-kilala na nga itong si Kendrick Perkins sa paglalabas niya ng mga kontrobersiyal at mga wild na statements, at ngayon nga ay meron na naman siyang inilabas na isang nakakaintrigang usapin.
At ito ay patungkol sa pagpasok ni James Harden ng Philadelphia 76ers sa free agency, na ngayon ay inililink niya na pupunta raw sa Los Angeles Lakers upang makasama si LeBron James.
Malamang marami na naman ang magrereact sa sinabi na ito ni Perkins, pero alam naman na natin na wala naman siyang pakialam sa mga reaksiyon, basta't ang sinabi na niya ay sinabi na niya.
Ayon kay Perkins, wala raw duda sa kaniyang kaisipan na si Harden ay mag-aadjust sa buhay na kasama si LeBron ng maayos, sinabi na raw niya iyon, at nagkagulo raw ang mga tao, magiging magaling daw para sa Lakers kapag nasa kanila na si Harden, mga KaDribol.
Tignan na lang daw natin ang transition ni Harden sa role na ipinalaro sa kaniya ni Doc Rivers nitong season, napangunahan daw ni Harden ang liga sa assists, at siya ang naging pangunahing point guard nila, maiaalis daw ni Harden ang pressure kay LeBron kapag nagkataon.
At hindi lang daw si LeBron ang magbebenifit sa pagpunta ni Harden sa Lakers, dahil base na rin daw sa nakita kay Harden habang kasama niya si Joel Embiid, ganoon din daw ang makikita sa magiging tambalan nina Harden at Anthony Davis.
Kung paano raw naging dominante nitong sina Harden at Embiid sa mga pick-and-rolls, ay ganoon din daw ang makikita natin sa magiging tambalan naman sa pick-and-rolls nina Harden at Davis.
Tama naman dito si Perkins, pero ang malaking katanungan diyan ay ito, handa naman kaya si Harden sa isang pay cut o mababang halaga upang maging kakampi lamang niya si LeBron, at sa Lakers siya maglaro next season?
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment