Kendrick Perkins sang-ayon na mapunta itong si Chris Paul sa Lakers.
Kendrick Perkins sang-ayon na mapunta itong si Chris Paul sa Lakers.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang Lakers-Hawks trade para kay Trae Young na isa raw sa pinaka-paborito sa lahat.
Umabot na nga sa sukdulan ang Atlanta Hawks, kaya ang pagtrade kay Trae Young ay hindi na malayong mangyari, mga KaDribol.
At kapag ang Hawks ay nakipaghiwalay na sa kanilang biggest star, may paniniwala na ang Los Angeles Lakers ang isang koponan na makikipag-deal sa kanila.
At ang Lakers-Hawks trade para kay Young ang mas magandang deal daw para sa kaniya, at ang Lakers ay may +125 odds at pinaka-paborito na mapuntahan ni Trae Young, at mas maganda ito kaysa sa ibang koponan na nakalinya para sa posibilidad na kumuha sa kaniya.
Sunod sa Lakers ay ang Chicago Bull na may +500, sinundan ng Miami Heat na may +550, Los Angeles Clippers na may +600 at Dallas Mavericks na may +700, at may ilang mga dahilan para dito sa mga specific NBA odds na ito.
Una, inaasahan kasi na ang Lakers ay may mga malalaking players na nasa trade market ngayong offseason, at naghahanap pa rin sila ng ikatlong star na itatambal nila kina LeBron James at Anthony Davis sa final season ng kanilang mga kontrata sa LA, mga KaDribol.
Ikalawa, ang Lakers ay may ilang interesting na mga young assets na pupwede nilang i-trade o kaya ay i-sign-and-trade sa Atlanta upang matuloy ang Lakers-Hawks trade para kay Young.
Kabilang sa mga nasabing players ay sina D'Angelo Russell, Rui Hachimura, Austin Reaves at Jarred Vanderbilt.
Isa pa, ang pag-attend ni Young sa isang playoff game ng Lakers ngayong postseason nakasama ang agent ni LeBron na si Rich Paul, ay nagpausok sa isang rumor na gusto raw maglaro ni Young sa Lakers.
Pero sa lahat ng ito, ang ibang mga koponan naman ay pupwedeng mag-offer ng higit para sa trade kay Young, na kasasangkutan ng mga draft picks, kung iyon ang gustong direksiyon na mapuntahan ng Atlanta Hawks, mga KaDribol.
Kaya kahit na ba na mataas ang odds ng isang Lakers-Hawks trade para kay Young, posible pa rin na mahulog itong si Young sa ibang koponan.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
At para naman sa pagsang-ayon ni Kendrick Perkins na mapunta itong si Chris Paul sa Lakers.
Hindi na nga isang sikreto pa na itong sina LeBron James at Chris Paul ay isang mabuting magkaibigan.
At sa lahat ng mga naging kaibigan ni LeBron na naging kakampi na niya, gaya nina Dwyane Wade at Carmelo Anthony, si Chris Paul ang isa pa niyang kaibigan na hindi pa niya naging kakampi.
At ngayon ay malapit na itong magkaroon ng katuparan, matapos na magdesisyon na ang Phoenix Suns na ilaglag na sa kanilang roster itong si Chris Paul, mga KaDribol.
At isa nga sa sang-ayon na mapunta itong si Chris Paul sa Lakers ay ang dati rin na naging kakampi ni LeBron na si Kendrick Perkins.
Para kay Perkins, magbebenifit daw ng malaki si LeBron kapag nadagdag sa kanilang grupo itong si CP3, at uugain daw nito ang liga, sabi pa ni Perkins.
Narinig daw natin ang patungkol sa pagreretiro ni LeBron, at alam naman daw natin na hindi siya pupunta sa iba, at ang nakapagpaisip daw dito kay Perkins, kung nawawala na raw ang kaunting motivation ni LeBron.
Ay ang itambal daw siya sa kaniyang kaibigan na point guard na si CP3, baka raw muling ganahan itong si LeBron, at sabihin niya na excited na siya na bumalik sa susunod na season, mga KaDribol.
Ipinunto rin ni Perkins na hindi lang naman daw ito patungkol lang lahat kay LeBron, dahil maging si Davis daw ay magbebenefit sa potensiyal na pagpunta ni Chris Paul sa Lakers.
Dahil nu'ng huli raw na nagkampeon ang Lakers, isa sa naging importante sa Lakers ay kung gaano naging kaimportante nitong si Rajon Rondo para kay Anthony Davis, dagdag pa ni Perkins.
At imaginin daw natin na itong sina CP3 at AD sa isang pick-and-roll, napaka-mapanganib daw niyaon.
Ibig lang sabihin ni Perkins dito, na huwag daw hahayaan ng liga na mapunta itong si Chris Paul sa Lakers, dahil kapag nangyari daw iyon, hindi raw handa ang NBA para sa magiging bagong mukha na iyon ng Lakers, mga KaDribol.
Sinabi din ni Perkins na baka raw si CP3 ang missing piece para sa Lakers, sa nabuo na nilang grupo ngayon, at magdadala raw iyon ng takot sa buong liga, pagpapatuloy pa ni Perkins.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment