Kendrick Perkins nadale ng tweet post ni Andre Iguodala patungkol kay Jonathan Kuminga.



Kendrick Perkins nadale ng tweet post ni Andre Iguodala patungkol kay Jonathan Kuminga.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong balita na inalok daw ng Toronto Raptors si Fred VaVleet ng malaking halaga matapos na i-opted out nito ang kaniyang player option.


May balita nga na lilisanin na ni Fred VanVleet ang Toronto Raptors, mga idol, ito ay matapos na i-opted out na niya ang kaniyang player option at ngayon nga ay free agent na siya.

Subalit't ang malaking halaga na iniaalok sa kaniya ng Raptors ay muling inilalagay siya sa posibilidad na sa Toronto pa rin siya maglalaro.

Gusto pa rin daw makuha ng Toronto itong si VanVleet, kaya inofferan daw nila siya ng malaking halaga.


At dahil inopted ni Gary Trent Jr. ang kaniyang player option, mukhang gusto pa rin ng Raptors na panatilihin ang kanilang grupo.

At kung totoo ang balita, mga idol, bale lumalabas na ang ginawa lamang ni VanVleet kaya siya pumasok sa free agency ay upang magkakuha ng mas malaking halagang posibleng makuha niya sa Raptors.

Kaya't hindi na nakakagulat pa kung kunin pa rin siya ng Raptors at ibigay sa kaniya ang kontratang gusto niya.


May nakapagsabi din daw na gusto pa rin ng Raptors ang grupo nila na kinabibilangan nina Fred VanVleet, Pascal Siakam, OG Anunoby at Jakob Poeltl.

Kaya ang pagbalik ni VanVleet sa kanila ay nagpapakita lamang ng kanilang intentions na sumubok muli sa panibagong run sa darating na season.

Pero posible rin naman na makatanggap ng mas malaking offer itong si VanVleet sa labas ng Toronto, mga idol, kaya hindi pa rin garantisado ang pagbalik niya sa Raptors.


Maraming koponon ang panigurado na magkakaroon ng interes na makuha ang kaniyang serbisyo, kaya baka maghintay muna siya at tignan ang bawa't io-offer sa kaniya ng iba't-ibang koponon, bago siya magdesisyon kung saan siya aangkop.

Sa ngayon, ang Raptors at ang ibang koponan sa NBA na gusto siyang makuha ay kailangan munang maghintay at tignan kung ano ba ang magiging desisyon niya at gagawin sa free agency.

At para naman sa pagkakadale ni Andre Iguodala kay Kendrick Perkins dahil sa kaniyang tweet post patungkol kay Jonathan Kuminga, mga idol.


Nasasangkot na nga ngayong offseason ang pangalan ni Kuminga sa mga trade rumors, at ang kaniyang kakampi na si Iguodala ay sumali sa usapan at gumawa ng katuwaan patungkol sa kaniya.

Nagtweet itong si Iguodala at sinabi na si Kuminga ay tumangkad, at siya ay nasa 7 foot 2 na ang taas upang i-hype up lang itong si Kuminga, at kumagat naman dito si Perkins at napaniwala siya ni Iguodala.

Ayon kay Perkins, narinig daw niya na si Kuminga ay 7 foot 2 na ang taas, at si Kuminga raw ay lalong nagiging magaling bawa't season.


Hanggang sa mapagtanto ni Perkins na siya ay nadale lang pala ni Iguodala sa isang katuwaan na tweet, mga idol, kaya't agad siyang nagtweet sa Twitter na nagsabi na, ayaw daw niya sa Twitter.

Magandang makita na si Perkins ay nasa magandang diwa patungkol doon, at nakakatuwang isipin talaga na naniwala siya na tumangkad nga ng 7 foot 2 itong si Kuminga.

Bagaman na ang balita ng pagtangkad ni Kuminga ay hindi totoo, pero hindi nito maitatanggi na marami pa ring koponan sa NBA ay nag-aabang na siya ay mai-trade.


Isa siyang nakakaintrigang target para sa mga koponan dahil siya ay bente anyos pa lamang, at nagpamalas pa siya ng isang elite na athleticism at finishing around the rim para sa Warriors nitong katatapos lang na season bago siya nawala sa rotation nu'ng postseason.

At ang naging kakulangan niya ng playing time sa playoffs ang naging dahilan upang ang ibang koponan ay tumawag sa Warriors kung siya ba ay available sa isang trade, mga idol.

Ngayon na ang pangalan ni Kuminga ay umiinit na sa mga trade rumors, dapat na sigurong mag-ingat nitong si Perkins sa mga binabasa niya at pinaniniwalaan.


Dahil kung hindi, mga idol, baka mahulog na naman siya sa mga pekeng tweets, at siya ay masabihang muli na nagsisinungaling sa national TV.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.