Jordan Poole in-unfollow na nga ba sa IG ang ngayon ay ex-Warriors teammate na niya na si Draymond Green.



Jordan Poole in-unfollow na nga ba sa IG ang ngayon ay ex-Warriors teammate na niya na si Draymond Green.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging interview kay Chris Paul matapos na siya ay mai-trade na sa Golden State Warriors.


Nagpadala na nga ng malinaw na indikasyon ang Warriors sa kanilang intensiyon na lalaban sila sa darating na season, mga idol.

Ito ay matapos na sila ay pumayag sa isang blockbuster deal na nagdala kay Chris Paul sa kanila, na ang naging kapalit naman ay si Jordan Poole, na ngayon ay nasa Washington Wizards na.

Pagkatapos ng ikalawang trade kay Paul, ngayon ay nagsalita na siya, nang siya ay matanong kung ano ang naging saloobin niya sa naging paglipat-lipat sa kaniya sa ibang koponan, ito ang naging sagot niya, excited na raw siya.


Sa parte rin ni Paul, ilan beses na raw siya naharap sa ganitong klaseng katanungan, kaya hindi na raw siya nag-eenjoy sa mga ganoong klaseng interview.

Tinanong din si Paul kung nagkausap na raw ba sila ni Stephen Curry patungkol sa pagkakalipat niya sa Warriors, mga idol, at ang tanging naging tugon niya ay, "It was good, yeah."

Kung titignan natin, wala naman talagang masyadong sinabi itong si Paul sa nag-interview sa kaniya, at nang matanong siya ng huli at final question patungkol sa kung anong role ang pinaniniwalaan niya na magkakaroon siya sa Golden State, ang itinugon niya ay, upang makatulong na makapanalo ng mga games.


Mukhang wala sa magandang mood itong si Paul nu'ng siya ay tinatanong ng nag-iinterview sa kaniya, pero 'di rin naman natin masasabi na gano'n nga.

Gusto din naman siguro ni Paul ang pagkakapunta niya sa Warriors at ang makasama niya si Curry, baka wala lang talaga siya sa mood pa na magpa-interview, at baka sa susunod ay marami na tayong makukuhang sagot sa kaniya.

At para naman sa pag-unfollow 'di umano ni Jordan Poole kay Draymond Green sa IG, mga idol.


Isang panibagong araw nga ngayon ang nangyari sa Warriors, dahil ang paglapag ni Chris Paul sa kanila ay naging pagtatapos naman ng era ni Jordan Poole sa kanila.


Ibig lang sabihin nito, makaka-move on na tayo sa nangyaring insedente nu'ng nakalipas na offseason sa kanilang dalawa ni Draymond Green.

Pero mukhang hindi pa rin, dahil ngayon ay may panibagong ingay na kumakalat sa mundo ng NBA, nang ito raw si Poole ay pinutol na ang anomang pupwedeng maging ugnayan niya kay Green, at ito raw ay sa Instagram.

Kung totoo man ito, mga idol, pwede naman na isipin natin na walang anoman 'yun, pero dahil ito ay natapat kung kailan siya inalis ng Warriors na sa kanila ay mapapaisip tayo talaga.


Lalo na at hindi naman naging malinaw sa ating lahat kung talaga bang nagkaayos na itong dalawa.

Pero anoman ang kaso pa dito, marami pa rin ang naniniwala na mula no'n hindi na naging maganda ang relasyon ng dalawa.

Nakakapagtaka lang kasi isipin, na matapos na bigyan ng Warriors ng isang malaking kontrata itong si Poole nu'ng nakaraang summer, ngayon inalis na nila siya sa kanila, habang si Green naman ay nasa pagpirma na niya ng extension sa kanila.


At dahil sa pangyayaring ito, mga idol, mapapaisip tayo na baka mas pinili nga ng Warriors si Green kaysa kay Poole.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.