JJ Redick sinabi na ang mas tamang gawin ngayon ng Warriors ay ang i-trade si Jordan Poole.
JJ Redick sinabi na ang mas tamang gawin ngayon ng Warriors ay ang i-trade si Jordan Poole.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging mga reaksiyon ng ilang NBA players sa pagkakatrade ni Bradley Beal sa Pheonix Suns.
Ikinagulat nga ng mundo ng NBA ang pagkakatrade ni Bradley Beal sa Pheonix Suns, mga idol, at hindi makapaniwala ang mga fans ng Washington Wizards na ang nakuha lamang nilang kapalit ay sina Chris Paul, Landry Shamet, ilang second rounders at pick swaps.
Kaya naman, ilan din sa mga NBA players ang nagbahagi ng kanilang saloobin patungkol sa nakakagulat na balitang ito, na ang Washington ay pumayag sa ganitong deal.
Hindi man lang kasi nakakuha ng first round pick ang Wizards para kay Beal, bagaman alam naman na natin na isang de kalibreng player itong si Beal.
At iyan nga ang sinabi ni Josh Hart ng New York Knicks, aniya, hindi man lang daw nakakuha ng 1st round pick ang Wizards para kay Beal.
Para naman sa dating forward ng NBA na si Chandler Parsons, isang kakilakilabot na trade daw iyon ng Wizards, mga idol.
Ang iba naman ay hindi napigilang ipunto ang ibang issues patungkol sa trade na iyon, gaya na lamang ng sinabi ng big man ng Portland Trail Blazers na si Jusuf Nurkic na ikinumpara pa niya ang naging sitwasyon ng trio noon ng Brooklyn Nets na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden, sa pagbuo nila ng Big 3 pero nabigo pa rin bandang huli.
Sinabi naman ng Ex-NBA journeyman na si Wilson Chandler na matapos daw na gumawa ang Suns ng isang mabigat na roster, kailangan pa rin nila na palakasin ang kanilang bench.
Pero meron din naman ang excited na at na intriga sa bagong Big 3 ng Suns, gaya na lamang ni Kendrick Perkins na binalikan ang dati niyang comment kung saan sinabi niya doon na hindi siya makakita na isang NBA team na magba-back-to-back champions sa susunod na 15 hanggang 20 years, habang si Isaiah Thomas ay nagtweet lamang ng emojis.
Sa ngayon hindi pa natin alam kung ano ang magiging resulta ng pagkadagdag ni Beal sa Suns at ang pagkawala naman niya sa Wizards, mga idol.
Gayun pa man, kapanapanabik pa ring abangan kung ano ang mangyayari sa kanila, ngayon na ang dalawang koponan ay tutungo na sa magkaibang dereksiyon para sa kani-kanilang prankisa.
At para naman sa sinabi ni JJ Redick na mas tamang gawin ngayon ng Warriors, mga idol.
Gaya nga ng nasabi ko na, isang interesting na offseason ang naghihintay para sa koponan ng Golden State Warriors, dahil sila nga ay nanggaling sa isang nakakadisappoint na pagdepensa sa kanilang titulo.
At dahil nga sa papalapit na rin ang pagkaubos ng panahon ni Stephen Curry sa kanila, dapat ay makagawa na sila ng paraan kung papaano siya mapapaligiran ng mga players na makakatulong sa kaniya upang muli silang makakuha ng kampeonato.
Madaling sabihin pero mahirap gawin, lalo na, na ang naging mastermind ng pagbuo ng kanilang dynasty na si Bob Myers ay wala na nga sa kanila, kaya't marami talaga silang gagawin ngayong summer na baka magresulta na makita na natin ang makabagong Golden State Warriors sa susunod na season.
At nang matanong nga itong si JJ Redick patungkol sa mga pagbabagong kakaharapin ng Warriors, mga idol, isa lang ang nasa isip niya at ito ay ang paghihiwalay ng Warriors at ni Jordan Poole.
Sinabi din niya na mas makakabuti raw para sa Warriors kung mawawala na sa kanila si Poole, kung meron daw dapat na i-trade ang Warriors ngayon, iro raw ay si Jordan Poole, iyon daw ang pupuntahan niya kung siya raw ang masusunod.
Ipinunto rin ni Redick na ang Warriors ay mahaharap sa malaking sakit sa ulo dahil sa CBA, at ang tanging solusyon lang daw sa problemang ito, pakawalan na lang daw nila si Poole.
Sinabi din ni Redick na kung si Draymond Green ay sa kanila pa rin maglalaro, mga idol, at pahabin pa ng Warriors ang deal niya, ang magiging kapalit daw nito ay ang isakripisyo si Poole, kaya ang mangyayari, mananatili si Green sa Warriors, mawawala naman si Poole sa kanila.
Comments
Post a Comment