JJ Redick ibinahagi ang ilang mga concerns ng pagkadagdag ni Chris Paul sa Golden State Warriors.




JJ Redick ibinahagi ang ilang mga concerns ng pagkadagdag ni Chris Paul sa Golden State Warriors.


Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong ipinaliwanag ni Chris Paul patungkol sa relasyon niya kay Stephen Curry.


Nang nakumpleto nga ng Warriors ang pagtrade kay Chris Paul, mga idol marami ang nakaalaala ng mga naging laban nina Paul at Stephen Curry, ang rivalry ng Warriors at ng Houston Rockets.

Pero ngayon, ipinaliwanag ni Paul na siya ay may magandang relasyon kay Steph magbuhat ng siya ay dumating sa liga.

Matagal na raw silang magkakilala ni Steph, at ang asawa raw niya ay dumalo sa kasal ni Steph, at ang mag-asawang Curry naman daw ay dumalo sa kaniyang kasal.


Kaya naman excited na raw itong si Paul na makasama itong si Steph, at ang kabuoan ng team ng Warriors.

Nagkaharap nga itong si Paul at Steph sa playoffs ng tatlong beses, mga idol, ang una ay no'ng 2014 nang si Paul ay nasa koponan pa ng Los Angeles Clippers, at natalo ang Warriors doon.

Ang dalawa ay nang siya ay nasa Rockets na, at ang Warriors ang nanaig sa dalawang paghaharap na iyon.


Ngayon susubukan ni Paul na makuha ang kauna-unahan niyang kampeonato sa koponan na marami nang naging karanasan sa pagkuha ng titulo.

At batay na rin sa naging pahayag na ito ni Paul, mukhang nabaon na sa limot ang kanilang naging rivalry at ngayon ay susubukan niyang tulungan ang Warriors na makakuha muli ng kampeonato.

At para naman sa ilang mga concerns sa pagkadagdag ni Chris Paul sa Warriors na ibinahagi ni JJ Redick, mga idol.


May ilang mga concerns nga itong si JJ Redick sa pagkuha ng Warriors kay Chris Paul, pero hindi naman ganoon ka-negatibo.

Habang naniniwala naman daw itong si Redick na mapi-figure out ni Paul kung papaano siya aangkop sa sistema ng Warriors, nag-aalala pa rin daw siya sa kaibahan ng style ng paglalaro ni Paul at ng sistemang ipinatatakbo ng Golden State.

Ang opensa raw ng Warriors ay mabilis, pang-anim sila pagdating sa average ng may mabilis na opensa, samantalang si Paul naman daw ay may mababang average sa speed ng opensa sa lahat ng mga players.


Isa pa ay ang average touch length daw ng Warriors, mga idol, dahil ang Warriors daw ang may pinakamaigsing average touch length sa opensa na may 2.7 seconds, habang si Paul naman daw ay pampito sa longest average touch length na may 5.6 seconds.

At magbuhat raw na i-take over na ni Steve Kerr ang Warriors, sila raw ay nagkaroon na ng pinakakaunting ball screens sa NBA, at si Paul naman daw, no'ng nakaraang taon ay naging pang-apat sa most on-ball screens sa NBA, at ang Warriors ay pangatlo sa pinakakaunti.

At dahil doon, baka magkaroon daw sila ng maraming pick-and-rolls, pero sana lang daw ay may iba pa silang tao sa frontcourt nila na kayang magpatakbo ng two-man game maliban kina Draymond Green at Kevon Looney.


May pagkakataon pa naman ang Warriors na i-improve ang kanilang roster sa pagsisimula ng free agency.

At gaya nga ng sinabi ni Redick, mga idol, kailangan ng Warriors ngayon na makakita ng isa pang big man na magpapalabas ng mga skills ni Paul bilang playmaker.

Dahil ang pagkadagdag ni Paul sa kanila ay magbibigay naman talaga ng karagdagang tulong sa opensa, pero magiging useless lang siya kung hindi nila siya magagamit ng tama.


May plano naman na siguro ang Warriors kaya kinuha nila si Paul, kaya't kapana-panabik na rin na makita kung ano ang magiging resulta ng pagkuha ng Warriors sa kaniya.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.