Ito raw ang perpektong trade package para makuha ng Warriors si Zach LaVine mula sa Bulls.



Nabigo nga ang Golden State Warriors na depensahan ang kanilang kampeonato matapos na sila ay talunin ng Los Angeles Lakers sa ikalawang round ng playoffs.


Pagkatapos ay umalis na sa kanila ang bumuo ng kanilang dynasty na si Bob Myers, na pinalitan naman ngayon ng bago nilang GM na si Mike Dunleavy, na marahil ay gagawa na sa kanila ng malaking pagbabago.

At ang isa sa gagawing pagbabago ng Warriors ay ang itrade na ang kanilang mga pangunahing manlalaro kapalit ng isang star player na magpapataas ng kanilang pag-asang magkampeon muli.

At isa sa target ng Warriors ay si Zach LaVine ng Chicago Bulls, dahil sa tumatanda na ang grupo nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green, mukhang kailangan na ng Warriors na sila ay buwagin.


Sinubukan naman nila na samahan ng mga bata ang kanilang Big 3 na sina Jordan Poole, Jonathan Kuminga at Moses Moody, na nagdala naman sa kanila upang sila ay magkampeon nu'ng nakaraang taon.

Pero ngayon, nakikita na nila na ang grupo nila ay hindi ang best na grupo upang makakuha pa muli ng kampeonato, na hangga't nasa kanila pa si Curry ay kailangan nilang makakuha pa ng maraming titulo.

Dahil nalalaman naman nila na ang pamamalagi sa kanila ng kahusayan ni Curry ay hindi na magtatagal, kaya maigi na pag-isipan na nila ang isang trade na gaya raw nito.


Makukuha ng Golden State Warrios sa trade ay sina Zach LaVine at Alex Caruso, at makukuha naman ng Chicago Bulls ay sina Klay Thompson, Jonathan Kuminga, ang 19th overall pick, at ang 2026 first round pick.

Malamang maraming magre-react sa trade na ito, dahil nga sa mabubuwag na ang pagsasama ng Splash Brothers, at itong si Klay ay mapupunta na sa Bulls kapalit ni LaVine.

Pagkatapos ay kasama pa ang high-flyer na si Kuminga, na nagpakita ng kahusayan sa Warriors ng dalawang seasons, at makukuha pa ng Bulls ang 19th overall pick ng Warriors sa darating na Draft ngayong taon, maging ang 2026 first rounder nila.


Pero makukuha naman ng Warriors sa trade ay ang multiple-time All-Star na si LaVine, upang palitan si Klay sa pwesto niyang starting two-guard spot, at matutupad na rin ang kahilingan ni Steve Kerr na makuha si Caruso, na isa sa magaling na perimeter defender ng liga.

May kabuluhan naman ang deal na ito para sa Bulls, dahil ang experiment nila kina LaVine, DeMar Derozan, Nikola Vucevic at Lonzo Ball ay mukhang hindi na uubra pa.

Magkakaroon ang Bulls ng isang promising athletic-freak sa katauhan ni Kuminga, na posibleng maging star din ng liga balang araw, at sa edad niya na bente anyos, may potensiyal siya na maging isang two-way star talaga.


Nakita na rin natin kung papaano siya ginamit ni Coach Steve Kerr bilang pangunahing defender nila sa perimeter laban sa mga best perimeter player ng kalaban, at nag-thrived naman siya sa ganoong role, at pinagbubuti na rin naman niya ang kaniyang opensiba, lalo na ang kaniyang shooting.

Samantalang si Thompson naman ay nasa huling taon na ng kaniyang deal at mawawala na rin naman sa kanila sa susunod na summer, at pwede rin siya maging kandidato para sa isang buy out, kung gusto na ng Bulls na magtank na lamang.

At para naman sa Golden State, makapagdadagdag sila ng opensa at depensa sa deal na ito, at mas bata si LaVine, na kayang makapagbigay sa kanila ng isang athlethic option sa opensiba.


Makapagdadag din sila ng isa pang elite shot creator  upang makatulong sa bigat na daladala ni Curry pagdating sa opensa, at hindi man siya kasing shooter ni Klay sa tres, may ibubuga rin naman siya sa long distance, 37% siya sa tres sa nakalipas na limang taon.

Magkakaroon din ang Warriors ng isang Firts-Team All -Dedensive guard sa katauhan ni Caruso, at makakatulong upang maimprove ang depensa nila mula sa rank 14 ay posibleng tumaas pa ito dahil kay Caruso.

Siya ay maganda na maitambal kay Gary Payton ll sa kanilang second unit, at totoong mapapahigpit nila ang kanilang depensa, habang nakaupo naman ang kanilang mga main cast.


Kaya ang pagkadagdag nina LaVine at Caruso ay panalo talaga para sa Warriors, pero dahil nga sa mga magiging kapalit nila, sasang-ayon kaya kayo dito?

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.