Ito raw ang perpektong trade package ng Heat na mai-ooffer sa Bulls para kay Zach LaVine.
May mga ulat ngang naglalabasan na itong si Zach LaVine ng Chicago Bulls ay nag-eexplore ng mga potential deals sa liga, mga KaTop Sports.
At ito ay mahalaga para sa Miami Heat, na kunin nila ang isang magandang pagkakataon na ito na makuha nila itong si LaVine.
Sa kabila na itong si LaVine ay nagkaroon ng magandang performance last season, na siya ay nag-averaged ng 24.8 points, 4 rebounds at 3.9 assists per game, bukas ang Bulls sa mga potensiyal na deals para sa kaniya, at may mga dahilan sila dito.
Una, nagkaroon kasi ang Bulls ng isang nakakadismayang season, natalo sila sa Play-in Tournament kung saan sila sana ang nakakuha ng pang-walong pwesto sa East.
Pangalawa, ang $40 million na sweldo ni LaVine sa susunod na season ay magiging dahilan upang malimitahan sila na magcommit sa isang investment na magdadala sa kanila sa isang tagumpay sa playoffs, mga KaTop Sports.
At ang huli, meron na ang Bulls ngayon ng mga promising young talents, na kapag nawala na sa kanila si LaVine ay mabibigyan nila ng mas maraming playing time at pagkakataon na makapagdevelop.
Marami na rin namang koponan ang nagpakita ng interes na makuha nila ang serbisyo ni LaVine, gaya ng Los Angeles Lakers, New York Knicks, at Miami Heat, at may balita na handa naman ang Bulls na i-entertain ang mga iaalok ng mga koponang ito.
Isa nga sa nabanggit na koponan na interesado kay LaVine ay ang Miami Heat, ang koponan na lumaban sa NBA Finals laban sa nagkampeon na koponan na Denver Nuggets.
Sa pangunguna ni Jimmy Butler, tinalo nila ang lahat ng malalakas na koponan sa East, sa kabila na sila ay pumasok sa playoffs na nasa pang-walong pwesto lamang, mga KaTop Sports.
Ang Heat ay binubuo ng isang koponan na may depensa, balanseng scoring at mga seasoned players, kabilang na rin ang ilang mga playoff experienced players, kaya ang maidagdag ang gaya ni LaVine sa kanila ay malaking tulong talaga para sa kanilang koponan.
Isang two-time All-Star, magaling na shooting guard na isang threat saan mang posisyon sa loob ng court, magaling na defender at playmaker, isang solid at napakahalagang player, iyan si Zach LaVine.
Kaya ang maitambal siya kina Jimmy Butler at Bam Adebayo ay magbubunga ng extra ordinaryong trio, dagdag scoring option, playmaking at player na kayang gumawa ng sarili niyang mga tira.
Isa pa, ang ang presensiya ni LaVine ay magpapahirap sa kalaban sa depensa, at magbibigay ng mga bukas na daan para makaatake naman itong sina Butler at Adebayo, at maasahan din si LaVine sa depensa, mga KaTop Sports.
Ngayon ang tanong, sino at ano ang posibleng i-offer ng Miami Heat sa Chicago Bulls para kay Zach LaVine, dahil dito na magsisimula ang iba't-ibang reaksiyon kapag nalamam na natin kung sino at ano ba ang posibleng ipalit para sa kaniya.
Narito ang potensiyal na trade package raw para kay Zach Lavine, matatanggap ng Miami Heat si Zach LaVine at ang 2024 first round pick, at matatanggap naman ng Chicago Bulls sina Tyler Herro, Duncan Robinson at ang 2023 first round pick.
Panigurado marami ang magre-react sa trade package na ito, lalo na sa mga die hard fan ni Tyler Herro sa Miami, pero silipin muna natin kung papaanong magiging panalo sa trade na ito ang Heat, maging ang Bulls.
Kapag nakuha ng Heat si LaVine, magkakaroon na sila ng ikatlong All-Star na makakasama nina Butler at Adebayo, at ang magandang track record ni LaVine ay magiging mahalaga para sa roster ng Heat, mga KaTop Sports.
Ang Bulls naman ay makakatanggap ng isang promising assets, si Herro na bata at talentadong guard, na may kasama pang reliable shooter na si Robinson, at ang first round pick ang isa sa mahalaga para sa Bulls upang mapalakas pa ang kanilang koponan.
Hindi naman siguro masasayang ang isasakripisyo ng Heat sa trade na ito, dahil posible talaga silang madala sa panibagong antas sa game kapag nadagdag na sa kanila itong si LaVine.
Dahil napatunyan naman na ni LaVine kung ano ang kaya niyang maibigay sa game, at kapag nasamahan siya ng gaya nina Butler at Adebayo, tataas talaga ang chance nila na makuha na ang kampeonato.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment