Ito raw ang mensahe sa Heat ni Udonis Haslem sa posibilidad na pagtatapos na ng NBA Finals sa Game 5.



Ito raw ang mensahe sa Heat ni Udonis Haslem sa posibilidad na pagtatapos na ng NBA Finals sa Game 5.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong mensahe naman ni Nikola Jokic para kay Jamal Murray na ibinunyag na niya ngayon.

Kaytagal nga na naghintay nitong si Jamal Murray na makabalik na sa paglalaro mula sa kaniyang torn ACL, na natamo niya sa isang regular season game  laban sa Golden State Warriors nu'ng April 2021, mga KaTop Sports.


Ang pagpapagaling niya ay umabot ng dalawang taon, pero ngayong season nga ay nakabalik na siya, at isang panalo na lang at makukuha na ng kanilang prankisa ang kanilang kauna-unahang kampeonato laban sa Miami Heat.

Malaking bagay nga si Nikola Jokic para sa Nuggets, pero ngayong postseason, nakakuha siya ng tulong mula kay Murray na nag-aaveraged ng 26.7 points, 5.5 rebounds at 7.1 assists, habang nakakapagtala ng mga records sa kaniyang pagpapatuloy.

At kapag medyo malamya ang paglalaro ni Jokic, nagiging sandalan naman nila itong si Murray, upang mapunan ang mga nagiging pagkukulang ni Jokic sa game.


At ngayon nga ay ibinunyag na ni Jokic kung ano ang sinabi niya kay Murray sa pagsisimula ng season at ibinigay ang kaniyang palagay sa kabuoang antas ngayon ni Murray, mga KaTop Sports.

Sinabi raw niya kay Murray na sa mga unang buwan ng season ay hindi siya magiging magaling, pero ngayon, nailalaro na raw ni Murray ang level na naisip daw niya na mailalaro nga niya.

Isang magaling raw na player si Murray, at sa tingin niya, nagmatured din daw siya sa laro, pinabagal daw siya ng injury pero nagawa naman no'n na mabasa niya ang laro ng mas maayos, at para sa kaniya, kahanga-hanga raw talaga ang inilalaro ni Murray sa playoffs.


Sina Jokic at Murray at ang buong koponan ng Nuggets ay malapit nang makapagsube ng isang kahanga-hangang season, kapag nakuha na nila ang huling panalo sa Game 5 laban sa Heat, na magaganap nga sa Martes.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa mensahe sa Heat ni Udonis Haslem sa posibilidad na pagtatapos na ng NBA Finals sa Game 5.


Ang beteranong si Udonis Haslem ay papalapit na sa final game ng kaniyang mahabang career, subali't hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makukuha nila ang kampeonato sa kaniyang final season.

Sa kabila raw na ang Miami Heat ay lubog na ngayon sa 3-1 na kalamangan ng Denver Nuggets, nanatiling kumpiyansa pa rin daw si Haslem sa kaniyang mga pananalita sa nakalipas na dalawang araw, ang sabi ni Jimmy Butler.

Gaya raw ng sinasabi ng lahat, wala pa raw nakakakuha ng pang-apat, kaya't manatili lang daw sila sa laro, manatili sila sa laban, na nalalaman na kapag nakuha nila ang isang ito, nasa landas na sila sa isang espesyal na bagay, kaya't kailangan daw nilang manalo ng tatlo bago manalo ng isa ang Nuggets.


Kung meron man daw koponan na makagagawa at naniniwala na sila ay magtatagumpay sa isang pagbalik laban sa pwersa ng Denver Nuggets, iyon daw ay ang koponan ng Miami Heat.

Nakapasok nga sila ng playoffs, sa kabila na ang tingin sa kanila ng ilan ay saling pusa lamang, dahil dumaan pa sila ng Play-in Tournament upang makuha lang ang ika-8 seed sa Eastern Conference.

Pero binago nilang lahat ang kaisipan ng nagsasabi niyaon, nang talunin nila ang Milwaukee Bucks sa unang round, ang New York Knicks sa ikalawang round, at ang Boston Celtics sa East Finals.


Susubukan nga ngayon ng Heat na mapahaba pa ang serye at madala ito sa Game 6, pabalik sa kanilang tahanan, sa darating na Martes, ika-walo't kalahati ng umaga, Pinas time.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.