Ito raw ang manyayari sa Warriors ang sabi ni JJ Redick kapag umalis daw sa kanila itong si Draymond Green.



Ito raw ang manyayari sa Warriors ang sabi ni JJ Redick kapag umalis daw sa kanila itong si Draymond Green.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong rookie ng Utah Jazz  na si Walker Kessler na kumpirmado na, na pasok na sa Team USA.

Ginulat nga tayo ng Utah Jazz sa pagsisimula ng 2022-23 season, habang sila ay may plano na magtank para makuha si Victor Wembanyama, ay kamuntikan pa rin silang makapasok ng playoffs, mga idol.


At dahil hindi sila nakapasok ng playoffs, magkakaroon sila ng lottery pick na pang No.9 overall, na may pagkakataon silang makapagdagdag ng isang lottery talent sa kanilang roster, na gaya ni Walker Kessler.

At kahit na ba na nadraft si Kessler sa bandang dulo ng first round, siya pa rin naman ay isang lottery talent, at nito ngang Miyerkules, siya ay napasama sa Team USA para sa darating na FIBA World Cup.

Siya ay original na nadraft ng Memphis Grizzlies na pang No.22 overall pick nu'ng 2022 NBA Draft, at agad namang naitrade sa koponan ng Minnesota Timberwolves, pagkatapos ay naitrade uli, sa koponan naman ng Utah Jazz.

Nagsimula siya na kakaunti lamang ang playing time, pero sa kalagitnaan ng season, napasama na siya sa rotation ng Jazz, at kalaunan, napasama na siya sa starting lineup, kamuntikan na rin siyang manalo ng Rookie of the Year, mga idol.


Sa season, siya ay nag-averaged ng 9.2 points per game, 8.4 rebounds at 2.3 blocked shots, na may 72% shooting sa field, 33.3% shooting sa tres at 51.6% shooting sa free throw line.

Ngayon magkakaroon na siya ng shot sa Team USA upang mapatunayan ang kaniyang sarili sa international stage, at ang FIBA World Cup nga ay magsisimula sa August 23, 2023 at magtatapos sa September 10, 2023.

Ano ang masasabi niyo rito?

At para naman sa sinabi ni JJ Redick na mangyayari sa Warriors kapag umalis na sa kanila itong si Draymond Green, mga idol.


Binigyang linaw nga ni JJ Redick ang isang senaryo na kapag tinanggihan na ni Draymond Green ang kaniyang player option sa Golden State Warriors at maging free agent na siya, ay hindi na raw makakakuha pa uli ang Warriors ng kampeonato, mga idol.


Napakaimportante raw kasi nitong si Green sa lahat nilang ginagawa sa magkabilang dulo ng court, sa depensa, lalo na at nakita raw natin ang Warriors na kulang sa depensa, natatalo raw sila sa sobra-sobrang pag-atake, at sobra-sobra raw ang nakukuha nilang mga fouls.

Sila ay pumapang labing lima pagdating sa depensa buong season sa defensive rating, at si Green nga ay muling nagkaroon ng isang magandang season sa depensa.

Si Green daw ang angkla ng Warriors sa depensa, at kaya raw nakakalaban pa ang Warriors, ito raw ay dahil meron silang magaling na depensa.

At kapag nawala raw sa kanila si Green, wala raw makapapalit sa kaniya, at hindi raw sila mananalo uli ng kampeonato, mga idol.


Hindi raw pinipili ni Redick ang Warriors na maging number one contender sa susunod na season, pero may laban pa rin naman daw sila sa mga koponan na nasa West.

Depende raw ito sa magagawa nila sa summer sa draft at sa free agency, at sa mga iyon daw, ang mga koponan ay magkakaroon na ng laban, at isa raw doon ang Golden State Warriors.

Napakalaking parte naman talaga nitong si Green sa Warriors, kaya nakakuha sila ng apat na kampeonato, pero posible talaga na tanggihan niya ang kaniyang $27.6 million player option para sa susunod na season, upang makakuha ng mas malaking kontrata.


At kapag nangyari raw iyon, sasarado na raw ang pag-asa ng Warriors para sa isa pang kampeonato, iyan ang sabi ni JJ Redick, hindi raw sila mananalo na walang Draymond Green sa kanila, at wala raw silang maipapalit kay Green kapag umalis na siya sa kanila.

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.