Ito raw ang magiging future ni Draymond Green matapos na i-reject na niya ang kaniyang $27.5 million player option sa Warriors ayon kay Adrian Wojnarowski.



Ito raw ang magiging future ni Draymond Green matapos na i-reject na niya ang kaniyang $27.5 million player option sa Warriors ayon kay Adrian Wojnarowski.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong kalagayan daw ni Chris Paul sa Washington Wizards ayon pa rin kay Adrian Wojnarowski.


Nagbigay nga ng ilang insight itong si Adrian Wojnarowski patungkol sa sitwasyon ni Chris Paul sa Washington Wizards, mga idol, matapos na siya ay mapasama sa trade package na nagdala kay Bradley Beal sa Phoenix Suns.

Ayon kay Woj, ang perpektong mundo raw na dapat mapuntahan ni Paul kung sakaling i-buyout ng Wizards ang kaniyang kontrata ay doon sa Los Angeles, kung ito man ay sa Clippers o sa Lakers dahil nandoon daw ang kaniyang pamilya.

Gayun pa man, sinabi rin ni Woj na may posibilidad na mag-stay itong si Paul sa Washington, isang option na okay lang naman daw sa front office ng Wizards.


May nagsabi din daw kasi sa kaniya na ini-imagine raw ng Washington ang isang senaryo na si Chris Paul ang kanilang magiging point guard sa darating na season.

Nasa rebuilding process daw ang Wizards, mga idol, at isinasaayos daw nila ang kanilang roster, at hindi raw niya nase-sense na gusto lang ng Wizards ang mapasa-ilalim at mag-tank na lamang.

Ayon pa kay Woj, ang unang option raw ng Wizards ay ang makahanap ng trade partner na gustong makuha si Paul sa isang deal na makakakuha sila ng mas magagamit nilang assets para sa kanilang pagre-rebuild.


Pero, mukhang hindi naman talaga sinusubukan pa ng front office ng Wizards na ibenta si Paul, dahil na rin sa kagustuhan nila na siya ang gawin nilang starting point guard sa darating na season.

At para naman sa parte ni Paul, mas gusto niya na mapunta sa isang contender na koponan, pero hindi pa rin naman katapusan na niya kung sakaling sa Wizards nga siya maglalaro next season.

At para naman sa magiging future raw ni Draymond Green matapos na i-reject na niya ang kaniyang $27.5 million player option sa Warriors, mga idol.


Heto na nga, at ang kinabukasan ni Green sa Warriors ay nalagay na sa katanungan.

Ito ay matapos na siya ay magdesisyon na ibaba ang kaniyang player option sa kaniyang kasalukuyang deal upang makapasok sa free agency ngayong summer.

Hindi naman na nakakagulat pa ito, pero ang harapin ang katotohanan na posible nang mawala itong si Green sa Warriors ngayong offseason ay isa sa pinag-aalala ng ilang mga fans ng Warriors.


Pero ayon naman kay Adrian Wojnarowski, mga idol, wala raw dapat ipag-alala ang mga fans ng Wariors patungkol dito.

Dahil ang naging desisyon daw ni Green ay isang pamamaraan lamang, upang siya ay magkaroon ng bagong pakikipagnegosasyon sa Warriors para sa bagong kontrata.

Kapuwa magkabilang panig daw ay gustong magkaroon ng tapos na deal, at hindi raw nananakot dito sina Green at ang agent niya na si Rich Paul na sila ay lilipat na sa iba, dahil sila ay may pagnanasa pa rin daw na magsama pa rin, ang Warriors at si Green, kailangan daw nila ang isa't-isa.


Sa madaling salita, hindi naniniwala si Woj na si Green ay lilipat na nga sa ibang koponan, dahil may totoong pagnanasa raw itong si Green na mag-stay sa Warriors at makipaglaban pa rin na kasama si Stephen Curry at iba pa para sa kanilang ikalimang kampeonato.

At para sa ikapapatas naman daw ng usapin, dagdag pa ni Woj, mga idol, na ang paglipat daw ni Green sa Detroit Pistons ay isang buhay na option dahil iyon ang kaniyang hometown, at meron din naman daw mga palaban na teams ang may gusto na magamit ang kaniyang serbisyo.

Pero gayun pa man, mas nakikita raw ni Woj na hindi iyon mangyayari, dahil nakadestino raw ang Warriors at si Green na magsamang muli.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.