Ito raw ang katotohanan patungkol sa pamimingwit ng Lakers sa malalaking pangalan sa NBA ayon kay Adrian Wojnarowski.



Ito raw ang katotohanan patungkol sa pamimingwit ng Lakers sa malalaking pangalan sa NBA ayon kay Adrian Wojnarowski.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong solusyon na naisip ni Kevin Garnett na tatapos daw sa floppings sa NBA.

Para nga dito kay Kevin Garnett, mga KaDribol, may mga butas daw ngayon ang NBA, at ang isa nga dito ay ang issue sa mga floppings na talagang hindi nagugustuhan ni Garnett.


At sa sobrang asar nitong si KG sa floppings, gusto na niyang mag-set ng meeting sa commissioner ng liga na si Adam Silver upang pag-usapan ang problemang ito sa NBA.

Ayon sa kaniya, mga KaDribol, gusto niyang mag-implement ng isang sensational rule change na pakiramdam niya ay tatapos na sa lahat ng walang kwentang mga floppings sa NBA.

Gusto raw niya na tawagan ng fouls ang flopping, at dapat daw ay makulong ng dalawang minuto kung sinoman ang napatawan ng flopping.


Kailangan daw magkaroon ng flopping cage, mga KaDribol, at gusto niya na ang concept ng flopping two-minute box na ito ay pag-usapan nila ni Adam Silver.

Isang hockey rules ang gustong madala ni Garnett sa NBA, mga KaDribol, sa NHL kasi, dadalhin ka sa loob ng box kapag ikaw ay nakipag-away o kaya ay nagkaroon ka ng pisikal na pakikipagtalo habang ikaw ay nasa game.


At kabaliktaran naman ang NBA flopping box na ito ni Garnett, dahil ito ay patungkol naman sa mga players na nagpanggap na nasaktan o na foul kahit na ba na wala naman talagang pisikal na damage na nangyari.

At iyon ang gusto ni Garnett na mabigyan ng parusa, na kahit na ba mukhang kakatwa ang gustong mangyari na ito ni KG, pero may punto naman siya dito na dapat ay gawan na nga ng paraan ng NBA na matigil na ang mga floppings.

Ngayon, abangan na lang natin kung ito ba ay papansinin ni Adam Silver at bigyan niya ng katuparan ang hiling na ito ni Kevin Garnett.


At para naman sa katotohanan raw patungkol sa pamimingwit ng Lakers sa malalaking pangalan sa NBA, mga KaDribol.

Marami na nga ang naglalabasang mga usapin patungkol sa potensiyal na pagpunta ni Kyrie Irving sa Los Angeles Lakers upang muling makasama niya si LeBron James.

Maganda talaga ito kung mangyayari, pero ayon kay Adrian Wojnarowski, malabo na raw na ito ay magkaroon pa ng katuparan.


Dahil ayon sa kaniya, ang top two priorities daw ngayon ng Lakers at higit na kailangan nila ay ang pag-renew ng mga kontrata nina Austin Reaves at Rui Hachimura.


Bagaman hindi naman talaga niya derektang sinagi ang mga rumors patungkol kay Kyrie Irving, pero binigyang linaw naman niya, mga KaDribol, na hindi na kakayanin pa ng Lakers na kumuha pa ng isang malaking halaga na kontrata dahil sa kanilang kasalukuyang salary cap restrictions.

Wala raw binibingwit na malaking pangalan ngayon ang Lakers, dahil daw sa bagong collective bargaining agreement, hindi ka raw makakapagbayad sa tatlong max superstars, pagkatapos ay aasa ka na mapapalalim mo pa ang iyong roster.


Ang Lakers daw ay magiging gaya pa rin nu'ng nakaraang season, at malamang ay gawin pa nga raw ng Lakers na mga starters itong sina Reaves at Hachimura, at magiging competitive pa rin daw ang Lakers sa West.

Wala rin siyang binanggit patungkol kay Chris Paul, kung siya ba ay pupunta ng Lakers kapag siya ay winaive na ng Phoenix Suns.

Malaking pangalan pa rin naman itong si Chris Paul, mga KaDribol, pero sa katotohanan, hindi siya gaya ng kay Kyrie Irving.


Ngayon, dapat na siguro natin na matanggap ang katotohanan na wala nang isang max-level type na player ang mapupunta sa Lakers ngayong offseason, na kagaya ni Kyrie Irving.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.