Ito raw ang dahilan ng pagtrade ng Golden State Warriors kay Jordan Poole ayon kay Jake Fischer.
Ito raw ang dahilan ng pagtrade ng Golden State Warriors kay Jordan Poole ayon kay Jake Fischer.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi nina Adrian Wojnarowski at Spurs head coach Gregg Popovich patungkol kay Victor Wembanyama.
Hindi na nga ikinagulat pa ng karamihan na kinuha ng San Antonio Spurs si Victor Wembanyama sa katatapos lang na NBA Draft bilang number one overall pick, mga idol.
At ngayon pa lang ay tinitignan na ng mga oddsmakers na siya ay may mataas na tyansa na makuha ang 2023-24 Rookie of the Year award.
Gayun pa man, ang usapan patungkol sa agarang epekto niya sa liga ay hindi lamang mahihinto sa isang taon lang, dahil ayon kay Adrian Wojnarowski, si Wembanyama raw ay magiging isa sa pinakamagaling na two-way player sa game.
Maari rin daw maging All-Star itong si Wembanyama sa kaniyang unang season, at sa palagay daw ni Woj, si Wembanyama ay magiging best player sa magkabilang dulo ng court sa kaniyang ikatlo o ikaapat na taon.
Pumasok nga itong si Wembanyama sa NBA na talaga namang pinag-uusapan dahil sa siya ay may taas na 7-foot-4 at may wingspan na 8-foot, mga idol, na may abilidad bilang three-level scorer at magaling sa depensa.
Sinabi naman ni Spurs head coach Gregg Popovich na si Wembanyama ay isang klase ng player na gugustuhin ng mga future players na maging kagaya siya, gaya raw nina Kobe Bryant, LeBron James at Tim Duncan.
At dahil daw sa lahat ng hype na natatanggap niya ngayon, siya raw ang tatargetin, at higit daw sa O's at X's sila magsisimula, at mas interesado raw sila na mag-set ng framework para sa kaniya, isang environment kung saan daw siya magiging komportable.
Kung saan daw siya ay magiging si Victor, mga idol, at hindi raw siya si LeBron o si Tim Duncan kundi siya ay si Victor, at 'yun daw ang gusto nila na maging siya, ang sabi ni Popovich.
At para naman sa sinabi na ito ni Jake Fischer na dahilan ng pagtrade ng Warriors kay Jordan Poole, mga idol.
Sa unang tingin, mukhang ang Washington Wizards ang panalo sa pagkakakuha nila kay Jordan Poole mula sa Golden State Warriors kapalit ni Chris Paul.
Ang mga itinrade kasi ng Warriors kapalit ng tumatanda nang si Chris Paul ay sina Jordan Poole at Ryan Rollins, ang kanilang first-round pick sa taong 2030 at isang second-rounder sa taong 2027, na kung titignan ay parang sobra-sobra para sa kagaya ni Paul.
Gayun pa man, ganiyan na talaga ang halaga ng negosyo ngayon sa NBA, dahil sa mga repercrussions ng bagong CBA ng liga.
Dahil ayon kay Jake Fischer ng Yahoo Sports, mga idol, ang pagtrade raw kay Chris Paul at ang kaniyang non-guaranteed contract para sa season ng 2024-25, ay makakapag-save sa Warriors ng $30 million na obligasyon nila sa pasahod.
Dahil ang malaking kontrata ni Poole ay gagana na sa Warriors sa pagsisimula ng panibagong season, pero dahil wala na siya ngayon sa Warriors, gumaan na ang bigat na dala ng kanilang prankisa sa kanilang pananalapi.
Bukod doon, ang pagkakatrade ng Warriors kay Ryan Rollins para makuha ang 57th overall pick na kung saan nakuha nila si Trayce Jackson-Davis sa katatapos lang na NBA Draft, ay nakatulong sa kanila na makapag-save ng $1.2 million sa cap sheet at pataas sa $7 million sa luxury tax savings.
Ang institusyon ng mas maluhong mga parusa sa buwis, gaya ng kawalan ng access sa midlevel exception at mga kahirapan sa pagtutugma ng mga suweldo sa mga trade sa mga darating na season ay dapat magbunga ng higit pa sa mga ganitong uri ng galaw mula sa mga koponan na may mataas na paggastos, gaya ng sa Warriors.
Ang Los Angeles Clippers ang isa pang halimbawa ng isang koponan na maaring sumunod na gumawa ng cost-cutting para sa kanilang koponan, mga idol.
Maging ang Miami Heat ay nag-iingat sa mga bagong panuntunan ng CBA, na tumanggi sa Bradley Beal trade dahil sa pag-aalala kung ano ang ibubunga nito sa kanilang magiging cap sheet.
Comments
Post a Comment