Ito pala ang plano ng Los Angeles Clippers patungkol kay Kawhi Leonard.



Ito pala ang plano ng Los Angeles Clippers patungkol kay Kawhi Leonard.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Adrian Wojnarowski patungkol sa posibleng mangyari kay Brook Lopez.


Naging maganda nga ang NBA Draft para sa Milwaukee Bucks, mga KaTop Sports, nagkaroon sila ng deal sa Orlando Magic kung saan nakuha nila ang No.36 overall pick, at ang napili nila na kunin ay ang combo guard ng UConn Huskies na si Andre Jackson Jr.

Panigurado ang Bucks ay may magandang plano para kay Andre Jackson Jr., at malamang ay pinalalakas nila ang kanilang backcourt para sa panibagong season na darating.

Bukod dito, may mga ilang mahahalagang desisyon pa ang dapat na magawa ang Bucks sa free agency, at ang isa na nga rito ay si Brook Lopez, na magiging free agent na nga sa darating na summer.


At ito ay ipinaalaala ni Adrian Wojnarowski sa mga fans ng Milwaukee, na ang Bucks ay may kailangan pang ayusin sa kanilang roster ngayong offseason.

Binalaan din ni Woj ang Bucks patungkol sa posibleng mangyari kay Lopez, mga KaTop Sports, na siya ay baka kunin ng Houston Rockets na may sapat na salary cap space na magagamit para sa kaniya.

Hindi man isang superstar itong si Lopez, pero hindi na rin naman isang supresa pa kung siya ay makakuha ng atensiyon sa free agency.


Dahil may maibubuga pa naman itong dating Defensive Player of the Year na si Lopez, lalo na kung siya ay maisasama sa isang batang koponan na gaya ng Rockets, na nangangailangan ng isang beteranong player para sa kanilang grupo.

Huwag din nating kakalimutan na si Lopez ay isang kampeon, at isa pa, siya ay nagkakahalaga lamang mg $13.9 million nitong katatapos lang na season.

Pero sa ngayon, mga KaTop Sports, hindi natin alam kung ganito pa rin ang kaniyang magiging halaga, kung sa Bucks pa rin ba siya maglalaro o sa iba na.

At para naman sa plano ng Los Angeles Clippers kay Kawhi Leonard, mga KaTop Sports.


Sa pagsisimula nga raw ng buwan ng June, sumailalim daw sa isang operasyon itong si Leonard, ayon sa Presidente ng Clippers na si Lawrence Frank.

At inasahan nga raw nila na si Leonard ay makaka-recover mula sa operasyon na ilalagay nila sa isang "clean up procedure ng mabilis, at inaasahan na siya ay magiging handa na para sa pagsisimula ng training camp.

Isang mabilis daw na procedure ang clean up na ginawa kay Leonard, at bumubuti na raw ngayon ang nararamdaman niya.


Walong linggo lang daw ang kinakailangan upang maka-recover mula sa surgery, mga KaTop Sports, at makakabalik daw si Leonard na maglaro sa court na parang walang nangyari.

At nang matanong itong si Frank patungkol sa kung magiging handa na ba itong si Leonard sa traning camp sa October, ang sagot niya ay Oo, 100 percent.

Si Leonard ay nakapaglaro ng 52 games nitong katatapos lang na season, at isinara ang second half ng taon na malakas, pagkatapos na mawala ng isang buwan dahil sa injury niya sa tuhod sa pagsisimula ng taon.


Kasama rin ni Leonard si Paul George na na-sideline dahil sa tinamo rin niyang injury sa tuhod sa kalagitnaan ng March laban sa Oklahoma City Thunder, at siya ay inaasahan din na magiging handa na para sa training camp.

Ayon pa kay Frank, mga KaTop Sports, gusto pa rin daw nilang magpatuloy na magbuo ng isang malakas na koponan sa paligid nina Leonard at George, na papasok na nga sa huling taon ng kanilang mga kontrata, at ito raw ang plano nila.

Tinitignan daw nila ang iba't-ibang mga bagay, kung ano ang gumana, kung ano ang hindi umubra, kung ano ang dapat nilang pagbutihin, at kung anong mga bagay ang dapat na ipanghamon nila sa kanilang mga players upang sila ay humusay.


Sinusubukan daw nilang i-maximize ang dalawa at inaalam ang mga paraan kung papaano sila bubuti.

Sa 52 appearances ni Leonard sa Clippers nu'ng nakaraang season, siya ay nag-averaged ng 23.8 points, 6.5 rebounds, 3.9 assists at 1.4 steals per game, 51.2 percent shooting sa field at 41.6 percent shooting sa tres.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.