Ito daw ang dapat na mangyari upang maidagdag ng Los Angeles Lakers si Chris Paul sa kanila.
Ito daw ang dapat na mangyari upang maidagdag ng Los Angeles Lakers si Chris Paul sa kanila.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging post ni Trae Young sa Twitter patungkol sa pagsisimula ng season ng trade sa NBA.
Umuusad na nga ang offseason sa NBA, mga KaDribol, at nagsimula na ito sa pagkaka-trade ni Bradley Beal sa Phoenix Suns, at si Trae Young ay nagpost sa Twitter para sa naging trade na ito at para na rin sa kabuoan ng offseason sa NBA.
At ang sinabi niya na may kasama pang eyes emojis ay, “That time of year again ..”👀👀”
Naging parte nga ang Atlanta Hawks sa madness ng offseason ng NBA nu'ng nakaraang taon, kung saan nakuha nila si Dejounte Murray ng San Antonio Spurs sa isang trade.
At mula doon, sinubukan ng Hawks na bumuo ng isang palaban na team sa paligid nina Trae Young at Dejounte Murray.
Nakapasok sila sa play-in tournament at natalo sa Boston Celtics sa anim na games sa unang round ng playoffs, mga KaDribol.
Nauna na nga ngayong offseason ang pagkaka-trade ni Bradley Beal sa Suns, at ang posibleng sumunod naman ay ang patungkol kay Damian Lillard, na hindi pa nga alam kung hihiling na siya ng pag-alis sa Portland Trail Blazers.
At kapag ginawa na niya iyon, ang napapabalita na naka-focus sa kaniya ay ang koponan ng Miami Heat, pero may balita na gusto pa rin siyang panatilihin ng Blazers, at plano rin ng Blazers na kunin si Zion Williamson mula sa New Orleans Pelicans.
At kaabang-abang na rin kung makakapag-offer ba ang Blazers ng tama upang gawin na nga ng Pelicans ang isang trade kay Zion Williamson.
Marami pa nga ang pupwedeng mangyari ngayong offseason, at gaya ni Trae Young, mga KaDribol, tayong lahat na mga fans ng NBA ay nakatutok na sa mga mangyayari sa kabuoan ng liga.
At para naman sa dapat na mangyari upang maidagdag ng Lakers sa kanila itong si Chris Paul, mga KaDribol.
Interesado nga na makuha ng Los Angeles Lakers itong si Chris Paul, pero sa tamang presyo lang daw, at hindi raw gagawin ng Lakers na kanilang starting point guard itong si Paul.
Minomonitor daw ng Lakers ang sitwasyon ni Paul, pero papipirmahin lang daw nila siya kapag siya ay free agent na at sa veteran minimun contract lamang, o kaya ay sa mini-mid-level exception.
May mga nagsasabi raw na kaya kukunin ng Lakers si Paul ay upang siya ang gawin nilang kanilang point guard at hindi point guard lamang dahil sa kaniyang edad at mga injury concerns.
Pero sa katotohanan daw, mga KaDribol, makakahanap ka raw ng player na may kakayahang buhatin ang bigat sa regular season upang mapanatiling fresh naman si Paul para sa playoffs.
Pumayag na nga ang Phoenix Suns na mai-trade si Paul sa Washington Wizards, at kailangan muna siyang i-buy out ng Wizards upang makapagbukas naman ng pintuan para sa Lakers.
Ang dating team ni Paul na Los Angeles Clippers, na interesado sa tambalang Chris Paul at Russell Westbrook sa kanilang backcourt, ay may mga kontrata na maiti-trade para kay Paul.
Pinaniniwalaan na tataas lamang ang sweldo ni Paul sa darating na season ng $27 hanggang $30 million, at iyon ay magpapadali upang mai-trade siya ng Wizards.
Gayun pa man, mga KaDribol, ang compensation ay maaring magawa si Paul na mas maging bukas sa pagtanggap ng buyout, na ang kaniyang bagong sweldo ay mababawasan sa kaniyang pakikipagkasundo sa isang buyout.
At ang priority ng Lakers na papirmahin muli sa kanila ang mga free agents na sina Austin Reaves at Rui Hachimura ay maglalagay sa kanila sa teritoryo ng luxury tax.
Pagkatapos no'n, kailangan na nilang magdesidyon kung kanino kina Chris Paul, D'Angelo Russell, Dennis Schroder, Fred VanVleet, Dejounte Murray, Trae Young, Kyrie Irving at Damian Lillard, ang kanilang magiging starting point guard.
Parte raw ng Plan A ng Lakers ang makuha si Paul sa isang veteran minimun contract, at ang maidagdag nila siya sa pagpapanatili naman nila kina Reaves at Hachimura.
Pwede pang isagad ng Lakers ang kanilang cap upang mapapirma lang si D-Lo, nang hanggang $20 million, mga KaDribol, at magkakaroon pa sila ng midlevel exception na magagamit.
At posibleng kay Schroder mapupunta ang MLE, upang makabalik naman siya bilang backup muli ni Russell.
Napabalita rin na bukas ang Lakers sa rotation ng kanilang mga guards na sina Reaves, Russell, Schroder at Paul, basta't makikipagkasundo lamang daw sina Schroder at Paul sa mababang kontrata.
Gustong lumaban ni Paul para sa singsing, mga KaDribol, at kung gusto niya na makuha iyon sa Lakers na kasama ang kaniyang kaibigan na si LeBron James, dapat ay pumayag muna siya na kunin ang mababang halaga sa kaniyang market value.
Comments
Post a Comment