Ito ang sinabi ni Rui Hachimura patungkol sa pagpasok niya sa free agency.
Ito ang sinabi ni Rui Hachimura patungkol sa pagpasok niya sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong si Matisse Thybulle at kung bakit dapat siyang bigyang pansin ng Lakers sa 2023 NBA free agency.
Isang restricted free agent na nga itong si Matisse Thybulle, mga KaDribol.
Matapos na makagawa siya ng pangalan sa koponan ng Philadelphia 76ers, kinuha naman siya ng Portland Trail Blazers sa season ng 2022-23, at napahanga naman niya ang Portland, at susubukan nga nila na mapanatili siya sa kanilang roster.
Subali't gusto niya na sumubok sa mga magkakainteres sa kaniya sa free agency, at ang isa nga na pupwedeng kumuha sa kaniya at mapuntahan niya ay ang koponan ng Los Angeles Lakers.
Gumawa nga ang Lakers ng malaking pagbabago sa kalagitnaan ng season, kaya naman sila ay nakapasok ng playoffs, at maganda naman ang inilaro nila sa postseason, kaya lang, pagtungtong nila sa West Finals, sila ay winalis ng Denver Nuggets, mga KaDribol.
Paruloy pa rin na pinangungunahan nina LeBron James at Anthony Davis ang Lakers sa mga nagdaang taon, habang may ilang bilang ng mga role players ang nag-stepped up sa paligid nilang dalawa.
Gayun pa man, nag-struggle pa rin ang Lakers sa kanilang depensa at sa long range shooting, kaya naman, ang pagkuha nila kay Thybulle ay makakatulong talaga sa kanila.
Pero dapat munang maayos ng Lakers ang sitwasyon ng kanilang pananalapi, dahil marami sa kanila ay mga free agent na, na marahil ay papipirmahin nilang muli sa kanila.
At kapag nakagawa sila ng paraan upang mapapirma nila si Thybulle sa halagang gusto nito, magiging isang malakas na option siya para sa 2023 NBA free agency para sa Lakers, mga KaDribol.
Si Thybulle ay nagkaroon lamang ng mababa sa 39 percent mula sa tres matapos na siya ay mapunta sa Portland nung nakaraang season, pero kilala naman siya sa kahusayan niya sa depensa.
At mayroon naman sigurong sasang-ayon na siya ay magandang dagdag para sa Lakers, dahil sa maari niyang maibigay at maitulong kina LeBron at AD.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
At para naman sa sinabi ni Hachimura patungkol sa pagpasok niya sa free agency.
Papasok na nga si Rui Hachimura sa free agency sa darating na summer, pero sinabi naman niya na naging masaya siya sa Lakers, mga KaDribol.
Maganda raw ang naging playoffs nila, ang sabi ni Hachimura, at hindi pa raw niya alam kung ano ang future niya, pero gusto raw niya mapunta kung saan siya masaya, at maganda raw sa Lakers at tignan na lang daw natin kung ano ang mangyayari.
Mukhang pareho pa rin ang kaniyang mga priorities nu'ng siya ay humiling ng isang trade sa koponan ng Washington Wizards sa pagsisimula nang season.
Sa mga panahon na iyon, gusto niya na mapasama sa isang koponan na gusto siya bilang isang basketball player, at naniniwala sa kaniya.
At nakuha nga siya ng Lakers mula sa Wizards sa isang serye ng mga galaw na nagpabago sa season ng Lakers, at siya ay nag-averaged ng 13 points sa 30 games na inilaro niya sa Washington, sa unang kalahati ng season bago siya napunta sa Lakers, mga KaDribol.
Nagkaroon siya na maliit na role sa Lakers pagkatapos ng trade, pero bigla siyang nagpasiklab sa playoffs, at napataas niya ang kaniyang efficiency at nakapagbigay siya ng mahahalagang ambag mula sa bench.
Kaya naman ngayon, nagawa niya na mailagay ang sarili niya sa halagang gusto niya ngayong offseason, at siguradong makakakita siya ng isang koponan na magpapahalaga sa kaniya, habang ang Lakers naman ay haharap sa isang interesting na free agency period.
Si LeBron ay alam naman natin na hindi na lilipat pa sa iba, pero ang front office ng Lakers ay dapat nang gumawa ng desisyon kay Anthony Davis, kung siya ba ay bibigyan nila ng long-term deal extension o kaya ay iti-trade na lang siya.
At ang tutukan ang mahahalagang role players na gaya nina Rui Hachimura at Austin Reaves ay isa sa mataas na priority ng Lakers ngayon, dahil sa nagustuhan sila ng mga fans, at dahil na rin sa magandang ipinamalas nila na paglalaro nu'ng playoffs, mga KaDribol.
Kaya naman, ang mga salitang binitiwan na ito ni Hachimura ay magbibigay pag-asa sa Lakers na gusto pa rin nga niyang manatili sa Los Angeles.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment