Ito ang sinabi ni Kevin Garnett sa tapatan ngayon ng Nuggets at Heat sa NBA Finals.



Ito ang sinabi ni Kevin Garnett sa tapatan ngayon ng Nuggets at Heat sa NBA Finals.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Michael Porter Jr. patungkol kina Nikola Jokic at Jamal Murray.

Nakuha nga ng Denver Nuggets ang unang panalo sa NBA Finals ng talunin nila ang Miami Heat sa Game 1.


At itong si Michael Porter Jr. ay naniniwala na nanalo sila dahil na rin kina Nikola Jokic at Jamal Murray, mga KaDribol.

Nakontrol ng Nuggets ang kanilang kalamangan sa halos kabuaon ng 48 minutes at nakuha nila ang panalo sa score na 104-93.

Si Jokic ay patuloy pa rin na naging dominante, na siya ay nakapagtala ng triple-double sa kaniyang NBA Finals debut, 27 points, 10 rebounds at 14 assists, at si Murray naman ay nakapagtapos na may 26 points at 10 assists.


Habang si Porter Jr. naman ay ginampanan ang kaniyang pagiging role player ng kanilang koponan, na may 14 points, at nalalaman niya na hindi na niya kailangan pang magtrabaho ng husto kapag ang dalawa niyang kasama ay nagpapamalas na ng kanilang kahusayan.

Ibinahagi nga ni Porter Jr. ang patungkol dito sa podcast ni JJ Redick na The Old Man and the Three, kung papaano na sina Jokic at Murray ay pinadadali para sa kanila ang laro, mga KaDribol.

Napakadali raw na maglaro na kasama ang dalawa, ang sabi ni Porter Jr. at ang dalawa raw ay super lethal sa game.


Kapag nasa poste raw si Jokic at hindi mo siya dinobol, aatakihin daw nito ang basket kahit sino pa ang bumabantay sa kaniya.

At kapag dinobol mo naman daw siya, doon naman daw aatake si Aaron Gordon upang tumanggap ng pasa kay Jokic at madali na raw para kay Gordon ang i-dunk ang bola ng mabilis.

Ramdam din daw ni Porter Jr. na karamihan sa kanila ay nagsasakripisyo alang-alang sa ikabubuti ng kanilang koponan.


Gaya daw nila ni Kentavious Caldwell-Pope na kadalasang nasa corner para sa spacing upang gumana raw ang kanilang 2-man game, pagpapatuloy pa ni Porter Jr, mga KaDribol.

At kapag hindi raw gumana iyon at paubos na ang shot clock, magdidribble raw ng isa si Jokic, at ititira ang bola sa harap ng iyong mukha, na kadalasan daw ay sa labas pa ng arko niya ginagawa, dagdag pa ni Porter Jr.

At dahil sa mga ito, madali ngang nagagawa ni Porter Jr. ang kaniyang trabaho at maging malaking tulong kina Murray, Jokic at sa kabuoan ng Nuggets.


Upang magkaroon sila ng balanseng pag-atake na hanggang sa ngayon nga ay hirap ang mga koponan sa NBA na makahanap ng sagot sa balanseng opensa na iyon ng Nuggets.

Na iyon ang hinhiling ng mga fans ng Heat, ang makahanap sila ng kasagutan sa balanse at mahirap na tibagin na opensa ng Denver Nuggets.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


At para naman sa sinabi ni Kevin Garnett sa tapatan ngayon ng Nuggets at Heat sa NBA Finals.

Gustong-gusto nga ni NBA icon Kevin Garnett ang tapatan ngayon ng Denver Nuggets at ng Miami Heat sa NBA Finals dahil sa ilang mga kadahilanan.

Una ay dahil sa ito raw ay hindi na patungkol kina LeBron James at Kevin Durant.


Ikalawa ay dahil daw marami na sa mga players ang nag-iistep up at labanan na raw ito ng dalawang palaban na koponan.

Ibinahagi ito ni Garnett sa latest episode ng kaniyang podcast na KG Certified kasama ang kaniyang kakampi sa Boston Celtics na si Paul Pierce, mga KaDribol.

Habang may hindi pinagkakasunduan ang dalawa sa kanilang naging pag-uusap, dahil para kay Pierce, ang Nuggets daw at ang Heat ay hindi ang pinaka-best na teams kahit na ba sila ay nakatungtong ngayon sa Finals, kumbinsido naman si Garnett na ito naman ay ang pinakamagandang tapatan.


Gusto raw ni Garnett kung gaano kalalim ang magkabilang koponan at hindi raw sila masyadong sumasandal sa kanilang mga superstars na sina Nikola Jokic at Jimmy Butler upang manalo.

Kaya naman gustong-gusto raw ni Garnett ngayon ang Finals dahil hindi na raw ito labanan ng star sa star lamang, gaya ng labanang LeBron at Durant lamang.

Ito raw ay patungkol na sa pito, walo, siyam ng Nuggets laban sa pito, walo siyam ng Heat, pagpapaliwanag ni Garnett, mga KaDribol.


Bukod sa pagsasabi ni Garnett na wala nga sa malalaking pangalan ang nakapasok sa Finals gaya nina LeBron at Durant, may punto naman ang naging assessment ni Garnett patungkol sa serye ngayon ng Nuggets at ng Heat.

Silang dalawa ang most well-coached at balanseng koponan ngayon sa NBA, at ang mapanood sila na maglaban para sa isang seven-game series para sa isang kampeonato ay maganda naman talagang mapanood.

Siguro, kailangan mo munang maging isang die-hard basketball fan bago mo ma-appreciate ang laban sa pagitan ng Nuggets at ng Heat.


Pero gaya nga ng sinabi ni Garnett, marami kang mapapalagpas kapag hindi mo pinanood ang labanan ngayon sa NBA Finals.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.