Ito ang sinabi ni Jimmy Butler patungkol sa pagpasok ng Heat sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets.



Ito ang sinabi ni Jimmy Butler  patungkol sa pagpasok ng Heat sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Coach Erik Spoelstra patungkol sa pagbabalik sa laro ni Tyler Herro.

May mga naging initial reports nga na si Tyler Herro ay posible nang makabalik mula sa injury, nu'ng Game 2 sana ng NBA Finals pa siya naiulat na magbabalik, pero hindi pa rin nangyari iyon hanggang ngayon, mga KaTop Sports.


Gusto na nga ng Miami Heat na makabalik na siya upang masubukan muli nilang ma-upset ang Denver Nuggets, pero ang naging komento ni Erik Spoelstra para sa kalagayan ni Herro ay nagpapahayag na hindi pa rin siya makakapaglaro sa Game 4.

Gusto na raw maglaro ni Herro, ang sabi ni Spoelstra, pero hindi pa siya naki-clear upang mapayagan na siyang maglaro.

At ayon sa opisyal na report, si Herro ay out pa rin para sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets, at sinabi rin ni Spoelstra na parte raw iyon ng proseso, na may mga stages daw na dapat pagdaanan muna itong si  Herro.


Ang unang parte daw no'n ay ang shooting muna, pagkatapos ay movement, pagkatapos ay contact laban sa mga coaches, at ang sunod na level ng contact ay do'n na sa pagpapraktis nila, mga KaTop Sports.

Hindi pa nga raw naki-cleared itong si Herro para sa isang game, at hindi pa raw talaga siya pupwedeng isalang na sa game, bagaman maganda na raw ang spirit ni Herro dahil nakakapag-work out na siya, pero hindi pa raw talaga pupwede.

Nu'ng nakalipas raw na limang linggo, hindi raw talaga kayang itira ni Herro ang bola at hindi rin daw niya magawa ang gusto niyang gawin, pero isa raw na palaban itong si Herro.


Gusto na raw maglaro ni Herro, at sobrang excited daw ni Herro sa pasimula ng kanilang playoff run dahil sa opportunity na naramdaman nila para sa kanilang koponan.

Pero may mga bagay daw na hindi mo makokontrol, gaya ng kalagayan ni Herro, na hindi pa nga siya pwede na kunin ang susunod na hakbang, mga KaTop Sports.

Na checked na raw ang lahat ng box para kay Herro, pero hindi pa siya pupwedeng isalang para sa isang game ng NBA Finals, pero ginagawa naman daw ni Herro ang lahat ng kailangan niyang gawin para makuha na ang susunod na hakbang, pagpapatuloy pa ni Spoelstra.


Magbebenifit talaga ang Heat sa pagbabalik ni Tyler Herro, dahil napaka-importante ng kaniyang shooting laban sa Nuggets.

Pero sa ngayon, gaya nga ng sinabi ni Coach Spo, wala pang garantiya kung makakabalik na nga itong si Herro, ngayon pa naman na kailangang-kailangan ng Heat ang manalo sa Game 4 upang makaiwas sila sa 3-1 na pagkakalubog sa serye.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa sinabi ni Jimmy Butler patungkol sa pagpasok ng Heat sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets.


Pagkatapos nga na gulatin ng Miami Heat ang mundo ng NBA, nang ibigay nila sa Denver Nuggets ang kauna-unahan nilang pagkatalo  sa kanilang tahanan sa playoffs nu'ng Game 2 ng NBA Finals, ngayon nalagay muli ang Heat sa alanganin matapos na sila ay matalo sa Game 3.

Lahat ng pupwedeng maging mali para sa Miami Heat ay naging mali nu'ng Game 3, pero ang kagandahan lang dito ay, hindi pa rin naman tapos pa ang serye.

At alam ito ni Jimmy Butler, at sinabi niya na bagman kailangan nila na gumawa ng ilang maliliit na adjustments para sa serye, sinabi rin naman niya na hindi na raw nila kailangang baguhin pa ang kanilang mga sarili, mga KaTop Sports.


Hindi raw siya magbabago, kahit isa, magpapatuloy daw siya kung sino siya, at magpapatuloy daw sila kung sino sila bilang isang grupo, bilang isang koponan, ang sabi ni Butler.

Lalabas daw sila doon at lalaban ng sama-sama, at mananalo raw sila ng sama-sama, kung ano na raw sila ay mananatili pa ring gano'n sila, wala raw siyang babaguhin pa, pagpapatuloy pa ni Butler.

Ang isang bagay nga na nananatili kay Butler at sa Heat sa kabuoan ng playoffs, kung papaano sila naglalaro ay ang kanilang mentality.


At anomang hamon o sitwasyon ang kaharapin nila, nananatili ang kanilang mindset na sila ay magiging kung sino sila, at malaki naman ang naitulong nito sa kanila, na nagawa nga nilang gulatin at i-upset ang kanilang mga nakalaban, mga KaTop Sports.

Habang sila ang naging 8-seed sa Eastern Conference, meron naman silang unmatched level ng confidence sa kanilang mga sarili, at naniniwala sila na kaya nilang talunin kahit na sino sa 29 teams na nasa liga.

Kaya naman ang Heat ay naging isang mapanganib na koponan dahil doon, at malaki talaga ang chance nila na manalo ng kampeonato.


Sa NBA Finals, si Butler ay nag-aaverage na ng 20.7 points per game, at may 42.1 percent shooting mula sa sahig, matapos na siya ay umiskor ng 28 points nu'ng Game 3.

At kahit na ba hindi pa natin nasisilayan ang iconic playoff performance ni Butler, pero ang kaniyang mindset ay nananatili pa rin, kaya't hindi na natin dapat na ikagulat pa kung sabihin man niya na wala siyang babaguhin sa kaniyang sarili, mga KaTop Sports.

Walang koponan sa liga ang naglaro ng todo sa postseason kundi ang Miami Heat, at para kay Butler, wala na raw player sa liga na ipinush ang kanilang sarili ng kagaya ng ginawa niya.


Naghahabol nga ngayon ang Heat sa Nuggets sa serye, 2-1, pero buhay pa rin naman ang Heat at may chance pa sila na gawing best-of-three ang serye kapag nakuha nila ang panalo sa Game 4, na magaganap sa Sabado, June 10, 8:30 ng umaga Pinas time.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.