Ito ang sinabi ni Jamal Murray patungkol sa naging laban nina Jokic at Embiid sa pagiging MVP.



Ito ang sinabi ni Jamal Murray patungkol sa naging laban nina Jokic at Embiid sa pagiging MVP.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Udonis Haslem na hindi pa siya handa na iwanan ang Heat.


Natapos na nga ang 2022-23 season ng Miami Heat matapos na sila ay matalo ng Denver Nuggets sa 2023 NBA Finals, mga KaTop Sports.

At ang ibig lang sabihin nito, ang playing career ni Udonis Haslem ay natapos na rin.

Ang three-time champion at native ng Miami ay itataas na ang kaniyang mga sneakers matapos ang 19 seasons niya sa Heat.


Sinabi ni Haslem matapos ang final game ng serye na mahal niya ang kaniyang mga kakampi at nagpapasalamat siya para sa kaniyang final season na nagkaroon siya sa Heat.

Sinabi rin ng 43 years old na si Haslem, na gusto niyang maipagpatuloy ang relasyon niya sa Heat sa ilang kapasidad, mga KaTop Sports.

Gusto raw niyang maging parte ng organisasyon ng Heat buong buhay niya, ang sabi ni Haslem sa isang Heat reporter na nagngangalang Jason Jackson pagkatapos ng Finals.


Marami raw siyang pag-ibig doon, isang pamilya raw do'n, at Loyal daw siya sa lupain.

Anoman daw ang mangyari upang maipagpatuloy ng organisasyon ang magkaroon ng isang antas ng pagiging kampeon at lumaban sa championships, nandiyan lang daw siya.

Lahat ng tatlong NBA championships ng Heat at lahat ng pitong confernce chamiponships ng kanilang koponan, nandoon si Haslem sa ilang kapasidad, mga KaTop Sports.


Minsan na siyang naging isang key rotation player at nagsakripisyo sa potensiyal na kikitain upang makatulong sa koponan upang maging championship-level na squad.

Si Haslem ang nagsilbing pinaka-utak lamang ng team kaysa sa makita ang presensiya niya sa loob ng court para sa Heat sa loob ng ilang nakalipas na mga taon.

Ilan nang mga naging miyembro ng kanilang koponan ay nagsalita na patungkol sa kahalagahan niya sa organisasyon.


Masaya ang Miami na magamit ang roster spot sa kaniya upang makuha lang nila ang kaniyang leadership sa kanilang bench, mga KaTop Sports.

Ngayon, ang prankisa ay marahil hahanap ng ibang role para sa kaniya dahil sa pagpapakita niya ng pagmamahal para sa koponan.

Ano ang masasabi niyo rito?

At para naman sa sinabi ni Jamal Murray patungkol sa naging laban nina Jokic at Embiid sa pagiging MVP, mga KaTop Sports.


Todo-todo nga ang naging papuri na ibinigay ni Jamal Murray sa kaniyang kakampi na si Nikola Jokic.

Pagkatapos na matalo ng Nuggets ang Miami Heat sa Game 5 ng 2023 NBA Finals sa kanilang tahanan, sa score na 94-89, upang madala ang Larry O'Brien trophy sa Mile High City.

Sinabi ni Murray sa mga reporters kung gaano niya inaadmire si Jokic sa kaniyang walang humpay na spirit kahit na siya ay natalo sa MVP race laban sa sentro ng Philadelphia 76ers na si Joel Embiid.


Nakita raw niya ang larawan nina Jokic at ni Embiid na tumatakbo para sa MVP,  at si Jokic daw ay tumatakbo lang ng tumatakbo, at iyon daw ang magsasalita ng marami kung ano ang mindset na mayroon itong si Jokic, ito ang sinabi ni Murray sa postgame press conference, mga KaTop Sports.

Ang MVP race nga na kinasasangkutan nina Jokic at Embiid ay isa sa mainit at pinakahati-hating topics sa NBA nu'ng nakaraan season, na nauwi sa pagaabot ng liga ng trophy sa mga kamay ng big man ng Sixers.

Gayun pa man, si Jokic ay nagtapos sa isang bagay na hindi man lang nagawang malapitan ni Embiid upang maamoy, at iyon ay ang NBA title na may kasama pang NBA Finals MVP, matapos ang isang kagilagilalas na performance niya laban kay Jimmy Butler at sa Heat.


Hindi rin naman naging malabo itong si Jamal Murray sa NBA Finals, pero walang duda na si Jokic ang naglaro na may pinakamalaking role para sa best team ng liga.

Si Jamal Murray ay nag-averaged ng 21.4 points at 10 assists sa limang games sa NBA Finals, habang si Jokic naman ay nangibabaw sa lahat, na may 30.2 points, 14 rebounds at 7.2 assists per contest, habang may shooting na 58.3 percent mula sa field at 42.1 percent naman mula sa tres, mga KaTop Sports.

Magiging isang mahabang summer ng selebrasyon ito para kina Jamal Murray, Nikola Jokic at sa kabuoan ng Nuggets nation.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.