Ito ang sinabi ni Dwyane Wade patungkol sa naging injury ni LeBron James sa kaniyang paa nu'ng nakaraang season.
Ito ang sinabi ni Dwyane Wade patungkol sa naging injury ni LeBron James sa kaniyang paa nu'ng nakaraang season.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Jamal Murray patungkol sa emosyonal na sandali na nakita sa kaniya nu'ng iniabot na sa kanila ang tropeo ng kampeonato.
Umiyak ngang parang bata itong si Jamal Murray nu'ng ibinigay na sa kanilang koponan na Denver Nuggets ang kanilang NBA championship trophy nu'ng Martes, mga KaDribol.
Hindi nga napigilan ng isang 26 years old na si Murray ang kaniyang emosyon nang tamaan siya ng bigat ng nakamit nila.
Kaya't nakakagulat din na agad naman niyang naisaayos ang kaniyang sarili at nagawang magsalita matapos na siya ay bumigay.
At kahit na ba na hindi ka isang tagahanga ng Nuggets, ang ganitong mga sandali, panigurado ay kikilabutan ka rin.
Mararamdaman din natin ang emosyon na dumadaloy sa kaniya na talaga namang natatanging sandali para sa kaniya, mga KaDribol.
At nagsalita na nga siya patungkol sa eksaktong sandali na iyon, at ipinaliwanag niya kung bakit hindi niya nagawang mapigilan ang kaniyang mga luha.
Hindi raw niya talaga nagawang mapigilan iyon, hindi raw kasi siya makapaniwala at ang lahat daw ay tumama sa kaniya ng sabay-sabay.
Ang makita raw iyon ng buong-buo at magkaroon ng buong paniniwala sa kaniyang sarili, at magkaroon ng buong paniniwala sa kaniya ang buong koponan.
Maging sa kaniyang tahanan ay naniniwala rin sa kaniya, wala na raw siyang mahihiling pa, at ang makita raw niya ang lahat ng iyon ay talaga naman daw kamangha-mangha.
Hindi na rin kailangan pa na maging tagahanga ka ni Murray upang matanggap mo ang pinagdaanan niya, mga KaDribol.
Dumanas siya ng dalawang malalaking injuries sa mga nakalipas na seasons, at sa paraan ng pagbabahagi niya ng kaniyang mensahe, hindi naging madaling lakbayin ang lahat ng iyon.
Kaya iyon ang naging eksaktong reaksiyon niya dahil lahat ay bumalik sa kaniya, kaya't hindi na niya napigilan pa ang kaniyang emosyon.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa sa sinabi ni Wade patungkol sa naging injury ni LeBron sa paa nu'ng nakaraang season, mga KaDribol.
Naglaro nga si LeBron James nu'ng nakaraang season na may injury na nangangailangan ng operasyon nu'ng offseason na marahil sa kalaunan ay hahantong sa pagbagsak ng Los Angeles Lakers.
Pero naniniwala itong si Dwyane Wade na iyon ang isang bagay na nagpahusay sa kanilang koponan.
Noong February 26, na injured ni LeBron ang kaniyang kanang paa sa game laban sa Dallas Mavericks, at sinabi na kailangan niyang maoperahan, pero siya ay tumanggi.
Bumalik siya makalipas ang isang buwan sa tamang panahon, upang magsanay na kasama ang makabago nilang roster na binuo matapos ang trade deadline, mga KaDribol.
Siya ay naglaro na may iniinda pang injury hanggang sa playoffs, na makikita na ang kaniyang paa ay nakakahadlang sa kaniyang paglalaro.
Dahil doon, at sa kakulangan ng karanasan ng batang koponan ng Lakers, humantong sila sa pagkalaglag sa Western Conference Finals laban sa Denver Nuggets.
Nang tinanong ni Shannon Sharpe itong si Dwyane Wade kung mag-iiba ba ang kinalabasan ng pangyayari kung walang tinamong injury si LeBron.
Sa tingin daw ni Wade, iba ang kinalabasan sa pagitan ng Lakers, nu'ng napahinga raw si LeBron, nagkaroon daw tayo ng pagkakataon na makita na lumago ang kanilang koponan na wala si LeBron, mga KaDribol.
Nakita rin daw natin ang paglago ni Anthony Davis sa ganoong antas, na obvious naman daw, na kapag si AD ay nasa sahig, siya ay para nang isa sa Top 5 player sa liga, at nakita rin daw natin kung ano ang kayang maibigay nina D'Angelo Russell at Austin Reaves.
Ang Lakers ay nagkaroon ng walong panalo at limang talo, doon sa mahalagang sandaling iyon, na si LeBron ay wala sa kanila dahil sa injury.
At gaya nga ng sinabi ni Wade, nagawa naman ng kanilang koponan na makipaglaban at ilang mga key role players ay talaga namang nagstepped up.
Humantong iyon sa isang malalim na playoff run, na nagbigay daan kay LeBron upang mabawasan ang responsibilidad na magdala ng bola at nakalikha sila ng isang malakas na koponan na handang lumaban kada gabi.
At mula doon, makakabuo na ngayon ang Lakers ng mas mabuting koponan sa kanilang pagpapatuloy.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment