Ito ang sinabi ni Coach Erik Spoelstra sa pagpasok nila sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Nuggets.
Ito ang sinabi ni Coach Erik Spoelstra sa pagpasok nila sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Nuggets.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Nikola Jokic matapos na makuha ng Nuggets ang panalo sa Game 4 laban sa Heat.
Isang panalo na lang at makukuha na ng Denver Nuggets ang titulo, at habang napaka gandang balita nito sa kanila, ayaw ni Nikola Jokic na ang kaniyang mga kakampi ay maging kampante, lalo na at wala pa nga silang napapanalunang anoman, mga KaTop Sports.
Nang tinanong siya kung ano ang nararamdaman niya, ngayon na malapit na niyang mahawakan ang tropeo ng pagiging kampeon, sinabi niya na hindi pa nila natatapos ang kanilang trabaho, at sinabi niya na kailangan pa nila ng isang panalo
Ganito na ang sinasabi nila magbuhat ng winalis nila ang Los Angeles Lakers, kung papaano na kailangan pa nila ng apat na panalo, at ngayon nga ay isang panalo na lang ang kailangan nila, at maganda ito sa kanila pero hindi pa rin nga tapos ang laban.
Binigyang kredito rin ni Jokic ang kaniyang mga kakampi dahil sa naging paglalaro nila nu'ng Sabado, at gusto niya kung papaanong naglaro sila na desperado, isang bagay na gusto raw niyang makita hanggang sa makuha na nila ang ikaapat na panalo nila sa Finals.
Gusto raw niya na hindi sila nagrerelax, na hindi sila naging komportable, at sila raw ay naging desperado, at talagang gusto raw nila 'yon, kaya naman daw siya ay masaya, ang sabi ni Jokic, mga KaTop Sports.
Panigurado magugustuhan ng mga fans ng Nuggets ang mantality na ito ni Jokic, dahil lahat ay pupwedeng mangyari sa NBA, at ayaw nila na magdiwang ng maaga kahit na ba malapit na nilang maabot ang tagumpay.
Mabuti na lang at may isang Nikola Jokic ang Nuggets upang magpanatili sa kanilang koponan na maging focused sa totoong hamon na nasa kanilang mga kamay.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
At para naman sa sinabi ni Coach Erik Spoelstra sa pagpasok nila sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Nuggets.
Kung anoman ang nakita na natin ngayong taon sa Miami Heat, ito ay yaong hindi sila basta susuko na lamang hangga't hindi sila nagpapakita ng paglaban, mga KaTop Sports.
Ang Heat ay nagkaroon na ng pitong comeback wins matapos na maghabol sila ng sampu o higit pa na puntos ngayong postseason lang, na sila ay tumabla na sa naitala ng Golden State Warriors.
At kahit na ba na nakuha na ng Denver Nuggets ang 3-1 na kalamangan sa serye ngayong Finals, hindi pa rin naman tapos ang laban, mga KaTop Sports.
At ganito ang eksaktong mindset na gusto ni head coach Erik Spoelstra na itanim sa kaniyang koponan, na hangga't hindi pa nakukuha ng Nuggets ang kanilang ikaapat na panalo, pwede pa ring silang makagawa ng comeback, mga KaTop Sports.
Meron daw silang palaban na grupo, ang sabi ni Spoelstra, ginawa raw nila ang lahat sa mahirap na paraan, at ganoon daw uli ang kailangan nilang gawin ngayon.
Ang kailangan lang daw nilang i-focus ay maibalik ang game na ito sa Miami, at lahat ng bagay ay pupwede raw na mailipat ng kay bilis, ang sabi ni Spoelstra, mga KaTop Sports.
Ang odds ay siguradong wala sa panig ng Heat ngayon, dahil sa 36 na teams na nakakuha ng 3-1 na kalamangan sa serye ng NBA Finals, 35 sa kanila ay nanalo ng kampeonato, mga KaTop Sports.
Tanging ang 2016 na koponan ng Cleveland Cavaliers pa lamang ang nakagawa na magkampeon sa NBA sa kabila na nalubog sila sa serye ng 1-3, mga KaTop Sports.
Ang Heat ay nagpamalas na ng katatagan ngayong taon sa playoffs, at ang kailangan lang nilang gawin ay kunin ang panalo one game at a time.
Magiging isang mabangis na laban daw ang magaganap sa Denver dahil sa mga palaban na mayroon sila sa kanilang locker room, dagdag pa ni Spoelstra.
At sa oras daw na sasakay na sila sa eroplano, ang tanging nasa isip na lang nila ay ang ibalik ang game sa Miami, pagpapatuloy pa ni Spoelstra, mga KaTop Sports.
Dati na silang nalagay sa ganitong posisyon, Taong 2020, nanalo sila sa Game 5 dahil na rin sa triple-double ni Jimmy Butler, upang mapahaba pa nila ang serye matapos na malubog sila sa 3-1 na kalangan ng Los Angeles Lakers, mga KaTop Sports.
Ngayon kailangan na talaga nilang ilabas ang lahat nilang nalalaman sa paglalaro upang makuha ang panalo, kung ayaw nilang makita na sa darating na Martes na magdiriwang na ang Nuggets sa kanilang nakuhang kampeonato.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment