Ito ang sinabi ni Chris Paul nang siya ay tinanong kung alam na ba niya kung papaano siya aangkop sa Golden State Warriors.
Ito ang sinabi ni Chris Paul nang siya ay tinanong kung alam na ba niya kung papaano siya aangkop sa Golden State Warriors, mga idol.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi na ito ng Assistant Coach ng Warriors na si Kenny Atkinson patungkol sa nagawa nila sa nakalipas na isang linggo.
Ang assistant coach nga ng Warriors na si Atkinson ay nagbigay ng kaniyang palagay sa nagawa nila sa isang linggo para sa kanilang koponan.
Ginulat nga kasi ng Warriors ang mundo ng NBA nu'ng nakaraang linggo nang itinrade nila si Jordan Poole sa Washington Wizards para kay Chris Paul.
Bilang parte ng trade, mga idol, natanggap ng Warriors ang No.57 pick sa draft at nakuha nga nila na gamit iyon ay si Trayce Jackson-Davis.
Hawak din ng Warriors ang pang No.19 pick na ginamit naman nila para sa guard ng Santa Clara na si Brandin Podziemski, na sinasabi na pamalit daw nila kay Poole.
At para kay Atkinson, maganda raw ang naging linggo nila, at sila raw ay gutom, gutom na makabalik sa level ng pagiging kampeon.
Nakaabot daw sila sa final ng huling walong taon pero hindi pa raw sapat iyon, kaya excited na raw sila sa nagawa nila sa nakalipas na isang linggo at excited na rin daw sila para sa susunod na season.
Nabigo nga ang Warriors na ma-meet ang expectations sa kanila bilang defending champions last season, mga idol.
Sila ay nagtapos na may record na 44 wins at 38 loses, bago sila ay tinalo ng Los Angeles Lakers sa anim na games sa Western Conference semifinals.
Gayun pa man, lahat sila ay umaasa na sila ay makakabalik sa dating level nila sa mga nagawa nilang ito, na ayon nga sa kanilang head coach na si Steve Kerr ay isang positive shift na kailangan ng kanilang koponan.
At para naman sa sinabi ni Chris Paul patungkol sa tanong na kung alam na ba niya kung papaano siya aangkop sa Warriors, mga idol.
Si Paul nga ang isa sa naging pinakamalaking kalaban ng Warriors nu'ng siya ay nasa Los Angeles Clippers pa.
Ngayon ay naghahanda na siya na makasama ang Warriors matapos na siya ay mai-trade ng Washington Wizards kapalit ni Jordan Poole.
At nang matanong nga siya kung papaano siya aangkop sa Warriors, ang sagot niya ay hindi pa niya alam.
Nagpadala rin siya ng mensahe para sa mga fans ng Warriors na siya ay dati nilang kalaban, mga idol, pero ngayon ay hindi na raw siya makapaghintay na makapunta na doon at makapunta sa locker room ng Warriors na kasama ang lahat, excited na raw siya.
Inaasahan nga na magiging starter itong si Paul sa Warriors, at ang presence niya sa starting rotation ay magbibigay ng positibo at negatibong bagay.
Ang Warriors ay magbe-benifit sa offensive standpoint, dahil ang tambalan nina Paul at Stephen Curry ay magiging pinaka balanseng guard duos sa liga, dahil sa passing ability ni Paul at ang long-range shooting na taglay ni Curry.
Ang abilidad din ni Paul na mag-distribute ay magiging dahilan kung bakit sila ay makakahanap ng mga open looks, lalo na para kina Klay Thompson at Andrew Wiggins, pero ang lineup nga nila ay magiging maliit.
At kapag pumirma muli si Draymond Green sa kanila, mga idol, na gaya nga ng sinabi na ni Green na pipirma pa rin siya sa Warriors, siya ang magiging starting center nila.
Gumana naman na ang Small-ball lineups sa mga nagdaan, pero sa rebound at pagdepensa sa mga poste ay hindi uubra para sa small-ball na ginagamit ng Warriors.
Gayun pa man, handa na si Paul para sa bagong chapter ng kaniyang career at handa na rin siya na makialyado sa dati niyang kalaban.
Comments
Post a Comment