Ito ang post ni LeBron James na mag-iiwan sa atin ng isipin patungkol sa nalalapit na niyang pagreretiro.
Ito ang post ni LeBron James na mag-iiwan sa atin ng isipin patungkol sa nalalapit na niyang pagreretiro.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Robert Horry na pihadong hindi ikatutuwa ni Shaquille O'Neal.
Ilan lamang sa mga players sa kasaysayan ng NBA ang nakaabot sa antas ng tagumpay ni Los Angeles Lakers icon na si Robert Horry sa panahon niya, mga KaDribol.
At ang pitong kampeonato niya ang nagpapatunay niyaon, ibig lang sabihin, kahit saan mo dalhin si Horry, siya ay nananalo.
Si Horry ay naglaro sa apat na magkakaibang koponan sa labing anim na taon niya sa NBA, at siya ay nanalo ng kampeonato sa tatlong team na nasalihan niya.
Nakadalawa siya sa San Antonio Spurs, tatlo sa Lakers at dalawa sa Houston Rockets.
At nagkaroon nga ng privilage itong si Horry na makakampi at makalaro si Hakeem Olajuwon, isa sa kinokonsider ni Horry na best big man na naglaro ng basketball, mga KaDribol.
Si Olajuwon daw ang no.1 sa kaniya kapag ikinumpara sa dalawang all-time big men na nakakampi din niya at nakalaro na sina Shaquille O'Neal at Tim Duncan.
Mahirap namang makipagtalo pa sa sinabi na ito ni Horry, lalo na kung titignan natin ang credentials ni Olajuwon.
Pero malamang may masasabi rito ang alamat na ng Lakers at dati niyang kakampi na si Shaquille O'Neal, dahil ang pagiging competitive nature ni O'Neal ay second to none, at panigurado hindi talaga sasang-ayon itong si O'Neal sa sinabi na ito ni Horry.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
At patungkol naman sa post ni LeBron James na mag-iiwan sa atin ng isipin patungkol sa nalalapit na niyang pagreretiro.
Pinangunahan nga ni LeBron James ang Los Angeles Lakers sa hindi inaasahang playoff run, subali't hindi nila kinaya ang nakatapat nila sa Western Conference Finals na Denver Nuggets, kung saan sila ay nawalis doon.
Matapos nga ng Game 4 na pagkatalo nila sa Nuggets, si LeBron ay nagpahaging sa potensiyal na pagreretiro na niya sa offseason, na ikinagulat talaga ng mundo ng NBA.
Hindi nga natin inaasahan at ng karamihan na magreretiro na si LeBron, pero dahil dito, ang rumors ay patuloy na aalingawngaw hangga't hindi inaanunsiyo ni LeBron kung ano ang plano niya sa hinaharap, mga KaDribol.
At ang mangyayari dito, lahat na ng gagawin at sasabihin ni LeBron sa offseason ay tatandaan na ng mga fans, gaya na lamang ng ipinost na ito ni LeBron sa social media nu'ng nakaraang Martes.
At kapag nagpatuloy ng ganito si LeBron, magiging isang napakahabang offseason nito sa buong mundo ng NBA.
Sa post na ito ni LeBron, marami tayong pwedeng isipin, gaya ng, ito ay pauna na ni LeBron sa kaniyang pagreretiro, o kaya ay para may masabi lang si LeBron, ganoon lang.
Hindi talaga natin alam, pero kapag si LeBron ay nagsalita, lahat talaga ng nasa mundo ng basketball ay makikinig, at ngayon nga ay nahahatak na niya ang atensiyon ng karamihan, mga KaDribol.
Sa kakulangan ng konteksto ng mensahe na ito ni LeBron ay ang nagpaging nakakainteres na mensahe ito na galing sa kaniya, kaya't marami talaga tayong maiisip sa mensahe niyang ito.
Ngayon, lahat ng gagawin ni LeBron sa offseason ay tututukan na ng mga fans, kaya abangan na lang natin kung ano ba talaga ang susunod na gagawin ni LeBron.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment