Ito ang perpektong dapat na ialok ng Warriors sa Wizards para kay Bradley Beal.
Matapos nga na magkampeon ang Golden State Warriors nu'ng 2022, gusto pa rin nilang maulit na maging kampeon muli sa susunod na season, mga idol.
Nitong nakaraang season, kinapos sila na maabot ang kampeonato, nagtapos sila na pang-anim sa West na may record na 44 wins at 38 loses, at nakaiwas nga sila sa play-in tournament.
At matapos nga na ma-upset nila ang Sacramento Kings sa unang round ng playoffs sa pitong games, tinalo naman sila ng Los Angeles Lakers sa ikalawang round.
At dahil sa hindi sila nagtagal sa postseason, patunay lang iyon na ang kanilang koponan ay hindi pangkampeonatong koponan sa ngayon, mga idol.
At kung gusto nila, maaari nilang baliktarin ang sitwasyon nila ngayon sa pamamagitan ng isang trade para sa isa pang star na maisasama nila sa kanilang Big 3.
At isa sa dapat na targetin ng Warriors na star ay si Bradley Beal ng Washington Wizards na taon-taon na lang ay napapasama ang kaniyang pangalan sa mga trade rumors.
At kung makukuha ng Warriors si Beal, mababalik sila sa title conversation, at dahil diyan, tignan natin kung ano ang perpektong trade para kay Beal sa Warriors, at kung sino at ano ang dapat nilang ioffer, mga idol.
Ang matatanggap ng Wizards sa Warriors ay si Jonathan Kuminga at ang 2026 first round pick ng Warriors, at ang matatangap naman ng Warriors ay si Bradley Beal.
At dahil sa isang de kalibreng player itong si Beal, dapat na magpadala ang Warriros ng maraming assets pabalik, at ito ang isang bagay na deal para sa kaniya.
May potensiyal si Kuminga na maging isang star balang araw, at dahil sa siya ay nagkaroon ng inconsistent minutes sa Warriors nitong nakaraang season, at nag-averaged lamang ng mababa sa 10 points per game, siya ang perpektong itrade nila para kay Beal, mga idol.
Bagaman na ang Warriors ay wala nang masyadong maraming first round picks sa hinaharap, wala silang choice kundi ang isama ang kanilang 2026 first round pick dahil nga sa klase na player nitong si Beal, upang mapapayag nila ang Wizards sa trade na ito.
Pero ang pinakamahalagang asset na maaaring ipamigay ng Warriors para lamang kay Beal ay itong si Andrew Wiggins, sure ball ito kapag siya ang ini-offer ng Warriors sa Wizards.
Dahil si Wiggins ay naging isang two-way star ng Warriors, at sa nakalipas na dalawang seasons, siya ay nag-average ng 17.2 points per game, habang nakakapag-provide ng isang elite na depensa sa perimeter, mga idol.
At no'ng 2022 NBA Finals, ang depensa ni Wiggins kay Jayson Tatum ang isa sa naging malaking dahilan kung bakit sila ang nagkampeon.
Pero hangga't hindi isang star din ang magiging kapalit ni Wiggins, si Wiggins ay mananatiling untouchable sa Warriors, pero kung si Beal naman ang kapalit, baka pag-isipan ito ng Warriors.
Isang magandang starting lineup ang mabubuo ng Warriors kapag nagkataon, Stephen Curry, Bradley Beal, Klay Thompson, Draymond Green at Kevon Looney, mga idol.
At kung titignan, ang starting lineup na ito ay may pinagsama nang opensa at depensa na panigurado magiging isa sa best starting lineup ng liga.
At kapag naisagawa ng Warriors ang trade na ito para kay Beal na hindi magagalaw ang kanilang Big 3, tataas talaga ang chance nila na magkampeon ngayong 2024.
Sana nga noh, at makuha nga ng Warriors itong si Beal sa summer, pero kung kayo ang tatanungin, mga idol, sang-ayon ba kayo rito?
Ano ang masasabi niyo rito?
Comments
Post a Comment