Ito ang naging reaksiyon ni Kendrick Perkins sa pagkaka-trade ng Boston Celtics kay Marcus Smart.
Ito ang naging reaksiyon ni Kendrick Perkins sa pagkaka-trade ng Boston Celtics kay Marcus Smart.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni Victor Wembanyama sa pag-welcome sa kaniya ng mga fans ng San Antonio Spurs.
Nakatanggap nga ng warm welcome itong si Victor Wembanyama sa San Antonio Spurs matapos na siya ang pinili nila na maging first overall pick at iyon ay nagustuhan niya, mga KaTop Sports.
Dumating si Wembanyama sa Alamo City kinabukasan ng siya ay ma-draft at sinalubong siya sa airport ng mga fans ng Spurs na naghihintay sa kaniya upang siya ay batiin.
Kinawayan at ichineer siya ng mga fans nang siya ay patungong terminal, at ini-record naman niya ang pagbating iyon sa kaniyang Instagram story, na nilagyan niya ng caption na, "What a welcome!!! I love u Spurs fans."
Sinabi nga nitong si Wembanyama na ang naging pag-anunsiyo ni Adam Silver na siya ang napili bilang first overall pick ay isang bagay na pinapangarap na niya buong buhay niya, at iyon ang nagtulak sa kaniya upang siya ay mapaluha.
Ngayon ay makakatrabaho niya ang isa sa legendary coach ng liga na si coach Gregg Popovich, mga KaTop Sports, na minsan na rin niyang sinabi na medyo isang nakakatakot na person raw itong si Coach Popovich.
Umaasa na nga ngayon ang Spurs na si Wembanyama na ang magiging cornerstone ng kanilang prankisa sa mga taon pang darating.
At siya ay ikino-consider na isa sa pinaka-talentadong manlalaro ng basketball sa buong mundo, at may potensiyal naman talaga siya na maging isang superstar balang araw.
At ngayon na kasama na siya ng Spurs, tinitignan na nila ang kanilang pagbalik sa mga pagkapanalo at lumaban para sa isang kampeonato, matapos na sila ay magkaroon ng hindi magagandang taon.
At isa na nga sa excited para dito ay si Coach Pop, mga KaTop Sports, na ngayon ay makakagawa na siya ng pagbabago para sa kanilang koponan.
Naipasa na nga ng Spurs ang unang hakbang para sa mga gagawin nila, nang tapusin nila ang NBA Draft na nakuha nila itong si Wembanyama, pero ngayon, mas marami pa silang dapat asikasuhin at gawin.
At para naman sa naging reaksiyon ni Perkins sa pagkaka-trade ng Celtics dito kay Smart , mga KaTop Sports.
Hindi nga naging masaya itong si Kendrick Perkins sa ginawa ng Boston Celtics na i-trade itong si Marcus Smart kapalit ni Kristaps Porzingis.
Nagdesisyon nga kasi ang Celtics na humiwalay na kay Smart at ipinadala na nila siya sa Memphis Grizzlies sa isang three-team deal, kung saan nakuha naman ng Boston si Porzingis at dalawang first round picks.
At nakuha naman ng Washington Wizards itong sina Mike Muscala at Danilo Gallinari, at ang pang-35 na pick sa katatapos lang na NBA Draft mula sa Boston, at maging si Tyus Jones mula sa Memphis.
Alam nga natin na nabigo itong Celtics na makuha ang kampeonato sa postseason, mga KaTop Sports, kahit na ba na nagawa nila na makatuntong ng NBA Finals nu'ng nakaraang taon, na tinalo naman sila ng Golden State Warriors, at ngayon nga ay tinalo naman sila ng Miami Heat sa Eastern Conference Finals.
At dahil sa mga nangyari sa kanila, nakapag-isip na sila ng pagbabago para sa kanilang koponan, na kinuha nga nila itong si Porzingis na galing sa isang pinaka-healthy at pinaka-productive na seasons niya, na isang napakalaking sugal nga ito para aa Celtics.
At posible rin na makapagbigay ito ng karagdagang tulong sa kanilang mga laro na kinukulang nga ng pagpapatuloy, dahil sa magaling rin na shot blocker itong si Porzingis na magbebenefit talaga sa kaniya ang depensa ng Boston.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin matanggap ni Perkins na hinayaan ng Celtics na mawala sa kanila ang heart and soul ng kanilang koponan.
Para sa kaniya, mga KaTop Sports, naubusan na raw ng pasensiya ang Boston, at hindi raw sila natuto sa ginawa ng Denver Nuggets na nagpanatili ng kanilang grupo at gumawa lamang ng kaunting galaw upang palakasin ang supporting crew nila sa paligid nina Nikola Jokic at Jamal Murray.
Kaabang-abang na rin na makita kung ano ang ibubunga ng trade na ito para sa Celtics, na ngayon ay may Big 3 na sa katuhan nina Jayson Tatum, Jaylen Brown at Kristaps Porzingis.
Gayun pa man, ayon nga sa sinabi ni Perkins, ang pagkawala ng isang leader ng Celtics sa locker room na si Marcus Smart, ay baka makapinsala sa kanila.
Abangan na lang natin kung panalo ba o talo ang Celtics sa ginawa nilang trade na ito, mga KaTop Sports, at sana lang ay nagkamali itong si Perkins sa kaniyang mga assessment.
Comments
Post a Comment