Ito ang mga teams na babagay kay Draymond Green kung sakaling aalis na siya sa Warriors.
Ang Golden State Warriors nga ay nahaharap sa walang katiyakan ngayong offseason, dahil ang kanilang koponan ay hindi na magiging gaya no'ng 2022 at 2023 kapag natapos na ang lahat, mga idol.
Ang kanilang Presidente at General Manager na si Bob Myers ay bumaba na sa kaniyang tungkulin at si Klay Thompson naman ay karapat-dapat para sa isang extension.
Si Draymond Green naman ay maaring maging unrestricted free agent na kapag hindi niya gagamitin ang kaniyang $27 million player option.
Ang flexibility ng Warriors ay limitado na rin dahil sa napapirma na nila sina Stephen Curry, Andrew Wiggins at Jordan Poole ng long term extensions.
At sa bagong CBA agreement, ang magdagdag ng second apron ay malilimitahan ang chances ng Warriors na panatilihin pa ang kanilang main core, mga idol.
At kapag si Green ay nagdemand ng huling hirit sa rurok ng kaniyang NBA career, ang demand na iyon ay magiging mataas para sa isang magaling na defender at leader.
Panigurado maraming koponan ang manliligaw kay Green kapag nagkagayon, at narito ang tatlong koponan na babagay sa kaniya, kung sakaling maisipan na niya na iwan na ang Golden State.
Una ay ang Dallas Mavericks.
Ang unang team na pupwede nating maisip na may kakayahan na mapunan ang isang malaking hamon kay Green ay itong Dallas Mavericks, mga idol.
Meron nang mga legendary scorers ang Mavs sa katauhan nina Luka Doncic at Kyrie Irving, pero kulang naman sila ng mga defenders at connectors sa kanilang lineup.
Ang mga roles sa Dallas ay hindi matibay, subali't hindi iyon mangyayari kung magdesisyon itong si Green na kumampi kina Doncic at Irving.
Mabigat nga para sa mga fans ng Mavs ang pagkawala sa kanila nina Dorian Finney-Smith at Jalen Brunson, pero ang pagpasok ni Green sa kanila ay muling makakapagbigay ng boost sa performance ng kanilang koponan.
Katulad ng role nina Nikola Jokic at Domantas Sabonis, mailalagay ni Green sina Doncic at Irving sa mas magandang posisyon upang makapuntos, mga idol.
Na magreresulta upang magkaroon ng mataas na kumpiyansa ang iba nilang kakampi dahil ang depensa ay matutuon sa kanilang mga stars.
Ano masasabi niyo rito, mga idol.
Ikalawa ay ang Phoenix Suns.
Matapos na naman nga ng pagbasak ng Suns sa Western Conference Semifinals, may mga naglabasang balita na babaguhin na raw ng Phoenix ang ilang piraso ng kanilang core, mga idol.
Umalis na si Monty Williams sa kanila, pero may ilan naman na ang pakiramdam ay aalisin na rin ng Suns itong si Chris Paul o kaya si Deandre Ayton sa offseason.
At kung babaguhin na nga ng Suns ang kanilang roster, magandang dagdag para sa kanila itong si Green upang maitambal kina Kevin Durant at Devin Booker.
Dahil hindi naman na kailangan pa ni Green ang gumana sa opensa, ang kailangan lang niya ay magfocus sa responsibilidad niya sa depensa.
Magiging epektibo din siya bilang distributor at initiator sa second unit ng Phoenix, na isa sa naging malaking kakulangan nila nu'ng postseason, mga idol.
May beef man itong sina Green at Durant sa nagdaang panahon, pero ang kanilang chemistry at relasyon ay may solid foundation na, kaya mainam talaga kay Green na mapunta sa Suns.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol.
At ang ikatlo ay ang Los Angeles Lakers.
Obvious na obvious naman na kung bakit masasabi natin na best destination para kay Green ang Los Angeles Lakers kung magdesisyon na siya na umalis sa Bay Area, mga idol.
Isa sa malapit niyang kaibigan at business partner ay nasa Lakers, si LeBron James na leader ng kanilang koponan, na panigurado tatanggapin ng maluwag itong si Green.
At sina Green, LeBron at Anthony Davis ay pawang parte ng Klutch Sports, na isang sports agency na binuo ng childhood friend ni LeBron na si Rich Paul.
Ang personality ni Green ay talaga namang aangkop sa Lakers, lalo na at may maganda siyang relasyon kina LeBron at Davis.
Ang magiging issue lang dito ay ang kanilang perimeter shooting dahil hindi naman talagang mga shooters ang tatlong ito, na iyon ang dapat trabahuhin ni Rob Pelinka sa kanilang roster kung sakali man, mga idol.
Si D'Angelo Russell ay unrestricted free agent na, habang sina Austin Reaves at Rui Hachimura naman ay mga restricted free agents.
Kaya ang idagdag si Green sa Lakers ay makabuluhan naman para sa isang malaking hakbang na gagawin ng L.A. sa offseason.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment