Ito ang mga koponan na best destinations para kay Austin Reaves sa 2023 NBA free agency.
Nag-emerged nga itong si Austin Reaves bilang isang key player ng Los Angeles Lakers sa season ng 2022-23, mga KaDribol.
At kahit na ba na siya ay hindi pa maituturing na isang star, nakalinya na siya para sa isang malaking payday sa 2023 NBA free agency.
Pero ang katanungan dito ay, sa Lakers pa kaya uli maglalaro itong si Reaves sa susunod na season?
Si Reaves nga ay isa nang restricted free agent at may usap-usapan na ang Lakers ay handang tapatan ang anomang iooffer sa kaniya ng ibang koponan.
At dahil doon, wala pang katiyakan kung sa Lakers pa rin ba maglalaro itong si Reaves sa susunod na season, mga KaDribol.
At kung may koponan na handang magbigay kay Reaves ng isang massive contract na nagkakahalaga ng $100 million, matapatan naman kaya ito ng Lakers para manatili pa rin sa kanila itong si Reaves?
At sa lahat ng katanungan na iyan, silipin natin ngayon ang tatlong best destinations para kay Austin Reaves sa 2023 NBA free agency.
Una ay ang San Antonio Spurs.
Isa nga sa desenteng pwedeng mapuntahan ni Austin Reaves ay ang San Antonio Spurs, at may usap-usapan na rin na ang Spurs ay interesado na makuha siya.
Ibig lang sabihin nito, handa ang Spurs na bigyan si Reaves ng malaking kontrata, upang makuha nila ang atensiyon ni Reaves, mga KaDribol.
Isa pa sa maaaring makapagpakumbinse kay Reaves na lumipat sa Spurs ay dahil sa pagkakataon na makakampi niya ang projected No.1 overall pick na si Victor Wembanyama.
Isa nga si Wembanyama sa pinaka-exciting prospects na maaring matulungan ang Spurs na muling makatungtong sa playoffs sa mga susunod na taon.
At sa Spurs, makukuha na ni Reaves ang patuloy na pagiging starter at ang potensiyal na pagiging star ng San Antonio.
At sa edad niya na bente sinko, maari siyang maging future ng nagrerebuild na grupo ng San Antonio Spurs.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Ikalawa ay ang Oklahoma City Thunder.
Perfect fit nga para kay Austin Reaves ang Oklahoma City Thunder dahil sa ilang kadahilanan.
Una, ang OKC ay may sapat na cap space upang mapapirma nila si Reaves.
At isa pa, ang Thunder ay nagpamalas ng mga senyales na sila ay magiging isang contender na nitong nakalipas na season, at pwepwede silang makaabante sa kampanya nila sa season ng 2023-24.
Ang best player ng OKC ay si Shai Gilgeous-Alexander at si Josh Giddey naman ay may nakaka-excite na talento, mga KaDribol.
Si Chat Holmgren ay No.2 overall pick sa nakaraang 2022 NBA Draft, pero hindi siya nakapaglaro ng buong season dahil sa tinamo niyang injury.
Pero sa darating na 2023-24 season, inaasahan na itong si Holmgren na makakabalik na sa paglalaro at magiging isang star ng kanilang koponan.
Kaya ang pagkadagdag ng isang Austin Reaves sa kanilang core ay mapapataas nito ang chances nila na makagawa ng isang legitimate na postseason run.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
At sa lahat ng mga iyan, may isang team na may pinaka-sense na mapuntahan ni Austin Reaves sa 2023 NBA free agency, at ito ay ang Los Angeles Lakers.
Posible bang maging best player ng Lakers itong si Austin Reaves? Ang sagot diyan ay hindi, dahil na rin iyan kina LeBron James at Anthoy Davis.
Gayun pa man, nagningning pa rin naman itong si Reaves sa kaniyang role para sa Lakers nitong nakalipas na season.
At sa kaniyang pagbalik sa Lakers, kapag natapatan nga ng Lakers ang mga magiging offer sa kaniya, siya ay magiging full-time starter na ng Lakers, mga KaDribol.
Magbibigay ito sa kaniya ng pagkakataon na mas maging higit pa sa isang role player at magkaroon ng mas impressive na mga numero.
Kapag kasi umalis si Reaves sa Lakers at lumipat na sa ibang team, walang katiyakan na ganoon pa rin ang maipamamalas niyang paglalaro, o kaya ay kung mas maiimprove niya doon ang kaniyang production.
Dahil si Reaves ay nakahanap na ng comfort sa Lakers, kaya ang magbalik siya sa Lakers ay ang may pinaka may kabuluhan sa lahat.
Kaya naman, ang sundan ang free agency journey ni Reaves ay napaka-interesting talaga, at nakaka-intriga din kung magkano kaya ang makukuha niyang deal, matapos ng magandang inilaro niya nung nakaraang season.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment