Ito ang katotohanang sinabi ni Magic Johnson sa Heat matapos na matalo sila sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets.



Ito ang katotohanang sinabi ni Magic Johnson sa Heat matapos na matalo sila sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong nagawang kasaysayan ni Jamal Murray sa NBA Finals.

Talaga namang napakainit ng paglalaro ni Jamal Murray sa NBA Finals para sa Denver Nuggets, at hindi siya mapigilan ng Miami Heat, mga KaTop Sports.


Medyo nagstruggle siya sa pag-uumpisa ng Game 4 at nagkaroon lamang siya ng 6 points sa first half, pero nakahanap naman siya ng ibang paraan upang maging epektibo pa rin sa kanilang koponan.

Siya ay nagsilbing playmaker at nakapagbigay siya ng apat na assists sa kaparehong span upang manatili ang kanilang koponan sa unahan.

At sa second half, doon na gumana ang kaniyang opensiba, na siya ay nagtapos na may 22 points sa contest, kaya't natapos nila ang Game 4 na sila ang nanalo sa score na 108-95.


Ang maganda pa rito, nagpatuloy ang maganda niyang assists sa kaniyang mga kakampi sa second half, na siya ay nagtapos na may 12 assists, at wala pa siyang turnover, at sa proseso, siya ay nakagawa ng ilang kasaysayan, mga KaTop Sports.

Hindi lang siya ang naging unang player na nagkaroon ng hindi bababa sa 10 assists sa kaniyang unang apat na NBA Finals games, kundi naitala rin niya ang third-most assists sa Finals na walang turnover.

Tanging sina Robert Reid na may 17 at si Magic Johnson na may 13 ang nakagawa rin ng ganoon, magbuhat na sundan na ang ganoong stat sa season ng 1977-78.


Malaki talaga ang ginampanan ni Murray sa kanilang naging panalo, kaya naman hindi natin matututulan si Paul Pierce sa pagsasabi niya na si Murray ang best point guard ngayon sa NBA, at nito ngang Game 4, siya ay naging floor general ng Nuggets.

At kapag siya ay nagpatuloy ng ganito sa Game 5, madaling makukuha ng Denver ang panalo at maiuuwi na nila ang tropeo ng kampeonato.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa katotohanang sinabi ni Magic Johnson sa Heat matapos na matalo sila sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Gustong-gusto nga ni Magic Johnson ang serye ng NBA Finals sa pagitan ng Denver Nuggets at ng Miami Heat.

Alam din ni Magic na may malaking pagkakaiba ang dalawang koponan na ito, lalo na pagdating sa mga talento.


At muli niyang ipinaalaala ang pagkakaiba na iyon, matapos na makuha ng Nuggets ang 3-1 na kalamangan sa serye, nang talunin nila ang Heat sa Game 4, mga KaTop Sports.

Muli na naman ngang dinomina ng Denver ang contest na sila ay lumamang pa nga na umabot hanggang 17 points, bago natapos ang game na sila ang nakapag-uwi ng panalo.

Sa umpisa mukhang mahihirapan ang Nuggets sa Heat nang mapagwagian nila ang first quarter at nu'ng nakalamang sila ng tatlo sa pagbubukas ng second quarter.


Pero ang hindi nila alam, iyon na lang pala ang magiging malaking kalamangan nila sa kanilang sagupaan dahil biglang nag-take over na ang Nuggets.

Nagkaroon ng big game si Aaron Gordon na siya ay nagtapos na may 27 points, at si Nikola Jokic naman ay nagkaroon ng all-around performance, 23 points, 12 rebounds, 4 assists, 3 steals at 3 blocks, mga KaTop Sports.

At si Jamal Murray nga, gaya ng nabanggit ko na, ay nagkaroon ng isang makasaysayang paglalaro, na umagat talaga ang kaniyang pagiging playmaker sa game, na siya ay nagkaroon nga ng 12 assists at zero turnover, sa kaniyang 22 points.


At matapos nga na masaksihan ni Magic Johnson ang pagdomina muki ng Nuggets sa game, muli niyang ipinunto ang kaibahan sa lalim ng dalawang koponan, na kitang-kita naman daw talaga.

Sa pagtatapos daw ng araw, ang serye raw sa Finals ay mahuhulog sa katotohanan na ang Nuggets daw ang mas talentadong koponan kaysa sa Heat.

May punto at tama naman si Magic sa sinasabi niyang ito, tunay naman talaga na mas malalim ang koponan ng Nuggets kumpara sa Heat, pero marami pa rin ang naniniwala na magagawa ng Heat na mabigyan ng magandang laban ang seryeng ito, mga KaTop Sports.


Lalo na at napabagsak nga nila ang Milwaukee Bucks at ang Boston Celtics, na 'di hamak na mas paborito sa kanila sa playoffs.

Kaso nga lang, ang lahat ng naging panalo sa kanila ng Nuggets ay naging one-sided affairs, sapagka't ang tatlong panalo ng Denver sa Game 1, 3, at 4 ay pawang may kalamangan na double-digits, samantalang ang Heat, sabi nga ng ilan, ay sinuwerte lang daw sa Game 2.

At gaya nga ng sinasabi ni Magic, kitang-kita raw talaga na mas nakakalamang ang Nuggets laban sa Heat.


At kapag hindi makahanap ang Heat na kasagutan patungkol dito, malamang matatapos na ang serye sa Game 5, sa darating na Martes, June 13, 8:30 ng umaga, Pinas Time.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.