Ito ang desisyon na dapat raw magawa ng Miami Heat kay Kyle Lowry sa pagpasok ng free agency.
Ito ang desisyon na dapat raw magawa ng Miami Heat kay Kyle Lowry sa pagpasok ng free agency, mga KaTop Sports.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong pagkuha muli ng Sacramento Kings kay Kessler Edwards.
Matapos nga na makatungtong muli ng Kings sa playoffs since 2006, sila ngayon ay mabilis na naging paboritong team ngayon ng mga fans ng NBA.
Marami ngang naging success ang Kings sa katatapos lang na season, lalo na sa unang season sa kanila ng kanilang head coach na si Mike Brown.
At ngayon nga ay ibig nilang ibalik sa kanila ang isa nilang key bench talent kaysa hayaan siyang maging free agent na lamang.
Ayon kay Adrian Wojnarowski, mga KaTop Sports, nagdesisyon na raw ang Kings na kunin ang team option nila kay Kessler Edwards na nagkakahalaga ng $1.9 million para sa susunod na season.
Sa final year ng kontrata ni Edwards, siya ay magiging restricted free agent na sa 2024.
Sa pagsisimula ng nakalipas na season bilang member ng Brooklyn Nets, kinuha siya ng Kings na may kasamang cash considerations kapalit ng draft rights kay David Michineau, ang pang 39th overall pick sa 2016 NBA Draft.
Si Edwards ay isang versatile at lengthy wing, at nakapaglaro na ng 22 games para sa Sacramento, at nag-averaged ng 3.9 points at 2.1 rebounds per game, habang may shooting na 34.9 percent mula sa tres.
Magbuhat ng siya ay pumasok sa liga taong 2021, mga KaTop Sports, siya ay kinakitaan ng flashes ng isang promising two-way player at nakakita rin siya ng success bilang secondary contributor sa NBA G League.
At dahil nga sa magiging free agent na si Harrison Barnes ngayong offseason, patuloy pa rin na humahanap ang Kings ngayon na maidadagdag nilang mga talent sa wing, at isa na nga rito si Edwards, na isang athletic na option na maaring makapagpapuno niyaon sa kanilang bench.
At dahil meron ang Kings ng affordable contract para sa mga taong darating, wala silang nakikitang dahilan upang hindi nila panatilihin sa kanila itong si Edwards.
Siya ay may energy sa magkabilang dulo ng court at siya ay may ability na makabuslo rin sa tres, at siya ay bata pa at may potensiyal.
Malamang hindi pa siya magiging isang rotational player para sa Sacramento, mga KaTop Sports, pero ang rookie deal niya ay sapat na upang mapukaw ang paningin ng Kings at pupwede pa siyang magdevelop bilang bench contributor sa kaniyang ikatlong season sa NBA.
Si Edwards ay na draft bilang pang No.44 overall pick taong 2021 ng Nets, isang bente dos anyos na forward na nakapaglaro na ng 84 games sa mga koponan ng Brooklyn at ng Sacramento, at nag-averaged ng 4.7 points at 2.8 rebounds per game sa kaniyang career.
At para naman sa desisyon na dapat raw magawa ng Heat para kay Lowry sa pagpasok ng free agency, mga KaTop Sports.
Gagamitin daw ngayon ng Miami si Lowry bilang isang pain o bait sa trade kaysa gamitin nila siya sa waive-and-strecht provision upang sila ay malibre sa malaking kontrata niya sa susunod na season.
Si Lowry ay may $29.6 million para sa susunod na season sa kaniyang final year contract at naniniwala ang Heat na hindi na siya nararapat pa sa ganoong halaga.
May mga ulat din na ang plano ng Heat ay gamitin sa kaniya ang waive-and-stretch provision upang mapakawalan na siya at magamit ang natitirang pera sa kaniyang kontrata sa susunod na tatlong seasons.
May bagong balita rin na lumabas na may plano din ang Heat na gamitin ang salary ni Lowry sa isang malaking offseason trade, gaya ng kay Damian Lillard ng Portland Trail Blazers, mga KaTop Sports.
At kung hindi pa siya mai-trade ng Heat, okay pa rin naman daw sila na simulan ang season na siya ay nasa kanilang roster pa rin, dahil marami pa naman daw na opportunities na mabubuksan para sa kaniya sa darating na February sa trade deadline.
Si Lowry ay anim na beses nang napasama sa All-Star team, subali't sa edad niya na trentey syete, hindi na siya gaya ng dati.
Sa dalawang seasons niya sa Miami, siya ay nag-averaged ng 12.4 points, 4.9 rebounds at 7.1 asssists per game, na may 36.3% shooting mula sa tres
Mababa iyon kaysa sa mga numero na nagkaroon siya sa Toronto Raptors, kung saan siya ay nag-averaged ng 17.5 points, 4.3 rebounds at 6.4 assists per game, habang may 37.7 % shooting mula sa tres.
Kapag ang ginawa ng Heat kay Lowry ay waive and strecth, gagastos sila ng nasa $9.9 million laban sa salary cap sa susunod na tatlong taon, kaya't mas mainam kung iti-trade na lang nila si Lowry sa isang player na kagaya ni Damian Lillard.
Comments
Post a Comment