Ito ang best decision na ginawa ng Miami Heat sa naganap na 2023 NBA Draft.



Gaano na ba kalapit ngayon ang Heat na makagawa uli ng isa pang run sa NBA Finals, mga KaTop Sports?

Siyam na players nila ay may option na bumalik sa kanila para sa susunod na season.

Sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Kyle Lowry ay ang mga sigurado na maglalaro pa rin sa Miami, habang si Victor Oladipo ay may player option.


May bago silang rookie na nakuha nila sa katatapos lang na 2023 NBA Draft at ang kinuha nila ay ang magpapalakas ng kanilang power forward spot.

Si Kevin Love naman ay unrestricted free agent na, mga KaTop Sports, habang si Haywood Highsmith, na naglaro ng 54 games at naging starter ng 11 games last season na may non-guaranteed contract ay magiging fully guaranteed na sa January 10.

Ano nga ba ang best move na nagawa ng Heat sa draft night?


Ito ay ang piliin sa draft itong si Jaime Jaquez Jr.

Kinuha nga nila ang guard/forward ng UCLA na si Jaime Jaquez Jr. na pang No.18 pick sa draft.

Siya ay may taas na 6-foot-7 na mula sa Camarillo, California, mga KaTop Sports, at initially ay naging committed sa UCLA laban sa mga offers na galing sa Georgetown, Illinois, Memphis, Oregon State, Standford, St. John's Texas A&M, USC at Utah.


Apat na seasons ang ginugol niya sa UCLA at siya ay nag-averaged ng 13.4 points, 6.3 rebounds at 2 assists per game, sa loob ng 134 games, at ang 126 games doon, siya ay naging starter.

Pinangunahan niya ang Bruins last season na may averaged na 17.8 points, 8.2 rebounds, 2.4 assists at 1.5 steals per contest.

Nagdesisyon nga siya na pumasok na sa 2023 NBA Draft no'ng April.


At ayon nga sa kaniyang head coach sa UCLA na si coach Mick Cronin, mga KaTop Sports, naipakita na raw ni Jaquez sa lahat na siya ay isang leader at winner.

Hindi raw masabi ni coach Cronin kung gaano kahalaga sa kanilang programa itong si Jaquez, at obviously naman daw na malaking parte ng kanilang tagumpay ay dahil kay Jaquez.

At gaya raw ng sinabi na noon ni coach Cronin, nakabuo raw sila ng programa sa paligid ng competitive spirit at toughness ni Jaquez sa loob ng apat na taon.


Si Jaquez raw ay may puso na siya ay patungkol lagi sa hustle at hard work, at ang kaniyang dedikasyon, loyalty at tenacity ay hindi raw maikukumpara.

Kaya't hindi na raw makapaghintay pa itong si coach Cronin na makita niyang maglaro na itong si Jaquez sa NBA, mga KaTop Sports.

Nauunawaan daw ni coach Cronin kung bakit gustong-gusto ng mga fans ng UCLA itong si Jaquez dahil si Jaquez daw ang lahat na gusto mong makita sa Bruin.


Mamimiss daw ni coach Cronin si Jaquez, pero panahon na raw para kay Jaquez na kunin na ang sunod na step, at iyon ay sa NBA.

Ipinagmalaki nga ni Jaquez kung gaano lumago ang kaniyang abilidad sa pamumuno habang siya ay nasa Bruins pa.

Sa tingin daw niya, mga KaTop Sports, ang laro niya ay lumago sa lahat ng aspeto, lalo na sa pagiging leader at sa pagtulong sa kaniyang mga kasama.


Nagsimula raw siya bilang freshman at ngayon ay senior na, at natutunan daw niya kung papaanong sumunod, kung papaanong mamuno, at sa tingin niya iyon daw ang isa sa kaniyang biggest takeaways.

Hindi man magiging star itong Jaquez sa Heat, pero ang kaniyang all-around game ay ang magpapaging angkop sa kaniya para sa roster ng Miami, na naghahanap ng isang player na makakapag-ambag agad.


At kung magagawa nga niya na makapag-ambag sa iba't-ibang posisyon para sa Heat, siya ay magiging isang mahalagang parte ng roster ng Heat sa hinaharap.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.