Isang malaking hakbang ang ginawa ngayon ni Donte DiVincenzo sa pag-alis niya sa Golden State Warriors.
Isang malaking hakbang ang ginawa ngayon ni Donte DiVincenzo sa pag-alis niya sa Golden State Warriors, mga idol.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong inaasahang role ni Chris Paul sa Golden State Warriors.
Nang maisagawa na nga ng Warriors ang trade kay Paul, isa sa naging malaking katanungan ay ano ang magiging role niya sa team?
Lalo na at ibang-iba ang kaniyang istilo sa paglalaro sa sistema na ini-implement ni Steve Kerr sa Warriors.
Wala ring taglay ang Warriors na isang player na magiging epektibo bilang pick-and-roll partner niya upang magamit ang kaniyang playmaking, mga idol.
At sa kabila ng lahat ng concerns na iyon, inaasahan pa rin siya na magiging starter para sa Warriors na kasama si Stephen Curry.
May posibilidad na maglaro siya mula sa bench, pero mukhang magiging awkward at mahirap iyon para sa kaniya dahil hindi pa nga niya iyon nagawa sa buong career niya.
Pero kapag siya naman ay magiging starter talaga, ang lineup ng Warriors ay napakaliit na.
Sabihin na natin na babalik sa Warriors si Draymond Green at siya ang magiging sentro nila, mga idol, si Andrew Wiggins ang power forward, small forward si Klay Thompson, at sina Paul at Curry naman ang nasa point at shooting guard position, diba't napakaliit na ng lineup na ito?
Kaya papaano nga kaya gagamitin ng Warriors itong si Chris Paul?
Makakapagbigay nga siya sa Warriors ng kinakailangan nilang opensa, pero gaano kaya ito makaka-apekto sa kanilang koponan, partikular na sa kanilang starting gruop?
Pero marami pa namang pwedeng gawin ang Warriors sa offseason at sa free agency, gaya ng kumuha ng big man na babagay kay Paul para sa pick-and-roll game.
At kapag nagkagayon, mga idol, ang alalahanin na magiging sobrang liit ng Warriors kapag naging starter si Paul ay masusolusyunan.
Isang hamon itong pagkadagdag ni Paul kay Steve Kerr at sa kabuoan ng kanilang coaching staff, kung papaano nila siya maipapasok sa sistema nila at sa paraan ng paglalaro nila.
At para naman sa malaking hakbang na ginawa ni Donte DiVincenzo sa pag-alis niya sa Warriors, mga idol.
Gumawa na nga ng isang malaking hakbang itong si DiVincenzo sa pag-alis niya sa Warriors ngayong summer, dahil in-opt out na niya ang kaniyang $4.7 million player option upang pumirma sa ibang koponan sa free agency.
Pumirma nga siya ng dalawang taong kontrata sa Warriors na nagkakahalaga ng $9.2 million nu'ng July, matapos na si Gary Payton II ay pumirma naman sa Portland Trail Blazers.
Nag-thrive siya mula sa bench at bilang part-time starter sa Warriors sa katatapos lang na season.
Hawak nga ng Warriors ang non-Birds rights sa kaniya, mga idol, pero ang cap exception na nag-aallow sa team na offeran siya ng maximum starting salary nang 120% nu'ng nakaraang taon ay kalahati lamang sa inaasahan niya na matatanggap niya sa open market ngayon.
At ang Warriors ay tataas sa ikalawang luxury tax apron na kabilang sa bagong CBA ng liga sa susunod na season, na pumipigil sa kanila na magdagdag pa sa labas ng free agency na may kontrata na mataas sa minimum.
Kaya mawawala na nga talaga sa Warriors itong si DiVincenzo.
Pinabalik ng Warriors sa kanila si Payton upang mapalakas lang ang pagdepensa nila sa kanilang titulo at upang magkaroon ng cut ang sky-high tax bill ni Joe Lacobs, at dahil alam din nila na si DiVincenzo ay papasok sa free agency pagkatapos ng isang season.
Ang pagkadagdag ni Chris Paul sa kanila ay magpupuno sa pagkawala ni DiVincenzo, mga idol, habang ang rookie na si Brandin Podziemski ang kukuha naman ng pwesto ni DiVincenzo bilang spot-up shooter at secondary creator sa regular season.
Maraming mga koponan na naghahanap ng isang role player ang magkakainteres na kunin itong si Divincenzo sa free agency, kaya abangan na lang natin kung saang team siya pipirma.
Comments
Post a Comment