Isang malakas na mensahe ang binitawan ni Jimmy Butler para sa kaniyang mga kakampi para sa darating na Game 2 ng NBA Finals.



Isang malakas na mensahe ang binitawan ni Jimmy Butler para sa kaniyang mga kakampi para sa darating na Game 2 ng NBA Finals.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang pagpasok na ito ni Nikola Jokic sa teritoryo ni Michael Jordan matapos ang kaniyang epic na NBA Finals debut laban sa Heat.

May mga nagsasabi nga na anak raw ni Michael Jordan itong si Jimmy Butler, pero nu'ng Game 1 ng NBA Finals si Nikola Jokic ang pumasok sa teritoryo ni Jordan matapos ng kaniyang majestic NBA Finals debut, mga KaTop Sports.


Nagkaroon na naman nga ng dominanteng paglalaro itong si Jokic sa pagbubukas ng kanilang serye at pinangunahan niya ang Denver Nuggets sa isang panalo laban sa Miami Heat.

Ang NBA Finals debut ni Michael Jordan sa Chicago Bulls ay no'ng 1991, at doon si Jordan ay nagkaroon ng 36 points at 12 assists upang pangunahan ang kanilang koponan sa scoring at sa assists.

At nitong Biyernes nga, si Jokic naman ay nagkaroon ng 27 points at 14 assists at pinangunahan din ang kaniyang koponan sa scoring at sa assists.


Salamat sa kaniyang epic na performance sa Game 1 dahil ngayon ay napasok na niya ang teritoryo ni Michael Jordan, mga KaTop Sports.

Nagkaroon din ng double-digit rebounds itong si Jokic sa Game 1, na siya ay nagkaroon nga ng triple-double, 27 points, 10 rebounds at 14 assists, na may kasama pang isang steal, isang block at isang triple sa loob ng 42 minutes na paglalaro.

Siya rin ay nagkaroon ng 66.7 percent shooting sa floor sa kaniyang 12 attempts lamang, isang patunay kung gaano talaga kayang impluwensiyahan ni Jokic ang game kahit hindi siya gaanong magtitira.


Pero ang mas pinaka-importante dito ay 'yung nagawa ni Jokic na pangunahan ang Nuggets sa isang panalo laban sa Heat.

Dahil ito ang kauna-unahang pagkatalo ng Heat sa Game 1 ngayong playoffs, at panigurado susubukan muli ng Denver na makuha ang panalo sa Game 2 sa Lunes, June 5, alas otso ng umaga, Pinas time, mga KaTop Sports.

At kapag nagpatuloy sa ganitong paglalaro itong si Jokic, mahihirapan talaga ang Heat na makakuha ng panalo sa kanila, pero gaya nga ng sinasabi ng karamihan, bilog ang bola.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At patungkol naman nga sa Isang malakas na mensahe na binitawan ni Jimmy Butler para sa kaniyang mga kakampi para sa darating na Game 2 ng NBA Finals.

Matapos nga na maipanalo ng Miami Heat ang kanilang tatlong naunang Game 1 sa playoffs, ngayon ay tinalo sila ng Denver Nuggets sa pagbubukas ng kanilang serye sa Game 1 ng NBA Finals.


Hindi talaga nahanap ni Jimmy Butler at ng kaniyang mga kasamahan ang groove sa laban na nagresulta nga ng kanilang pagkatalo, malaking pagkatalo, 104-93.

Pero sa kabila ng pagkatalo nilang ito, si Butler ay nananatiling matatag pa rin, na siya ay nagpadala ng isang malakas na mensahe para sa kaniyang mga kakampi, mga KaTop Sports.

Palagi raw niyang ipapasa ang bola sa kaniyang mga kakampi, ang sabi ni Butler, dahil mataas daw ang paniniwala at pagtitiwala niya sa kaniyang mga kakampi na maipapasok nila ang kanilang mga tira.


At kapag hindi raw magawa ng kaniyang mga kakampi iyon, kailangan daw nilang gawin ang susunod na play, ganoon daw sila maglaro buong taon, at hindi raw magbabago iyon ngayon na sila ay nasa Finals na.

Ngayon ay nakafocus na si Butler at ang Heat sa susunod na game, mahirap nga ang naging pagkatalo nila nu'ng Game 1 pero matagal pa bago matapos ang serye.

Mataas talaga ang confident ni Butler sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga teammates at hindi na ito magbabago pa, at alam ni Butler kung ano ang dapat niyang gawin upang mas maging magaling sila sa Game 2, mga KaTop Sports.


Alam din niya ang mga naging pagkukulang niya sa Game 1, at dahil sa si Jimmy Butler ay si Jimmy Butler, panigurado babawi at babawi siya, at ipakikita niya iyon sa darating na Lunes.

Magiging mas agresibo na raw siya, dagdag pa ni Butler, at maglalagay daw siya ng pressure sa rim, at yung naging pagkakamali niya na hindi siya nagkaroon ng free throws sa Game 1, ay itatama na raw nila iyon sa susunod na game.

Asahan na natin na magiging isang magandang serye ang masasaksihan natin sa tapatang ito ng Heat at Nuggets sa NBA Finals, lalo na ngayon at tatlong panalo na lang ang kailangan ng Nuggets upang sila na ang itanghal na kampeon ngayong taon.


Pero hindi naman basta papayag na lang ang Heat na magkagayon, at kahit na sila ang underdog dito, may kakayahan pa rin naman sila na masilat ang Denver at sila ang makapag-uwi ng kampeonato.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.