Isa sa dalawang ito ang dapat na piliin ng Warriors sa darating na 2023 NBA Draft bilang kanilang pang No.19 pick.



Nahaharap nga ngayon ang Golden State Warriors sa isang kakaibang offseason matapos ang kanilang mga naging tagumpay sa nakalipas na dekada, mga idol.

Ang arkitekto ng kanilang dynasty ay kumalas na sa kanilang organisasyon, at hindi na nga sila pangungunahan pa ni Bob Myers bilang kanilang presidente at general manager.

Samantalang kailangan na nilang asikasuhin na din ang mga kontrata nina Steve Kerr at Draymond Green.


Habang nakakasigurado naman sila na sina Stephen Curry at Klay Thompson ay mananatili pa rin naman sa kanila.

Gayun pa man, sa kabila ng mga dilemmas ng mga kontrata, kailangan pa rin tutukan ng Warriors ang 2023 NBA Draft, mga idol.

At sa hawak ng Warriors na No.19 pick sa NBA Draft, marami silang options na pupwedeng i-consider, gaya na lamang ni Dereck Lively o kaya ay si Rayan Rupert.


Alam naman na natin na ang kalibre ng Warriors nitong season ay hindi na pangkampeonato, kulang sila sa big man at hindi rin naging ganoon kalakas ang kanilang depensa.

At kapag hindi mabuhat ni Stephen Curry ang kanilang koponan, bagsak talaga ang inaabot ng Warriors.

Sa kabuoan, ang roster nila ay hindi naging ganoon kalakas, 'di gaya nung mga nakalipas na taon, at kailangan na talaga nila ng upgrade ngayong offseason, kung ibig nilang magkampeon sa susunod na taon, mga idol.


At pwede nilang simulan iyon sa kanilang pagpili ng kanilang pang No.19 pick sa 2023 NBA Draft, at kapag pipili na ang Warriors, dapat na targetin nila ay si Dereck Lively o kaya ay si Rayan Rupert.

Una nating pag-usapan ay itong si Dereck Lively na isang sentro ng Duke.

Nabigo nga ang Warriors sa pag-eeksperimento nila kay James Wiseman, mga idol.


Kung titignan, babagay naman si Wiseman sa maliliit ng Warriors at sa bilis ng Warriors, at siya ay isang skilled big man na kayang-kayang kumuha ng rebounds habang ang kaniyang mga kakampi ay hindi maiilang na tumira kapag siya ay nasa loob.

Ang kaso nga lang, hindi gumana si Wiseman sa Warriors at ang naging resulta, siya ay naitrade sa Detroit Pistons.

Kaya naman ang Warriors ngayon ay wala na namang isang dominanteng big man, at kailangan nilang makakuha nito para sa ikabubuti ng kanilang koponan.


At dito na nga papasok ang sentro na mula sa Duke na si Dereck Lively na may taas na 7-foot-1 at may bigat na 230 pounds, sa edad niya na dise nueve, mga idol.

Nagtataglay siya ng pigura ng isang mala-halimaw na pangangatawan na babagay sa NBA na kayang kontrolin ang loob ng pintura sa mga taon pang darating.

At ito ang kailangan ng Warriors, dahil hindi naman sila magkukulang pagdating sa scoring hangga't nasa kanila itong sina Curry, Thompson, Andrew Wiggins at Jordan Poole.


Kapag idinagdag ng Warriors sa kanila itong si Lively, magkakaroon sila ng pwersa sa rebounding at sa poprotekta sa basket na wala nga sa kanila nitong nakalipas na season.

Si Kevon Looney ay magaling na rebounder, subali't kulang siya sa size at athleticsm upang makapaglaro ng tuloy-tuloy bilang isang starter, mga idol.

Taglay ni Dereck Lively ang hinahanap ng Warriors para sa isang bigman, kaya dapat talagang ikonsidera nila siya sa kanilang pang No.19 pick sa darating na draft.


Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?

At para naman kay Rayan Rupert na isang guard ng New Zealand, na isa sa nakakaintrigang international prospect na naglaro sa New Zealand Breakers.

Siya ay may taas na 6-foot-6 bilang isang guard, na pupwedeng maging isang elite na guard sa NBA na kayang magdala ng bola.

Ang unicorn style na manlalaro gaya ni Rupert ay pupwedeng maibalik sa Warriors ang pagiging darling nito sa NBA.


At hangga't nasa kanila si Stephen Curry magiging palaban pa rin ang Warriors at mataas pa rin ang pag-asa nila na makalaban sa NBA Finals, mga idol.

Pero kapag hindi nakakuha ang Warriors ng isa pang star na itatambal nila kay Curry, maari nilang masayang ang mga nalalabing taon pa sa kanila ni Curry.

Dahil sina Klay Thompson at Draymond Green ay unti-unti nang humihina sa paglalaro, hindi gaya ni Curry na nandoon pa rin ang kaniyang kahusayan.


At ang idagdag sa kanila ang isang gaya ni Rayan Rupert na maaring makagawa sa kanila ng magagandang bagay para sa pag-asa nila na muling makatungtong ng NBA Finals.

May magandang size si Rupert bilang isang guard, siya nga ay may taas na 6-foot-6 at may wingspan na 7-foot-3, mga idol.

Kaya posibleng makapagdagdag agad siya sa Warriors ng makabagong elemento na kadalasan ay umaasa lamang sa magagawa ni Curry.


Si Rupert ay may size at bilis na maaring makapagpabago sa istilo ng laro kapag si Curry ay wala sa loob ng court.

Ang kaniyang abilidad na ibaba ang bola ay nangangahulugan lang na palaging magkakaroon ang Warriors ng isang playmaker sa loob, kagaya kung papaanong kapag si Curry ay nasa loob ng court, na gumagawa ng mga plays at nagkaka-cut upang maging open.

Habang may Draymond Green naman ang Warriors na kadalasan nagpapatakbo ng kanilang opensa, pero wala naman siyang kakayahan bilang isang guard, na kayang maibigay ni Rupert, kahit na siya ay ilagay pa nila sa forward position ng kagaya ng kay Green, mga idol.


Talaga namang may isang interesting na offseason itong Warriors at magsisimula nga ito sa darating na 2023 NBA Draft, at para sa kanilang No.19 pick, dapat ay bigyan pansin nila itong si Rayan Rupert o kaya ay si Dereck Lively.

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.