Iman Shumpert ipinaliwanag kung bakit mahalaga itong si Draymond Green para sa Golden State Warriors.
Iman Shumpert ipinaliwanag kung bakit mahalaga itong si Draymond Green para sa Golden State Warriors.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Steve Kerr na kailangan na raw ng Golden State Warriors ng pagbabago.
Naniniwala pa rin nga itong si Steve Kerr sa Warriors, mga idol, matapos na magkaroon sila ng 'di magandang pagtatapos na depensahan ang kanilang titulo.
At ngayon nga ay nalalaman niya na kailangan na nila ng mga pagbabago, at nagsimula ito sa pagtrade nila kay Jordan Poole para kay Chris Paul.
Bago nga nakuha ng Warriors itong sina Brandin Podziemski at Trayce Jackson-Davis sa naganap na 2023 NBA Draft, ay naipagpalit muna nila si Jordan Poole kay Chris Paul, at ngayon nga ay ipinaliwag na ni Steve Kerr ang bagong dereksiyon na tatahakin nila.
Aniya, magiging iba na raw sila ngayon, at kailangan na raw talaga nila ng pagbabago, pero hindi naman daw ibig sabihin na babaguhin na ang lahat, kundi may mga kailangan lang sila na baguhin.
At nase-sense daw iyon ng lahat ng nasa organisasyon nila, mga idol, at pakiramdam daw niya na, nagagawa nila iyon na hindi naiwawala ang kanilang identity, at ang sense ng kung sino sila, at isang positibong bagay daw iyon para sa kanila.
Wala na ngang kakayahan pa ang Warriors na kumuha ng free agents dahil sa kakapusan nila sa pananalapi sa darating na June 30 na lagpas sa minimun contracts.
Habang si Draymond Green ay hindi pa rin pumipirma ng anomang kontrata, pero lahat naman ng indikasyon ay nagsa-suggest na siya ay babalik sa isang long-term contract.
At dahil wala na sa kanila si Poole, wala nang taglay ngayon ang Golden State na malaki at makatotohanang trade na natitira kundi si Jonathan Kuminga na lamang.
Ngayon ang katanungan ay, ang pagkadagdag ba sa kanila nina Chris Paul, Podziemski, Jackson-Davis at isang beterano na may minimun contract ay sapat na upang sila ay muling makalaban para sa kampeonato, mga idol?
Iyan ang paka-aabangan natin sa mga paglipas ng mga araw, hanggang sa pagsisimula ng panibagong season.
At para naman sa sinabi ni Iman Shumpert patungkol sa kahalagahan ni Draymond Green sa Golden State Warriors, mga idol.
May mga hindi mabilang na laban na nga itong si Shumpert kay Green sa mga panahon pa niya noon sa Cleveland Cavaliers, kaya alam niya kung gaano kahalaga ang defensive maestro na si Green sa Warriors.
At dahil sa in-opt out na ni Green ang kaniyang $27.6 million player option, napag-usapan nina Gilbert Arenas, Josiah Johnson at Shumpert ang role ni Green sa Warriors at kung bakit hindi nila dapat pakawalan itong si Green.
Binalik-tanaw ni Shumpert ang panahon na nakakalaro pa niya si Green at ang Warriors at in-emphasized niya ang naging impact ni Green sa Warriors.
Aniya, mga idol, hindi daw niya ramdam na hindi malalaman ni Green ang mga gagawin nila, at palagi raw nandoon si Green sa mga ginagawa nila.
Isang tao raw si Green na laging nakatuon ang atensiyon sa bawa't detalye, nanood ng film, parang ganoon daw, napaka-importante daw niya talaga.
Kaya't nagulat daw siya ng i-opt out ni Green ang kaniyang player option sa Warriors, kahit na ba na hindi naman ibig sabihin no'n ay aalis na siya sa Warriors, at determinado naman daw ang Golden State na papirmahin siya muli, ang maisip lang daw na aalis na siya sa Warriors ay talaga naman daw na nakakabahala.
Aalis na nga ba si Green sa Warriors?
May panganib daw doon para sa Warriors, ang sagot ni Shumpert, mga idol.
Hindi pa nga natin masabi pa sa ngayon kung mapapanatili ng Warriors si Green ngayong offseason, pero sinabi naman na ni Green na gusto niyang maging Warrior buong buhay niya hanggang sa siya ay magretiro na.
Inaasahan na rin na siya ay makakakuha ng maraming interes sa free agency, na ngayon nga ay nali-link na sa kaniya ang mga koponan ng Sacramento Kings at ng Memphis Grizzlies.
Comments
Post a Comment