Hindi pa raw kukuha ang Miami Heat ng isa pang star upang matulungan si Jimmy Butler ang sabi ni Pat Riley.
Hindi pa raw kukuha ang Miami Heat ng isa pang star upang matulungan si Jimmy Butler ang sabi ni Pat Riley.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong pagkakasuspinde ng Twitter account ni Moriah Mills matapos na takutin niya si Zion Williamson sa isang maselan na bagay.
Ang saga ng star ng New Orleans Pelicans na si Zion Williamson at ng adult film actress na si Moriah Mills ay nagtungo na sa ibang twist, mga KaTop Sports, dahil sa pagkakasuspinde ng Twitter account ni Mills.
Ang sinasabing dating girlfriend ni Zion na si Mills ay may mga itinweet na mga bagay patungkol kay Zion na hindi magaganda magbuhat ng malaman nito na si Zion ay magkakaroon ng anak sa ibang babae.
Ang mga tweet ni Mills ay naglalaman ng mga pang-iinsulto, DM's, explicit descriptions ng sex acts, at marami pang iba nitong nakaraang linggo, magbuhat nang magsimula ang kanilang drama.
Hanggang sa sumobra na nga si Mills, na umabot na ngayon sa pananakot niya na ilalabas niya ang isang homemade adult tape niya at ni Zion.
Pagkatapos ng isang araw, mga KaTop Sports, sinuspinde na nga ang Twitter account ni Moriah Mills, na ang social media platform ay hindi nagbigay ng kanilang opisyal na dahilan kung bakit sinuspunde ang kaniyang account na mayroong 1.2 million followers.
Posible na ang dahilan ng pagkakasuspinde ng kaniyang account ay dahil sa pananakot niya kay Zion na ilalabas niya ang isang video na walang consent ni Zion.
At ang pagkakasuspinde na ito ay nagbigay ng kaunting relief kay Zion, dahil sa kung anu-anong itini-tweet ni Mills.
Pero kahit na nagkagayon, ang mga problema ni Zion sa loob at labas ng court ay hindi pa rin natatapos, dahil sa NBA, ang mga rumors ng pagtrade sa kaniya ay lalong umiinit dahil sa nangyayari nga sa kaniya ngayon.
Magaling naman itong si Zion kapag siya ay naglalaro sa loob ng court, mga KaTop Sports, subali't siya ay nakapaglaro pa lamang ng 114 games sa apat na seasons na niya sa NBA dahil na rin sa injury at pagpapakondisyon at mga rehab issues.
Isa sa hindi naniniwala sa mga usaping trade na ito kay Zion ay itong si Moriah Mills, na kailan lang ay may itinweet na gawa-gawa lang daw ng Pelicans ang mga ulat ng pagtrade upang mailihis si Zion sa kaniyang mga personal issues.
At para naman sa sinabi ni Pat Riley na hindi pa sila kukuha ng isa pang star upang makatulong kay Jimmy Butler, mga KaTop Sports.
Maganda nga ang naging takbo ng Miami Heat nitong katatapos lang na season, kung saan nakaabot sila ng NBA Finals, subali't tinalo sila ng Denver Nuggets sa loob ng limang games, kahit na ba na maganda ang inilaro ni Jimmy Butler sa postseason.
At kahit na ba malaki ang nakuhang tulong ni Butler kina Bam Adebayo at Gabe Vincent sa playoffs, lumalabas na talagang kailangan pa rin ni Butler ng karagdagan pang tulong upang madala niya ang Heat sa Promise Land.
At sa mga naglalabasan ngang mga bali-balita, confident ang Heat na makukuha nila si Damian Lillard kapag ito ay aalis na sa Portland Trail Blazers, pero si Pat Riley ay mukhang wala raw plano na magdagdag pa ng isa pang star sa kanila sa ngayon.
Sinabi ni Riley na si Butler pa rin daw ang magdadala ng bigat ng kanilang opensa, mga KaTop Sports, at gustuhin man daw niya na bigyan si Butler na makakasama, pero sa ngayon, si Butler na raw muna ang bahala.
At ganoon daw talaga ang nangyayri sa lahat ng magagaling na players, dahil gustuhin man daw niya na kumuha ng perpektong maitatambal sa kaniya, pero hindi naman daw gano'n kadali iyon.
Na link din itong Heat kay Bradley Beal
na ngayon nga ay nasa Phoenix Suns na, at si Lillard ang mas malapit ngayon sa katotohanan na makukuha nila, ang kaso nga lang, hindi pa rin siya nagre-request ng isang trade sa Blazers.
Ang katotohanang nasaksihan natin sa Miami ay ang pagkaubos nila ng gas sa Finals habang kasama ni Butler ay ang kaniyang supporting cast na mga undrafted players.
Pero h'wag nating ipagkakamali, mga KaTop Sports, dahil sina Gabe Vincent, Max Strus, at Caleb Martin ay mga solid na players din naman at pawang magagaling din talaga, pero hindi pa rin natin maikakaila na kailangan talaga ni Butler ng isang legit na running mate na maitatambal sa kaniya at kay Adebayo.
Comments
Post a Comment