Hindi pa raw aalis si Damian Lillard sa Portland Trail Blazers ayon kay Adrian Wojnarowski.
Hindi pa raw aalis si Damian Lillard sa Portland Trail Blazers ayon kay Adrian Wojnarowski.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging comment ni Jayson Tatum patungkol sa paggamit ng salitang "anonymous sources" sa mga balitang naglalabasan.
Nagtungo nga itong si Jayson Tatum sa Twitter upang i-express ang kaniyang frustration sa paggamit ng anonymous sources sa mga rumors na naglalabasan sa NBA ngayon, mga KaTop Sports.
Aniya, wala pa rin daw bang napapagod sa kakatingin ng salitang "per source" o ayon sa isang source sa mga quote, at dapat daw ay pangalanan nila kung sino ang nagsabi, o kaya ay manahimik na lamang sila kung ayaw nilang pangalanan.
Napapanahon ang tweet na ito ni Tatum dahil ang paggamit ng anonymous sources sa NBA ay ang naglalagay ng spark sa mga rumors at reaksiyon sa isang lumalaganap na pagsisiyasat.
Sa mga nagdaang taon, may mga ilang high-profile cases ng anonymous sources ang nagagamit upang magpalaganap ng maling impormasyon o kaya ay makasira ng reputasyon ng mga atleta at ng mga coaches.
Hindi rin nakakatulong ang mga sources na ito na kadalasang inili-linked sa mga nagiging desisyon ng mga management ng isang koponan, mga KaTop Sports, gaya ng mga trades, pagkuha at pagtanggal ng mga personels, at maging ang mga personal affairs, na kagaya ng naging sitwasyon ng dating coach ng Boston Celtics na si Ime Udoka.
Ang paggamit at maling paggamit ng mga anonymous sources ay napakaimportante, ngayon na pumapasok na ang NBA sa offseason, na ang lahat ng mga gagawing desisyon ng mga team managment ay kaabang-abang na nga.
At ang mga ganitong desisyon ay hindi madaling gawin dahil ang mga fans at lahat ng nasa media ay mabilis na nakakapag-react ng walang habas, dahil sa tulong na rin ng social media.
Ang ibang rumors ay maaring maging kakaiba sa punto na maque-question na ang integridad ng isang koponan, gaya na lamang ng rumor na hindi na raw nagkakasundo itong sina LeBron James at Anthony Davis ng Los Angeles Lakers.
At ang naging comment na ito ni Jayson Tatum ay umani ng samo't-saring reaksiyon sa mga fans ng Celtics, mga KaTop Sports, na ang iba ay sumang-ayon sa kaniya na ang paggamit ng anonymous sources ay isang problema.
At ang iba naman ay nagsabi na ang paggamit ng anonymous sources ay upang maprotektahan lamang ang identity ng isang source na baka malagay sa panganib kung ang pangalan nila ay mailalantad.
Gayun pa man, ang desisyon ng kung gagamitin ba o hindi ang salitang anonymous sources ay nasa sa isang indibidwal na reporter na o kaya ng isang publication.
Gayun pa man, ang comment na ito ni Tatum ay nakapagbigay kamulatan tungkol sa issueng ito, at ito ay isang positibong hakbang na, na maituturing.
At para naman sa sinabi na ito ni Adrian Wojnarowski na hindi pa rin aalis ng Portland Trail Blazers itong si Damian Lillard, mga KaTop Sports.
Ilang araw na nga na pinag-uusapan ang future ni Damian Lillard sa Portland Trail Blazers, gaya ng, baka raw humiling na siya ng isang trade depende raw sa magiging resulta ng gagawin ng kanilang koponan sa NBA Draft.
Sa katunayan, ang Miami Heat nga raw ay naka-focus na kay Lillard matapos na mai-trade itong si Bradley Beal sa Phoenix Suns, at umaasa sila na si Lillard ay magiging available sa isang trade, kaya't inaabangan nila ito.
Subali't sa lumabas na latest update patungkol kay Lillard, hindi pa raw interesado ang Portland na gawin iyon kay Lillard, sa ngayon.
Inihinto na raw ng Blazers ang mga tawag patungkol sa availability ni Lillard para sa isang trade, ayon kay Wojnarowski, mga KaTop Sports, na nagsabi na hindi pa rin daw available itong si Lillard, at sinabi raw ni Lillard na gusto pa rin niya sa Portland.
Iba nga ang pagiging loyal ni Lillard sa Blazers, kaya mahirap asahan na hihiling nga siya ng isang trade sa Portland, at mukhang determinado ang Blazers na paligiran siya ng mga tamang tao upang maging title contender ang kanilang koponan.
Pero sa ngayon, mga KaTop Sports, wala pa ring katiyakan kung magagawa nga iyon ng Blazers, at kapag hindi nila nagawa iyon, posible pa rin ang paghiling ni Lillard ng pag-alis na sa kanilang koponan.
Comments
Post a Comment