Gabe Vincent nakuha na ng Los Angeles Lakers mula sa free agency.
Gabe Vincent nakuha na ng Los Angeles Lakers mula sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong kontrata na pinirmahan ni Rui Hachimura sa Lakers.
Ni re-signed na nga ng Lakers itong si Hachimura ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $51 million.
Ito na nga ang pasimula ng sinabi ni Rob Pelinka patungkol sa kahalagahan ng pag-establish nila ng continuity para sa susunod na season.
Si Hachimura ay pang No.9 overall pick nu'ng 2019 NBA Draft, na nakuha naman ng Lakers nu'ng January 23 kapalit ni Kendrick Nunn at tatlong second round picks.
Sa kaniyang 33 regular season games, mga KaDribol, siyam doon, siya ay naging starter, at siya ay nag-averaged ng 15.5 points at 7.6 rebounds per 36 minutes.
Ang 6-foot-8 na power forward na si Hachimura ay nag-stepped up sa playoffs at siya ay nag-averaged doon ng 12.2 points per game.
Pinarusahan niya ang Memphis Grizzlies sa downtown nu'ng siya ay naiiwan nila na open doon, at maging ang depensa niya sa low post ay tumaas.
Sinabi nga ni Hachimura na ang apat na buwan na inilagi niya sa Lakers ay ang best time sa kaniyang buhay, mga KaDribol, at siya ay naniniwala na sa Lakers ay magiging maganda ang kaniyang career.
Sinabi rin niya na hindi siya maglalaro sa kaniyang bansang Japan para sa darating na FIBA World Cup, upang mag-focus sa kaniyang NBA career.
At para naman sa pagkuha ng Lakers kay Gabe Vincent mula sa free agency, mga KaDribol.
Nagkasundo na nga ang Lakers at si Vincent sa tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $33 million.
Matapos nga na siya ay maging undrafted taong 2018, siya ay naging isang mahalagang parte sa naging run ng Maimi Heat sa 2023 NBA Finals.
Sinubukan nga niya ang kaniyang sarili sa free agency at ngayon nga ay nagtagumpay siya, nang makakuha siya ng bagong kontrata sa Lakers.
Matagal na ngang inaasahan ng Miami ang pag-alis niya sa kanila, magbuhat ng pumasok na siya sa free agency, mga KaDribol, lalo na at ang market ngayon para sa mga guards ay mas mababa sa inaasahan ngayong offseason.
Ang Lakers ay mayroon pang $12.4 million na available via non-taxpayer midlevel exception, pero ang malaking bahagi na no'n ay mapupunta na kay Vincent.
Si Vincent ang magsisilbing kapalit ni Dennis Schroder, na ngayon ay pumirma na ng kontrata sa koponan ng Toronto Raptors.
Si Vincent nga ang tipo na player na hinahanap ni Rob Pelinka sa free agency dahil na rin sa kaniyang kakayahan na makaiskor sa perimeter at mag-create ng tira para sa kaniyang mga kakampi bilang ballhandler.
Ang bente syete anyos na si Vincet ay papasok na sa prime years ng kaniyang career, mga KaDribol, at siya ay galing sa pinakamagaling niyang season magbuhat ng pumasok siya sa liga.
Siya ay nag-averaged ng 9.4 points at 2.5 assists per game, at siya rin ay naging starter sa lahat ng 22 playoff games na inilaro niya sa Miami.
Siya ay nag-averaged sa playoffs ng 12.7 points at 3.5 assists per game, habang may 37.8% shooting sa tres.
Gaya ng Heat, mga KaDribol, ang Lakers ay may history rin ng pagdevelop ng mga undradted players, kagaya na lang nina Austin Reaves at Alex Caruso.
Comments
Post a Comment