Fred VanVleet nali-link sa apat na teams kabilang ang Los Angeles Lakers sa pagpasok niya sa free agency.
Fred VanVleet nali-link sa apat na teams kabilang ang Los Angeles Lakers sa pagpasok niya sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon daw ng ibang koponan sa NBA sa naging desisyon ng Washington Wizards sa pagtrade nila kay Bradley Beal sa Phoenix Suns.
Humakot nga ng iba't-ibang reaksiyon sa NBA ang pagkaka-trade ni Bradley Beal sa Phoenix Suns, mga KaDribol, at hindi sila makapaniwala na pumayag ang Washington Wizards na ipadala si Beal sa Suns para lang sa isang bargain.
At ganito rin ang naramdaman ng ibang mga koponan sa liga, hindi sila makapaniwala sa naging desisyon ng Washington.
May isang koponan pa nga ang nagsabi na ang pagkaka-trade raw kay Beal sa Suns ay para lamang sa salary dump, at nakakaloka raw ang ginawa na ito ng Wizards.
Hindi raw nila maintindihan kung bakit hindi na lang daw nila ginawa ang ginawa noon ng Brooklyn Nets kay Kevin Durant, at naghintay pa ng mas magandang deal kaysa sa deal na tinaggap nila sa Suns.
Sa ginawa na ito ng Wizards, sila naman ang mahihirapan sa naging desisyon nilang ito, mga KaDribol, at ang pagpayag nila na makabuo ng isang malakas na Big 3 ang Suns, na sina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal, ay malaki talaga ang magiging epekto sa buong liga.
Ngayon ang Suns na ang paborito na makakapagtapos ng maganda sa susunod na season, na obvious naman na magpapahirap naman sa ibang mga koponan.
Sa puntong ito, masasabi natin na hindi talaga natuwa ang halos kabuoan ng liga sa naging desisyon na ito ng Wizards, pero wala naman na silang magagawa, kung iyon ang kagustuhan ng Wizards .
At para naman sa pagkaka-link ni Fred VanVleet sa Lakers at sa iba pang koponan, mga KaDribol.
Papasok na nga sa open market itong si Fred VanVleet sa darating na offseason, mahirap man ang kaniyang naging takbuhin nu'ng nakaraang season, pero isa pa rin naman siya sa magagaling na free agents ngayong summer.
Kaya naman marami nang mga koponan ang nagpaabot ng interes nila sa kaniya, gaya na lamang ng Phoenix Suns, Orlando Magic, Houston Rockets at Los Angeles Lakers.
Matapos nga na magkaroon daw ng mutual decision itong si VanVleet at ang Raptors na i-hold off muna ang isang pag-uusap sa extension contract na magkakahalaga ng $114 million sa apat na taon, na mababa sa kaniyang market value, hindi pa rin naman sila sumusuko na mapapirma pa rin nila si VanVleet sa kanila.
Gayun pa man, ang ilang mga teams na gaya ng Rockets, Suns, Magic at Lakers ay nalilink sa kaniya bilang mga potential suitors, mga KaDribol, habang ang ibang playoff-caliber teams naman ay baka mag-emerge bilang sign-and-trade options.
Sa loob ng 69 games na nailaro niya last season, siya ay nag-averaged ng 19.3 points, 7.2 assists na kaniyang bagong career-high, 4.1 rebounds at 1.8 steals per game, na may shooting splits na 39.3 percent shooting sa field, 34.2 percent shooting sa tres at 89.8 shooting sa free throw line.
Isa siyang magaling na shooter at defender bagaman siya ay undersized, at dahil sa wala pang kasiguraduhan para sa future ni D'Angelo Russell sa Lakers, gusto talaga ng Lakers na makakuha ng mas steadier na point guard.
Aangkop naman itong si VanVleet sa isa pang star na creator sa opensa pero magaling din naman siya kung siya ang magiging pangunahing guard.
Ang merkado nga para sa kaniyang serbisyo ay paniguradong mag-iinit sa nalalapit na free agency, mga KaDribol, kaya kaabang-abangan na rin kung ano ang magiging desisyon niya, at kung kukunin nga ba siya talaga ng Lakers.
Comments
Post a Comment