Fred VanVleet at Dillon Brooks posible raw na mapunta sa Houston Rockets sa pagsisimula ng free agency sa Sabado.



Fred VanVleet at Dillon Brooks posible raw na mapunta sa Houston Rockets sa pagsisimula ng free agency sa Sabado, mga KaTop Sports.


Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong posibilidad na maagaw ng Dallas Mavericks i0tong si Andre Drummond mula sa Chicago Bulls sa free agency.


Ang Mavs nga ay may malaking free agency na pasisimulan na ang priority nila ay ang i-retain itong si Kyrie Irving.

Pero may mga rumors din na sila ay may inilulutong isang bagay para sa sentro ng Bulls na si Drummond, ayon kay Marc Stein.

Ilang kalabang teams daw ang nagsabi sa kaniya na ang Dallas ay inaasahan na maglalabas ng mga terms sa pasimula ng free agency para kay Drummond, mga KaTop Sports.


Ngayon na inaasahan na nga na idedecline na niya ang kaniyang $3.36 million player option sa Bulls sa deadline.

At kapag nagkataon, si Drummond na ang pangatlong sentro ng Mavs na kasama ng bagong dagdag din sa kanila na si Richaun Holmes at ang No.12 overall pick na si Dereck Lively ll.

Sina JaVale McGee at ang magiging unrestricted free agent na si Christian Wood ay labas na sa mga plano ng Dallas, pero si McGee ay nasa kanila pa rin, matapos na nireject ng Phoenix Suns ang isang trade para kay Deandre Ayton.


Ang mga moves nga ng Mavs ngayong offseason ay transparent, mga KaTop Sports, at makikita natin na ginagawa nila ang lahat mapanatili lang nila sa kanila si Irving at ang makabuo ng presence sa ilalim na kulang nga sa kanila last season.

Sila ang isa sa worst defensive units at worst rebounding team last season, kaya ito ang kanilang mga priorities na hindi nila ikinahihiyang ipakita sa lahat.

At kapag nagsimula na ang free agency sa Sabado, ang unang target ng Mavs ay si Irving.


Gayun pa man, kung totoo nga ang rumors, h'wag na nating ikagulat pa kung si Drummond ay mapunta na sa Mavs.

Pero kailangan muna niyang idecline ang kaniyang player option sa Bulls, mga KaTop Sports, gaya ng inaasahan, at tignan niya kung siya nga ay kukunin ng Dallas.

At para naman sa posibilidad daw na mapunta sa Houston Rockets itong sina Fred VanVleet at Dillon Brooks sa pagsisimula ng free agency sa Sabado, mga KaTop Sports.


Labas na nga sa usapan ng Rockets ang pagkuha nila kay James Harden sa free agency, pero sila naman ngayon ay inaasahan na kukuha ng dalawang key players sa pagbubukas ng free agency sa Sabado.

Magiging isang legit na supresa raw sa buong liga kapag sina VanVleet at Brooks ay papayag sa isang kasunduan upang mapasama sa koponan ng Rockets, ayon pa rin kay Marc Stein.

No'ng regular season, may mga speculation patungkol sa pagbalik ni Harden sa Rockets sa free agency, pero mukhang pipirma siya sa iba.


At si Dillon Brooks ang isa sa paborito ng Rockets na makuha nila at talaga namang interesado sila sa kaniya, mga KaTop Sports, lalo na at hindi na siya kukunin pang muli ng Memphis Grizzlies.

Ayon din sa ulat ni Marc Stein, papipirmahin daw ng Rockets si VanVleet ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $83.6 million.

May mga young players itong Rockets, gaya nina Jalen Green, Amen Thompson at Cam Whitmore.


At si Green ay isa sa respected young player ngayon, at nadagdag naman sa kanila sina Thompson at Whitmore sa draft.

Kaya may sense talaga na kumuha ang Rockets ng mga may experienced na na beterano na gaya nina VaVleet at Brooks, mga KaTop Sports.

Nu'ng una parang si Harden ang kukunin nila, pero hindi naman pala, kaya't kaabang-abang na kung totoo nga itong rumors na ito, pagsapit ng pagbubukas ng free agency sa araw ng Sabado, sa oras na ika-anim ng umaga.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.