Duncan Robinson nag-init ang shooting sa 4th quarter kaya't nakuha ng Heat ang panalo sa Game 2 laban sa Nuggets.
Duncan Robinson nag-init ang shooting sa 4th quarter kaya't nakuha ng Heat ang panalo sa Game 2 laban sa Nuggets.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong pagpasok ni Jimmy Butler sa teritoryo nina LeBron James at Dwyane Wade sa naabot nila sa playoffs bilang Heat legend.
Napatunayan na nga ni Jimmy Butler na siya ay isa nang Miami Heat legend, lalo na ngayon at pinangunahan niya ang koponan ng Heat na wala ang kanilang mahahalagang players na sina Tyler Herro at Victor Oladipo, mga KaTop Sports.
Nadala sila ni Butler mula sa panalo sa play-in tournament patungo sa NBA Finals laban sa Denver Nuggets, at ang face-off niya laban kay Nikola Jokic ay mas nakakuha ng maraming papuri kaysa sa naabot nina LeBron James at Dwyane Wade.
Ngayon, napasama na itong si Butler sa mga talaan ng kasaysayan ng Miami Heat, na sila lang ang tatlong players na nakaabot ng 500 points, 100 rebounds at 100 assists sa isang playoff run.
Nakuha niya ang mga puntos na iyon habang may efficient shooting na 48.1% field goals, habang siya ay mayroon lamang na 36.1% mula sa three-point line, mga KaTop Sports.
Si Butler din ang nagpapadali sa kanilang opensa at siya rin ang gumagawa ng mga opportunities para sa kaniyang mga teammates, na siya ay nagkaroon na ng total of 104 assists sa pagpasok ng second game ng NBA Finals.
At kapag hindi tumitira itong si Butler, sinisigurado naman niya na siya ay makakakuha ng mga rebounds, na siya ay may total na ngayong playoffs ng 126 rebounds.
At asahan na natin na tataas pa ang mga numerong ito ni Butler dahil na rin sa maigiting niyang pagpupursige sa laro.
Tama lang ang naging desisyon ni Pat Riley na manatili kay Butler bilang kanilang star dahil nagbunga na ito ng maganda para sa kanila, mga KaTop Sports.
Nakaabot na si Butler sa tatlong Eastern Confernce Finals at dalawang NBA Finals sa koponan ng Maimi Heat, at maipagpapatuloy niya ang kaniyang mala-alamat na marka sa Miami, kapag nagawa nila na magkampeon mula sa pagiging eight-seeded na koponan.
Pero bago mangyari ang lahat ng iyon, kailangan muna ni Butler at ng Miami Heat na pabagsakin ang isang Nikola Jokic at isang malakas na koponan ng Denver Nuggets.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
At para naman sa mainit na shooting ni Duncan Robinson sa 4th quarter kaya't nakuha ng Heat ang panalo sa Game 2 laban sa Nuggets.
Halos nakontrol nga ng Denver Nuggets ang kabuoan ng Game 2 sa NBA Finals laban sa Miami Heat, nang biglang pumutok ang opensa nitong si Duncan Robinson sa fourth quarter.
Nanalo nga ang Heat sa Game 2 sa score na 111-108, at nagawa nilang maitabla ang serye sa 1-1, at ang susunod na game ay malilipat na sa Miami, sa darating na Huwebes, June 8, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Nagkaroon nga ng isang magandang paglalaro itong si Robinson, siya ay umiskor mula sa bench ng 10 points, na may shooting na 4-of-5 mula sa field at 2-of-3 naman mula sa tres, mga KaTop Sports
Malaki ang naging parte ng kaniyang shooting kung bakit sila ay nakalamang sa 4th quarter, na iyon ang nagbigay ng buhay sa kanilang koponan upang maka-steal sila ng isang panalo sa road.
Ibang klase talaga ang koponan ng Miami Heat, mula sa pagiging eighth seeded na koponan, ay tinalo nila ang malalakas na teams sa East, Milwaukee Bucks, New York Knicks at Boston Celtics.
At kapag magawa rin nila na matalo ang Nuggets sa Finals, napakalaking achievement nito dahil wala pang eighth seeded na koponan na nakapanalo ng kampeonato sa NBA.
At kakailanganin ng Heat ang mga ganitong performance ni Robinson upang maipagwagi nila ang serye, mga KaTop Sports
At sa ipinakitang performance ni Robinson sa Game 2 at sa panalong nakuha ng Heat sa road, asahan na natin na magiging isang mahabang serye ito ng NBA Finals.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment