Draymond Green naniniwala na ang Denver Nuggets na ang magkakampeon ngayon taon.
Draymond Green naniniwala na ang Denver Nuggets na ang magkakampeon ngayon taon.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi niya patungkol kina Michael Porter Jr. at kay Bruce Brown.
Pinuri nga ni Draymond Green itong si Aaron Gordon matapos na magkaroon ito ng magandang paglalaro para sa Denver Nuggets nu'ng Game 4, kung saan sila ay nanalo laban sa Miami Heat, mga idol.
Pero hindi lang 'yon ang nakapukaw pansin kay Green, kundi napansin din niya kung gaano nagiging kahalaga para sa Nuggets itong si Bruce Brown, hindi lamang sa Finals kundi sa kabuoan ng kanilang kampanya.
Naniniwala itong si Green na malaki ang nagiging epekto ng paglalaro ni Brown sa mga nagiging tagumpay ng Nuggets, at hindi raw isang bonus lang si Brown para sa Denver.
Kundi kailangan daw nila talaga si Brown na maglaro ng maganda, hindi gaya ni Micharl Porter Jr na wala raw kasiguraduhan ang bawa't laro.
Nalagpasan na raw ni Brown si Porter Jr. sa pagiging third option sa opensa, kaya naman, kapag maganda raw ang inilaro ni Porter Jr., iyon daw ang bonus para sa Nuggets, mga idol.
Napatunayan na rin daw ni Brown na siya talaga halos ang third option ng Nuggets, dahil kapag nakaupo raw si Jamal Murray, si Brown daw ang gumagawa ng plays sa kanila, lalo na sa mga pick-and-rolls, kaya para raw kay Green, napatunayan na raw ni Brown na siya ang third option ng Nuggets.
May punto naman dito si Green, dahil naging maganda naman talaga ang pagkakakuha ng Nuggets kay Brown, at napatunayan na rin naman niya na hindi sila nagkamali ng pagkuha sa kaniya.
Si Brown ay may player option sa susunod na season na nagkakahalaga ng $6.8 million, at base na rin sa ipinakikita niyang paglalaro, mukhang magkakaroon siya ng mas malaking halaga ngayong offseason, kung sa Nuggets man o sa iba na.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
At para naman sa paniniwala ni Green na ang Denver Nuggets na ang magkakampeon ngayong taon.
Nagkaroon na nga ng apat na kampeonato itong si Green, kaya't alam na alam niya kung ang isang koponan ay isang kampeon na koponan.
At dahil do'n, hindi na siya nagdalawang isip na koronahan ang Denver Nuggets bilang kampeon ngayong taon, matapos na mapanood niya ang Game 4 ng NBA Finals.
Isang panalo pa nga ang kailangan ng Nuggets bago sila opisyal na tanghalin na, na kampeon ngayong taon, pero si Green ay kumbinsido na , na tapos na ang serye, mga idol.
Hindi naman daw iyon sa pagmamaliit sa Miami Heat, kundi sinasabi lang daw niya kung gaano niya nakita na ang Denver ay seryoso talaga na tapusin na ang laban.
Kung napanood mo raw ang Game 4 at hindi mo raw nakita na ang Nuggets na ang magkakampeon, baka iba raw ang pinanonood mo, dahil tinatapos na raw ng Denver ang dapat nilang tapusin.
Kitang-kita raw iyon sa dalawang huling games nila, na gusto na raw nila talagang tapusin na ang serye, gaya ng gusto na nilang tapusin ang kanilang almusal agad, at hindi na nila nilalaro pa ang kanilang pagkain.
At kahit na ba natalo pa sa Game 2 ang Nuggets, ang tatlong panalo naman nila ay pawang double-digits na panalo, at nagawa nga nilang bawiin ang homecourt advantage, mga idol.
At hindi lang iyon ang nagawa nila, kundi nagawa rin nila na hindi makapanalo ang Heat sa mismong tahanan nila, na gaya nga ng sinasabi ni Green, na hindi na nag-aaksaya pa ng oras ang Nuggets, gusto na nilang tapusin ang laban.
Bagaman, mahirap na basta na lang balewalain ang Heat, pero mahirap talagang isipin na matatalo pa ang Nuggets, ngayon na isang panalo na lang ang kailangan nila, habang ang Heat ay kailangan pang manalo ng tatlong magkakasunod.
Hindi pa natin masasabi sa ngayon, kung tatapusin na nga ba ng Nuggets ang laban sa kanilang tahanan sa darating na Martes, pero wala naman nang dahilan pa upang pagdudahan pa sila ng kanilang mga fans ngayon.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment